Hindi ko mapigilan na mapangiti dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang malambot na labi ni Lincoln sa aking noo. Kaya inspired ako sa klase at kahit medyo may iniinda pa akong paso ay parang nawala iyon dahil sa kakaisip ko sa nangyari sa locker room.
Tumunog na ang bell at kanya-kanya ng labasan ang mga estudyante, kaya gano'n din ako. Yapos-yapos ko ang dalawang aklat ko habang sukbit-sukbit ko sa balikat ang bag ko.
"Juliet! Sabay ka na sa akin!"
Inilingan ko si June na sakay ng kanyang kotse habang nakababa ang salamin nito at sumasabay sa lakad ko ang andar ng kotse niya palabas ng university.
"Hindi na, June. Salamat na lang."
Napanguso siya kaya natawa ako, "Okay, sige, lagi ka naman tumatanggi." aniya.
Palagi nga siyang nag-aaya, ngunit tinatanggihan ko. Lalo't nakakahiya at tingin ko ay maabala ko pa siya kung sasabay ako. Minsan nga iniisip ng mga nerdy na gusto daw ako ni June, pero hindi iyon ang tingin ko. Mabait lang talaga si June at wala akong malisyang nilalagyan sa pagtrato niya sa akin.
Napahinga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Napatingin ako sa mga punong siyang nagiging silong sa mahabang daan na para lang sa Esteban university. Nagkakalaglagan ang mga tiyot na dahon mula sa puno na kulay kahel ang kulay. Hindi ko alam ang tawag do'n, pero sa itsura niya ay parang autumn.
Natigilan ako sa pagtingala sa mga naglalaglagang dahon ng may biglang humaharurot na puting kotse na pamilyar sa akin. Bigla itong huminto at sa mismong harap ko pa. Kumabog ang dibdib ko sa kaba at alam na agad ng mga paa ko ang dapat gawin. Tumakbo ako para maiwasan ito, pero bago ko pa magawa iyon ay nakarating na agad sa harapan ko si Demonyo.
"B-bakit?"
Ngumisi siya at sinuklay ang buhok niya na tingin ko ay napakalambot. Kumikinang ang dalawang magkaibang hikaw niya sa isang tenga na lalong nagpapakita kung gaano nababalutan ng kabarumbaduhan ang isang katulad niya. Inaamin ko na bagay sa kanya, pero ayoko sa mga lalakeng nagsusuot ng hikaw.
"Get in.." hindi iyon pakiusap kundi pautos.
"S-sorry, m-may gagawin pa kasi ako." hindi ko alam kung nasaan ang tapang ko sa ibang bagay, pero kapag nakakaharap ko si Greyson ay parang nawawala iyon. Nakakatakot kasi ang awra niya, para bang any moment ay makikipagbasag ulo siya..
Gumalaw ang panga niya at tinignan ako ng seryoso bago igalaw ang ulo tila sinesenyasan ako na pumasok. Dahil tila kung hindi ko siya susundin ay matitikman ko ang galit niya. Napahigpit ang yakap ko sa libro ko at napayuko ako. Humawak siya sa likod ko at inakay ako kaya wala akong magawa kundi ang mapasunod.
Hinintay niya na makaayos ako ng upo bago niya sinara ang pinto ng kotse niya. Pangalawang beses ko pa lamang mararanasan na makasakay sa isang magarang kotse, pero hindi ko naman hiniling na sa demonyong ito ako makasakay. Saglit lang ay nakaikot na siya at sumakay. Nagkabit siya ng seatbelt at tumingin sa akin.
"Fasten your seatbelt." utos niya kaya agad kong sinunod kahit nahihirapan ako dahil hindi ko ito mahila sa panginginig ng kamay ko, "Relax.." aniya at siya na nagkabit.
Tinapakan na niya ang gas ng kotse niya kaya umusad na ang sasakyan niya sa mabilis na pagpapatakbo. Nakayuko ako at napapikit dahil nalulula ako sa bilis niya. Naramdaman kong parang bumagal kaya napadilat ako at napatingin sa harapan. Hindi katulad ng una na sobrang bilis, ngayon ay mild lang. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay seryoso lamang na nakatingin sa daan habang ang isang braso ay nakapatong sa pinto at bintana ng kotse habang ang mga daliri niya ay pinaglalaruan ang labi niya. May mapaglarong ngisi o ngiti sa labi niya, hindi ko alam kung para saan iyon.
