"Aling Jingjing, pabili nga po ng sabon panlaba."
Lumingon siya sa akin mula sa panonood ng teleserye. Napatingin din ako sa pinapanood niya at hindi ko namalayan na napatagal na pala ang aking pagtitig doon. Bigla ay parang nakikita ko na si Lincoln at ako ang bida sa palabas kung saan may eksena kami kung saan may kissing scene.
Napapikit ako at ngumuso habang hinihintay ang palapit na halik sa akin ni Lincoln. Pero agad akong napadilat at napadura ng may malasahan ako na sabon. Napatingin ako kay Aling Jing-jing habang nagpapahid sa labi ko.
"Hay, Naku, Juliet. Gumising ka sa realidad. Hindi ka magugustuhan ng lalakeng na-i-imagine mo dahil dukha ka lang katulad namin."
"Grabe naman kayo, Aling Jing-jing. Yun na sana, pero pinatikim niyo naman sa akin ay sabon."
Sanay naman na ako sa masakit na salita ni Aling Jing-jing upang gisingin ako sa realidad. Masakit aminin na tama siya. Kailanman ay hindi ako magugustuhan ni Lincoln, pero hindi naman masamang humanga. Kaya ipagpapatuloy ko iyon lalo't hindi ko pa rin makalimutan kung anong kabaitan ang ipinakita niya sa akin.
"Oh, limang piso dito. Baka utangin mo pa ito, naku, malulugi na ako sa kakautang niyo."
Kinuha ko ang pitaka ko sa bulsa ng short ko at kumuha ako ng baryang pambayad. Pero dinagdagan ko dahil meron pa akong nais na bilhin.
"Ah... Aling Jing-jing, pabili nga rin po ng fabric conditioner."
Tinignan niya ako habang kumukuha ng fabric conditioner sachet. 'Yung tingin niya ba ay parang may nakikita siya sa aking kakaiba.
"Ngayon ka lang bibili nito, ah.. May pinapabanguhan ka, ano?"
Natawa ako sa tanong niya at nilapag ko ang bayad ko bago ko hablutin sa kanya ang fabric conditioner.
"Napakausisera niyo talaga, Aling Jing-jing." napailing kong sabi.
"Naku! Kumekerengkeng ka na, Juliet! 'Wag ka na umasa, dahil habang buhay ka lang din malulugmok sa squater na kagaya namin! Maghanap ka ng mayaman para hindi mangyari iyon."
Hanggang sa pag-alis ko sa tindahan niya ay rinig na rinig ko pa rin ang parang microphone na boses niya. Balewala sa akin iyon. Dahil kahit ano pang sabihin nila, makakaalis at makakaalis ako sa squater na ito kapag nakatapos na ako ng pag-aaral at kapag nakapasa na ako sa board exam.
Pagpasok ko sa aking munting bahay ay nilibot ko ang tingin sa buong paligid. Kahit saang sulok ka tumingin, kahirapan ang makikita mo. Kahit anong sipag ko sa paglilinis at pagandahin ito ay wala rin dahil kitang-kita ang paghihirap ng apartment na ito na ilang tao o pamilya na ba ang nangupahan.
Napahinga ako ng malalim at lumapit sa lamesa kung saan nakalapag ang mga libro ko at ilang gamit ko sa school. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ko ang panyong puti. Inamoy ko ito at napangiti ako dahil nanunuot pa rin ang napakabangong amoy. Ayoko sanang ibalik o labhan dahil nais kong i-exhibit sa munti kong work table, pero dahil hindi akin ito ay kailangan kong ibalik.
Pumasok ako sa banyo dala-dala ang binili kong panlaba at maging ang panyo. Naupo ako sa bangkong maliit na upuan at kaharap ko ay ang aking palanggana.
Inamoy ko pa muli at inubos na ata ng pang-amoy ko ang amoy ng panyo bago ko ilagay sa palanggana na may tubig at sabon. Maigi, maingat, at punong puno ng ngiti kong kinusot ito. Sinigurado ko na maayos na maayos ang pagkakalaba ko rito. Tinaas ko ito at napatitig ako sa initial ng panyo. LPS. It means my prince charming, chos!
