Umuusad na ang proseso para sa surgery upang mapaayos na ang mukha ko. At sinubukan kong i-try na i-search si Doctor Wilson Gomez, at gaya ng sabi ni Miss Grace ay magaling nga itong doctor, ngunit isa siyang pribado at mahirap hagilapin.. At nito lang ay binalita sa akin ni Greyson na mismong si Doctor Wilson ang nagtungo rito sa pilipinas para lang gawin ang pag-ayos sa mukha ko. Sobra akong nahihiya dahil ang kagaya niyang propesyonal ay talagang naglaan pa ng oras para bumiyahe at ayusin lang ang mukha ko. Sabi sa akin ni Greyson ay malakas ang Lola ng asawa ni Miss Grace doon kaya agad ding napapunta rito si Doctor Wilson dahil sa request ni Madamé Lora. "Are you nervous?" Tumingin ako kay Greyson na lumapit sa akin habang nakatayo ako sa harap ng malaking bintanang puro salamin