Nais kong tanungin kung saan kami papunta, pero mukhang huli na dahil ilang saglit lang ay malakas niyang prineno ang kotse kaya halos mapasinghap ako. Bumaba siya ng kotse at nakita ko ang madali niyang pag-ikot sa side ko. Napakapit ako sa books ko na nasa kandungan ko at nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako, pero nakita ko ang isang malaking establisyamento na may naglalabasang tao. Ito 'yung palagi kong naririnig sa mga co-workers ko. Mall. Malaking gusali ng isang mall.
Nakalabas na ako ng kotse at nakatanaw sa paligid. Hinawakan niya ako sa likod at mahinang tinulak kaya napatingin ako sa kanya.
"Move.." tiim-bagang niyang utos kaya napahakbang ako. Lumakad ako at kasabay ko lang siya. Nakapamulsa siya habang parang hari kung maglakad. Bawat babaeng nadadaanan namin ay napapahinto at hindi mapigilang mapatitig, mapasinghap, at mamangha sa demonyong kasama ko. Alam ko naman na gwapo ang demonyong ito, pero hindi ko alam na sobra-sobra pala ang nagagawa ng looks niya. At kahit hindi sa looks, alam kong kilala na siya ng mga tao dahil sikat ang magulang niya at pamilya niya sa bansa. They are the riches and popular family in this country. High like a mountain, kaya hindi kayang maabot ang tuktok ng kagaya kong bago pa maabot ang posisyon nila ay matatabunan na ako ng lupa.
"GM." I saw the unfamiliar face. Napasada niya ako ng tingin bago siya ngumisi na tinapik ang balikat ni Greyson at bumulong. Nagpapalitan sila ng bulungan habang nakatingin sa akin.
"Boss.."
Napahigpit pa ang hawak ko sa libro ng sumulpot na ang grupo niya. Napapalibutan na nila ako kaya napayuko ako at nalilito na sa nangyayari sa buhay ko.
"Ticket." may inabot ang semi kalbo, moreno, five foot six height (I think), at badboy awra ng lalake na isa sa alagad ni Greyson.
Kinuha iyon ni Greyson. Nakita ko pa ang ticket bago iyon makuha ni Demonyo. A love story. Wait, are we going to watch that movie?
Nang tumingin ako kay Greyson ay hinawakan muli ako nito sa likod para pahakbangin ako. Nakasabay siya habang nakasunod ang mga kampon niya.
Doon nga sa movie theater kami pumunta. Kahit hindi ako pumupuntang mall at nanood ng sine ay alam ko naman ito dahil minsan nakikita ko ito at naririnig sa mga kasamahan ko sa trabaho o mapa school man.
Nasa pangatlong row, center kami ng mga upuan. Napatingin ako sa paligid dahil kaming dalawa lang. Nasa pinakalikod pa ang mga alagad niya.
Hindi ko alam kung ano bang ginagawa nito? Nakaupo lang siya pero parang hindi naman nanonood.
"Boss, popcorn."
May isang popcorn at inumin na binigay itong medyo maayos ayos ang ayos, hindi siya masyadong basag-ulo ang awra. Pinahawakan sa akin ni Greyson ang popcorn at nilagay niya sa gilid ko ang inumin.
"Eat this." turo niya sa popcorn, kaya napakuha ako at nahihiyang kinain iyon. Kumuha din siya at nang mapatingin ako sa kanya ay ngumingisi siya tila ba nagpipigil siya na ngumiti. Tinutok ko na ang mata ko sa big screen at hindi ko alam pero namalayan ko na lang na nanood na ako ng palabas habang kumakain ng popcorn. Naramdaman ko ang pagdantay ng kamay niya sa balikat ko, kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa movie at pasimpleng inalis ang kamay bago napahagod sa buhok niya. Umayos siya ng upo habang parang hari na naupo.
Nang ambang titingin siya sa akin ay umiwas ako at kinuha ko ang juice. Napainom ako at pasimpleng napalunok sa kaba. Sinusubukan ba niyang magpaka-sweet? Naku, hindi bagay. Baka nais lang ako nitong pilipitin ang leeg ko, pero dahil nahuli ko siya ay hindi na lang niya ginawa.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko na kinuha niya rin ang juice at uminom gamit din ang pinaghigupan kong straw. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko. God. Anong ginagawa niya?