Natawa na lang ako at binanlawan ito ng maigi, maayos, at puno ng kilig. Ngayon lamang ako gumastos at magsasayang ng pera para sa karampot na bango na hatid ng fabric conditioner na ito. Ni uniporme ko ay hindi nalalapatan nito, kaya sana ay effective ito dahil nakakahiya kung ibabalik ko ito ng hindi mabango.
Wala naman akong pabango na maaring ipisik para instant bango agad. Kaya ito na lang ang naisip kong paraan para naman 'pag binalik ko ito ay maalala niya kung gaano ko pinabango ang panyo niya.
Tumapak ako sa bintana katabi ng higaan ko. Sinapay ko sa labas ng bintana ang panyo naka-hanger pa at naupo ako sa bintana bago ko yakapin ang mga binti ko habang nakatitig ngayon sa kalangitan.
Maraming bituwin at alam ko na isa sa mga bituwin na iyon sila Papa at Mama. Kapag tumitingin ako sa bituwin ay naiisip ko na nariyan lang sila at binabantayan ako.
"Pa, Ma, sana naman po bantayan niyo ako ng maigi. At sana po ay ilayo niyo ako sa masasamang espiritong nakakalat sa eskwelahan ko. Ayoko pa pong sumunod sa inyo, kaya sana ay gabayan niyo ako na maka-survive hanggang sa matapos na ako sa pag-aaral."
Napangiwi ako at napatingin sa maliit na pupu ng butiki. Nandidiri na pinagpag ko ito at tiningala ang butiki.
"Ay, grabe! Wala ba kayong banyo at kung saan-saan kayo nagkakalat ng dumi niyo!?"
Ginulo ko ang buhok ko dahil para lang akong tanga na kinakausap ang butiki na nakatitig lang tapos aalis din na akala mo ay takot.
Bumaba na ako ng bintana dahil umihip ang hangin at masama ang hatid no'n kaya dali-dali kong sinara ito. Pero nang maalala ko ang panyo ay binuksan ko muli ang bintana at kinuha ang panyo na naka-hanger.
Sinabit ko na lang ito sa sabitan ko ng damit at nahiga na ako sa higaan ko para matulog. Pero agad akong napadilat at habol ko ang hininga ko ng makita ko ang nakangising si Greyson. Napaupo ako at pinalo palo ko ang pisngi ko bago napahimas sa braso ko dahil kinikilabutan ako.
"Ano ba 'yan! Bakit sumisingit naman ang demonyong iyon? Aist! Wala! Hindi ko na iisipin iyon dahil baka bangungutin lang ako."
Nahiga na muli ako at nagtalukbong ng kumot. Pananaginipan ko na lang ang naudlot naming teleserye ni Lincoln. Para kahit doon ay alam kong nakakaangat na ako at kaya ko siyang pantayan.
Pero letche! Imbes na nandoon na nga ako sa panaginip kong maganda, meron namang istorbong kumakatok na halos gibain na ang pinto ko.
Nagdadabog na inilang hakbang ko iyon at binuksan ko ang pinto. Handa ko sana itong bulyawan pero nang makita ko ang kampon ng mga demonyo ay agad kong sinara ang pinto. Dinoble ko ang pagkakandado ko sa seradura bago ako nagtatakbo na muling nahiga sa higaan ko.
Nagtaklubong ako ng kumot at umiling-iling. Nananaginip na naman ako. Wala si Demonyo rito at ang kampon niya, wala!
Napatakip ako ng tenga ng makarinig ng nakakalibot na halakhak. Nag-sign-of-the-cross ako at binigkas ang lahat ng dasal upang mawala ang masasamang espirito sa paligid ko. Nang wala na akong naririnig ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi na ako bumangon at tinuloy ko na ang tulog ko dahil ayokong malaman na baka may demonyo pa sa labas ng bahay ko.
"Oh, bakit ganyan ang mata mo? Para kang panda."
Tawa ng tawa si June habang nakatingin sa akin habang naglalakad na kami upang magpunta sa kanya-kanyang building. Tinignan ko siya na may pagkabagot dahil wala ako sa mood sa pang-aasar niya.
"Sige na, June." inaantok ang boses ko at nahalata iyon ni June.
"Really, Juliet? What's the problem?"
Inilingan ko lang siya at kumaway ako sa kanya na naglakad na patungo sa building ko. Tinungo ko muna ang locker room ko dahil nais kong bawasan ang dala kong libro. Maayos kong nilagay lahat ng ilalagay ko at kinuha ko ang panyo na nilabhan ko. Inamoy ko pa ito at napangiti ako dahil ang bango. Maayos kong pinatong sa libro ito dahil mamaya ko balak na ibigay kay Lincoln para naman maayos akong makapagpasalamat.