"Damn, it's cold." aniya at unti-unting lumapit bago isandal ang ulo niya sa balikat ko kaya nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi ako makagalaw.
Nakatingin ako sa big screen pero wala doon ang atensyon ko. Halos hindi ko na rin magalaw ang popcorn dahil sa takot na gumalaw ako. Naririnig ko ang paghalakhak ng alagad niya tila ba natutuwa sila.. Nais ko ng umalis dahil para na akong robot. Isabay pa na hindi ako mapakali sa upuan ko dahil para na akong maiihi sa lamig ng aircon.
Nang hindi ko na kaya ay napatayo ako kaya naalis ang ulo niya. Matalim niya akong tinignan kaya napayuko ako.
"C-C.R lang."
Agad na akong umalis dahil naiihi na talaga ako. Napaayos pa ng upo ang grupo niya habang nagpabalik-balik ang tingin ng mga ito sa akin at kay Greyson, pero hindi ko na pinansin ang tingin nila at lumabas ako ng sinehan. Nakakita ako ng C.R kaya doon ako pumasok. Mabuti na lang at walang gumagamit kaya nakagamit din ako agad. Napahinga ako ng malalim habang nakatingin ngayon sa salamin.
Inayos ko muna ang sarili dahil tiyak na paglabas ko rito ay hindi na naman ako makakakilos ng maayos. Dapat pala ay bitbit ko na ang mga gamit ko para makaalis na ako, pero paano iyon... nasa kotse ni Demonyo.
Napahinga ako ng malalim at lumabas na, pero hindi ko inaasahan na bubungad sa akin ang naghihintay na si Greyson habang nakasandal sa pader at nakapamulsa. Nag-angat siya ng tingin kaya napayuko ako at tuluyang lumabas.
God. Hindi ko akalain na sinundan niya ako dito at talagang nakaabang pa siya.
"Let's go.." aya niya at hinawakan ako sa likod para maglakad. Akala ko ay babalik kami muli sa sinehan, pero hinawakan niya ako sa braso at ginaya patungo sa labas na.
Nakita ko ang mga alagad niya na nag-aabang sa amin. Hindi binitawan ni Greyson ang braso ko at bagkus ay bumaba ang kamay niya. Napatingin ako sa kamay niya na sakop ang buong kamay ko habang mahigpit niya iyong hawak. Parang naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay hindi ako makakaalis sa apat na sulok ng pader na siyang humaharang.
Napayuko ako dahil napapatingin sa amin ang mga kababaihan. Agaw pansin ang grupo nila Greyson, tapos napapatingin din sa akin tila ba isang malaking joke na kasama ako ng kilalang kagaya ni Greyson.
Sa isang tindahan ng mga damit kami pumasok. Napatingin ang lahat at nakita ko ang mabilis na paglapit ng mga empleyadong sales lady bago sila sabay-sabay na yumuko.
"I need a quiet place. You know what I mean." aniya sa babaeng medyo maedad na kumpara sa mga kasama nitong sales lady. Tumango ang sales lady at pumitik ito bago napayuko muli.
Napatakip ako ng isang tenga dahil nabigla ako sa pagtunog ng isang emergency bell. Nagkagulo ang mga shopping costumer at naglabasan. Halos wala ng natira, kami na lang at mga sales lady.
Gulat na gulat ako at ngayon ko lang napagtanto ang ibig ipahiwatig ni Greyson sa sales lady. Dahil nais niya ng katahimikan ay papaalisin na lang niya ang mga mamimili. Siraulo ba siya? At bakit hinahayaan ng sales lady ito? Malaki ba talaga ang impluwensya ni Greyson?
Natigil ako sa pag-iisip ng hilahin ako ni Greyson. Sapilitan na pinaupo ako sa isang couch habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Naupo rin siya at nag-cross legs at sinandal ang likod sa sandalan ng couch.
"Dress, casual outfit, pants, t-shirt, anything that fit for her." pautos na sabi ni Greyson sa sales lady.
"Masusunod, Master GM."