Sinara ko ang pinto ng locker at tumalikod ako pero halos manlaki ang mata ko at bigla akong pinanginigan ng katawan ng sumalubong sa akin ang malapit na mukha ng nakangising labi, masamang tingin, at nag-uumapaw na kasamaan na hatid ni Greyson Martin Esteban!
Napapikit ako ng malakas niyang suntukin ang locker sa gilid ng mukha ko. Pigil na pigil ang hininga ko at halos parang nanlalamig ang buong katawan ko.
"Bakit mo ako sinaraduhan ng pinto, ha?!" bulyaw niya na akala mo ang layo-layo ko. Dumilat ako pero nakapaling ang mukha ko. Gumalaw lamang ang mata ko upang tignan ko siya at nakita ko ang nakangisi niyang labi na animo'y tuwang-tuwa na makitang takot na takot ako.
"Naku, nawalan na ata ng boses, boss." kantyaw pa ng alagad niya na palaging umeepal.
Nang makita kong hahawakan ni Greyson ang mukha ko ay agad akong napaupo. Umatras siya at tinignan ako ng matalim. Nanginginig na tumayo ako habang umaatras. Ngumisi siya at sinusundan ang pag-atras ko.
"Answer me, woman, or else... you're dead!" tinuro niya ang labi niya na hindi ko maunawaan.
Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko sa sitwasyon ko. Nais ko ng tumakbo pero hindi ko alam kung paano?
Nang hindi ko siya sinagot ay hinawakan niya ako sa leeg kaya dahil kusang gumalaw ang paa ko ay napangiwi siya. Tinignan niya ako ng masama, kaya bago pa siya mag-react sa ginawa ko ay agad na akong tumakbo.
"Come back here, Woman! You're dead!" dumadagundong niyang hiyaw.
"Ayoko na! Ayoko na! Mga demonyo kayo! Layuan niyo ako!"
Hiyaw ako ng hiyaw habang mabilis na tumatakbo. Hindi ko akalain na mabilis pala akong tumakbo kapag takot. Hingal na hingal ako at takot na takot na pumasok sa room ko. Napapatingin sa akin ang mga kaklase ko pero wala sa kanila ang atensyon ko. Panay pa rin ang tingin ko sa labas habang patungo sa upuan ko. Imagine apat na palapag na kinatatamaran kong akyatin ay naakyat ko ng hindi ko mabilang na segundo.
Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko at parang nais na nitong lumabas dahil sa sobrang kabog nito. Pinagsiklop ko ang kamay ko na nanginginig habang panay ang tingin ko sa bintana ng room.
"J-Juliet, are you okay?" tanong ni Erion.
"Yeah, ayos lang ako." panay ang baling ng leeg ko sa bintana at nanalangin na sana ay 'wag na nila akong puntahan rito.
"Ah... Kasi..."
Tumingin ako sa kumalabit sa akin at nakita ko si Nika. Nagtaka naman ako dahil kelan ko pa siya naging katabi? Nagbago na ba ang seating plan? May tinuro siya kaya napatingin ako sa upuan ko. At halos umakyat ang dugo sa mukha ko ng mapagtanto ko na mali ang naupuan ko. Ang masama pa ay nakakandong ako kay Nerdy Erion.
"Sorry, sorry, Erion." pulang-pula na ako sa paghingi ng paumanhin sa kanya. Tinignan ko siya at namumula ang pisngi nito habang inaayos ang salamin niya.
"A-ayos lang, Juliet."
Ginulo-gulo ko ang buhok ko at naupo sa upuan na nasa likod lang ni Erion. Dumukdok ako sa lamesa ko at mahinang inuntog ko ang ulo ko sa braso ko. Wala na akong magawang tama kapag lumalapit ang Greyson na iyon. Parang dumidikit sa akin ang kamalasan dahil sa hatid ng demonyong iyon.
"Good morning, Class!"
Lihim na napahinga ako ng malalim ng tumunog ang kampana hudyat na simula na ng klase. Ang dapat ko na lang isipin pagkatapos ng klase ko ngayong umaga ay kung paano ako iiwas kay Demonyo. Dapat siguro ay manghingi na ako sa manggagamot ng pangontra demonyo. Kahit maubos ang baon ko para bukas ay gagawin ko, 'wag lang ako lapitan ng masamang espirito.
"Tara, Juliet, sabay ka na sa amin." aya ni Nerdy Nika.
"Sige.."
Tama! Dapat ay marami akong kasama para meron akong kakampi. Hindi na dapat ako maiiwan mag-isa.
Nahuhuli ako ng lakad sa grupo ng mga nerdy at panay ang linga ko dahil baka bigla na lang sumulpot ang demonyong iyon ng hindi ko namamalayan.
"Dito ka na, Juliet." Turo ni Nika sa upuan. Sobrang labo na siguro ng mata niya dahil sa kapal ng grado ng salamin niya. Typical nerdy talaga siya dahil naka-pigtail pa ang magkahati sa dalawa ang buhok niya.
"Salamat." naupo ako sa in-offer niyang upuan at naupo na din sila. May kaya naman sila sa buhay, ako lang naman ang sobrang dukha. Pero hindi lang kasing level nila ang High profile.
"Ano sa 'yo, Juliet? Treat ka namin."
Para namang biglang nag-twinkle-twinkle ang mata ko sa sinabi ni Carmina.
"Talaga? Wala ng bawiin 'yan, ha?"
Tumango sila kaya napapangiti na kumuha ako ng menu na nakalapag sa table namin.
"Omg!"
Napatigil ako sa pagtingin tingin sa menu at nagtaka ako ng magsitayuan sila Nika na tila mga takot na takot.
Anong nangyayari?
Napasinghot ako dahil parang may pamilyar na amoy akong naamoy. Pero nanigas na lang ako sa kinauupuan ko ng may biglang humawak sa magkabilang balikat ko.
"You're dead now, woman."
Nanginig ako sa aking kinauupuan lalo na ng makita ko ang apat na alagad ng demonyo na mga nakapalibot sa akin. Inalis ni Demonyo ang kamay niya sa balikat ko at nagtungo siya sa katapat kong upuan. Padarag niyang hinila iyon at walang modo siyang naupo bago itaas ang mga paa sa lamesa at tinignan ako ng matalim.
Pumitik siya ng daliri at hindi pa nga ako nakakahupa sa gulat ay ngayon heto naman. May tatlong chef na nilapag ang lahat ng masasarap na pagkain sa harapan ko. Maging ang masarap na fruit shake na purong puro prutas ang sangkap no'n.
"Now, eat." utos niya. Napayuko ako at hindi ko na alam kung paano ako ngayon makakaalis pa dahil sa magkabilang gilid ko ay nakabantay ang mga alagad niya.
"Juliet.."
Para akong naligtas sa bangutngot kaya napatayo ako ng marinig ang boses ni Lincoln, pero pwersahan akong pinaupo muli ng mga alagad ni Demonyo.
"Anong ginagawa niyo sa kanya, Greyson?"
Nagmamakaawa ako na tumingin kay Lincoln kaya napatingin siya sa akin bago tumingin kay Greyson. Napaidtad naman ako ng malakas na ibagsak ni Demonyo ang paa niya sa lamesa na kinagalaw ng lamesa at pagkain.
"Kahit kailan palagi kang umeepal upang magpapansin, Lincoln."
Nagdidilim ang mukha ni Greyson habang hawak-hawak niya ang panga niya na napapatiim-bagang. Kinakabahan ako hindi para sa sarili ko, kundi para kay Lincoln.
"Ang hirap kasi sa 'yo, kung sino ang nais niyong pagtripan ay pinag-t-tripan niyo. Halika na, Juliet." lumapit sa akin si Lincoln kaya nagtapat sila ng isang alagad ni Greyson. Hindi nagpatinag dito si Lincoln at inalok ang kamay niya sa akin kaya balak ko sanang abutin ng biglang tumapon sa akin ang mainit na sabaw kaya napatayo ako at napasigaw sa pagkakapaso. Napaiyak ako at napatingin kay Greyson na umalis na wala man lang paghingi ng paumanhin sa ginawa niya.
"Dadalhin kita sa clinic." napatango na lang ako kay Lincoln kaya inalalayan niya ako habang pinupunasan ang napaso kong kamay.
Napakasama talaga ng demonyong iyon! Napakasama talaga niya!