Napamaang ako at hindi pa rin maabot ng utak ko ang nangyayari. Parang nanaginip ata ako. Umiling-iling ako at pilit na ginigising ang sarili.
"Ayaw mo, ano ba ang gusto mo sa mga damit na naririto?"
Napatingin ako sa kanya. Kahit magtanong siya ay parang maangas pa rin at tila ba maiinis siya.
"A-ah... h-hindi ko na kailangan ng mga iyon.. G-gusto ko na lang umuwi." nauutal kong sabi kaya napaiwas ako ng tingin ng tumingin siya sa akin ng matalim.
"Tsk. Kakain pa tayo at wala ka na magagawa dahil binabalot na lahat kaya tanggapin mo na lang. Dahil ayoko rin ng tinatanggihan mo ako, maliwanag ba?" maawtoridad niyang sabi.
Bago pa ako makasagot ay bumalik na ang mga sales lady na may bitbit na maraming paper bags. Hinila na ako patayo ni Greyson habang ang grupo niya ang siyang nagbitbit ng mga paper bags.
Hawak pa rin ang kamay ko habang akay-akay niya ako. Nakita ko ang paglinga niya ng makarating kami sa side na puro kainan. Hinila niya muli ako at nakita ko ang pangalan ng restaurant na pinusukan namin. Gerry's Grill restaurant.
"Good afternoon, Sir, Mam. Welcome to Gerry's Grill restaurant." bati ng mga empleyado.
Hindi pinansin ni Greyson ang mga ito. At sa may couch, silyang upuan, at may mahabang lamesa kami naupo. Napatingin ako sa grupo ni Greyson at nakita kong nasa kabilang table sila.
Binitawan na din niya sa wakas ang kamay ko. Pakiramdam ko ay dama ko pa rin ang kamay niya kahit hindi na niya hawak ito.
Tinignan niya ang menu at tinuro niya lahat ng maibigan niya. Nang matapos siya sa pagsabi ng order ay sinara na niya ang menu. Napapisil ako ng daliri dahil kaming dalawa na lang ang naiwan sa table. Tinignan ko na lang ang paligid ng restaurant kesa mailang sa paligid habang katabi siya.
"Ano ang iniisip mo?"
Napatingin ako sa kanya at kita ko ang tingin niyang tila ba nais na alamin ang iniisip ko. Umiling ako na kinasalubong ng kilay niya.
"Make sure hindi ibang lalake 'yan.." aniya na may pagbabanta. Para siyang sasabog habang nakatingin sa akin na may pagbabanta. Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Sakto naman na dumating ang in-order niya kaya nawala siya sa idea na pumapasok sa kokote niya. Hindi ko talaga alam kung ano itong kinikilos niya? Sa paraan ng pagbabanta niya ay para bang hawak niya ako at pag mamay-ari niya.
Nilagay niya sa plato ko ang lahat ng klase ng ulam. Hindi pa siya kumakain at inaabangan ang pagsubo ko sa mga nilagay niya. Inaamin kong masarap ang pagkain, pero paano ko mananamnam ito kung bawat pagsubo ko ay tinitignan niya. Nang patuloy ako sa pagkain ay kumain rin siya, pero patuloy siya sa paglagay ng ulam kapag nauubos ko ang isang klase ng ulam.
"A-ayoko na.." pinigil ko na siya dahil busog na ako. Napahinga siya ng malalim. Mabuti at hindi niya ako pinilit. Tinigil na rin niya ang pagkain kahit ilang subo palang syya. Nagpunas siya ng bibig at uminom ng tubig. Pagkatapos ay sinenyasan niya ang waiter kaya lumapit ito habang may bitbit na itim na bagay.
"Here's my card." aniya at inabot ang itim na parang card. Kinaskas ng waiter iyon sa hawak nitong bagay at nakita ko ang paglabas ng receipt. Pagkatapos no'n ay tumayo na si Greyson kaya napatingin ako sa kanya, "Let's go.."
"P-pero 'yung natira.." alanganin kong sabi at napatingin sa mga tirang pagkain na sayang.
"'Wag mo ng intindihin 'yan dahil sila na ang bahala, tara na." aniya at hinawakan ako muli sa kamay.
"T-teka---ah, p'wedeng akin na lang 'to?" bumaling ako sa waiter na tumango.