"Mabuti at agad niyong dinala rito. Heto ang ointment at ipahid mo ito para hindi malapnos ang balat mo."
Nakaupo ako sa clinic bed ng school habang pinapahiran ko ang lapnos ko. Mabuti at hindi masyadong malaki, kung hindi ay mas masakit pa ang mararamdaman ko kung nagkataon.
"Sino ba ang may gawa n'yan? P'wede kang magreklamo sa guidance office."
Napahinga ako ng malalim at napaisip. Kanina, bago umalis si Greyson ay kita ko na nais niyang mag-sorry pero tila nakita niya na nakatingin ako kaya umalis siya. Pero hindi, malabo iyon.. Mali lang ang nakita ko. Wala talaga siyang kasing sama! Wala siyang konsensya!
"Oh, hindi ka na nakasagot d'yan?" pukaw ni Ms. Nurse.
Tumingin ako sa nurse at umiling, "Hindi po, aksidente lang po."
Ayoko man na ipagtanggol ang demonyong iyon ay ginawa ko na para wala ng gulo. Tiyak din naman ako na hindi ako mananalo dahil sa kanila itong school at parang nagsumbong lang ako sa wala kung gagawin ko iyon.
Lumabas ako ng clinic at nakita ko ang pag-alis ni Lincoln sa pagkakasandal sa pader. Nagulat pa ako dahil nandito pa pala siya. Akala ko ay umalis na siya.
"Maayos ka na ba ngayon?"
Hindi ko alam kung bakit siya nag-aalala sa katulad ko. Parang naging blessing in disguise pa ata si Demonyo dahil kusa ng lumalapit sa akin ang anghel na nagiging savior ko.
"Oo, ayos na ako.... Salamat."
Napayuko ako at piling ko ay namula ang pisngi ko. Lumakad kami at hindi ko mapigilan na napatitig sa mukha niya ng palihim habang patuloy kaming naglalakad.
Napakagwapo talaga niya, napakaamo ng mukha, at dinaig pa ako. Mas mukha siyang babae, kaya kawawa talaga sa part ko dahil bakit lahat ata ng biyaya ng diyos sinakop niya? Bakit ako, ni isang magandang katangian ay wala ako? Ayos naman itsura ko, typical ordinary girl, pero kasi, hindi ako matatawag na 'beautiful' lady.
"Ah, Lincoln, wait..." napahinto siya sa paglalakad ng matapat kami sa building ng Low profile. Sinenyasan ko siya na sumunod kaya napapangiti na nilakad ko ang locker ko. Komportable ako na walang susulpot na demonyo dahil kasama ko ang anghel ko. Binuksan ko ang locker ko at kinuha ko ang ibabalik ko sa kanyang panyo. Huminga ako ng malalim at humarap ako sa kanya.
Naghihintay siya sa tila nais kong sabihin sa kanya, kaya naman nilahad ko sa kanya ang maayos na pagkakatupi ng panyo niya. Nung nakiplantsa pa ako sa kapitbahay ko ay dinamay ko na ito para maayos kong maibalik kay Lincoln ito.
"Salamat rito..."
Napangiti siya kaya napayuko akong muli at napakagat ng labi. Nanlaki ang mata ko at tila nag-init ang pisngi ko ng mahinang i-pat niya ang ulo ko.
"You are so unlucky woman. You are his top interest from now, and you should be careful next time."
Hindi ko maunawaan ang ibig sabihin niya. Ngumiti siya at kinuha sa akin ang panyo niya. 'Yung ngiti niya ay malungkot at tila ba siya bigo na at wala ng laban.
Sino ba ang tinutukoy niya? Si Demonyo? Hindi, malabo iyon! Saka, bakit siya malungkot?
"Huh?" napatakip ako ng bibig dahil imbes na iba ang sabihin ko ay iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Natawa siya kaya napatitig ako sa kanya na ngayon ay nawala ang lungkot sa mata niya at tila napasaya ko siya.
"Never mind. Be careful next time, hmm?"
Tumango ako at natulala habang kumakabog kabog ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Mas bumilis pa ang t***k ng puso ko ng halikan niya ako sa noo. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at hindi ko namalayan na nakaalis na pala siya sa harap ko.
O......m.....g!!!!! Hinalikan niya ako!!!! Hindi ako nananaginip!!!!!