"Sige po, Ma'am. Ibabalot ko lang po.." tumango ako kaya kinuha niya ang mga platong may lamang ulam. Tumulong na rin ang mga kasama nito kaya naupo muli si Greyson pero hindi binibitawan ang kamay ko.
Nang maibalot lahat ay kinuha ko ang kamay ko kay Greyson at nakangiti na inabot ko ang isang paper bag kung saan nakalagay ang mga natirang binalot na ulam.
"Salamat." ngumiti ako rito kaya tumango ito at ngumiti.
"Let's go.." banas na utos ni Greyson at hinawakan na ako sa likod para umalis table namin. Kinuha niya sa akin ang pinabalot na ulam at binigay sa isa sa mga alagad niya.
"Boss, akbayan mo.. Hindi mo kasi binabakuran."
Napahalakhak ang mga alagad niya sa likod namin ng sabihin iyon ng alagad niya tila malapit kay Greyson. Siya kasi ang laging kumakantyaw. Natawa naman si Greyson at naramdaman ko ang pagkaakbay niya sa akin kaya napadikit pa ako ng husto sa kanya.
Napatingin ako kay Greyson na ngumiti habang deretso ang tingin sa daan. Napatingin ako sa kamay nyayng nakahawak sa balikat ko. Nais ko sanang tanggalin, kaso hindi ko alam ang kahihinatnan kapag inalis ko.
"Do you have phone, baby?"
Pinisil niya ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin na pala siya sa akin ngayon at tila hinihintay niya ang pagtugon ko.
"Huh?" hindi ko narinig. Napakagat ako ng labi ng mag-iba ang reaksyon niya na tila inis.
"Tsk. I said, do you have phone?" ulit niya na banas na kaya agad akong umiling dahil wala naman ako no'n.
Hindi na siya nagsalita pa at inakay na ako. Pumasok kami sa isang store, at kita ko ang magagarang cellphone. Ganito 'yung nakita kong cellphone ni Cienti. Wow!
"Give me the same phone I have." Utos niya sa sales lady.. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siya na nakatingin sa hilera ng phone. Tumingin din ako at nakita ko ang presyo, napalunok ako dahil may thirty thousand pa akong nakita. Ang mamahal pala ng mga ganitong cellphone. Ilang taon ko kaya tatrabahuhin ito bago ko mabili?
"Here, Sir."
May inilapag sa harapan namin na malaking gold phone ang sales lady. Kinuha iyon ni Greyson at binuksan. Nakatingin lang ako dahil ngayon lang talaga ako nakakita ng ganitong kagandang cellphone. Mabilis ang kamay niya sa pagpindot kaya hindi ko masundan kung ano ang pinipindot niya. Nabigla ako ng lumitaw ang mukha ko at mukha niya sa screen.
"Let's try this." aniya at medyo tinaas ang phone habang nasa screen pa rin kami, "Smile." utos niya kaya ngumiti ako. Napangiti siya at may pinindot. Nakita kong naka-steady lang ang mukha namin habang tinitignan niya.
Sinubukan kong kumaway pero hindi naman kita ang pagkaway ko, dahil steady pa rin ang mukha namin.
"What are you doing?"
Naibaba ko ang kamay ko ng tumingin siya sa akin tila ba naguguluhan sa ginagawa ko. Umiling ako at napayuko. Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya at napamaang ako ng makita na magkamukha ang phone na kinuha niya sa phone na tinda ng store. May kinalikot siya sa phone na bigay ng sales lady at maya-maya pa ay tumunog bigla ang phone. Kinalikot niya ang isang phone, nakita kong may pinindot siyang mga letter... 'Boyfriend' ang nilagay niya.
Napatingin ako sa kanya ng ilagay niya sa kamay ko ang phone na bago.
"This is yours. I saved my number on your contact list. Kaya ayokong may iba ka pang ilalagay d'yan, lalo na kapag lalake.."
Aapila sana ako pero tumingin na siya sa cashier at binayaran itong hawak kong phone.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako? Oo, pangarap kong magkaroon ng ganito, pero bakit pakiramdam ko ay ayoko ng magkaroon nito kung galing lang din kay Greyson. Parang may kapalit ito kung tatanggapin ko.