KABANATA 4

3076 Words
Hindi ko alam na ang paglabas namin na iyon ni Greyson, mag-iiba ang ihip ng hangin para sa akin. Library period ko, naisipan kong hanapin at basahin muna ang aklat na naayon sa hinahanap ng home work ko. Wala akong aklat na base sa home work ko kaya kailangan kong gawin ang naiwang assignment ng professor ko bago pumasok sa trabaho. Maingay na pagpasok at halakhakan ang nakapukaw sa akin. Agad kong niligpit ang gamit ko at agad na nagmadali ako sa pagtago sa isang shelf ng aklatan. Gumapang ako upang makapunta pa sa pinakadulo, pero pagdating ko doon ay may biglang huminto na pares na paa na suot ay isang leather men's boots na black, habang may mahahaba itong legs na suot ang maong boyfriend pants na nakatupi ang dulo nito. May panloob na green shirt na hakab na hakab sa katawan nito habang may itim na leather jacket na suot. Nang mapaangat ako ng tingin sa mukha nito ay nakita ko ang pag-alis ng itim na shades sa mata nito. "Where are you going, baby?" tanong ni Greyson na naupo upang mapantayan ako. Tumingin siya sa akin habang may mapaglarong ngiti sa labi. "A-ah.." Agad na pinulot ko ang mga gamit ko at tumayo ako, "K-kailangan ko ng umalis, may kailangan pa akong g-gawin.." Tumalikod ako sa kanya upang umalis at hindi na hinintay ang sasabihin niya, pero napaatras ako ng sumulpot ang grupo ni Greyson na mga nakangisi sa akin. Napaatras ako pero agad din akong napaharap kay Greyson ng bumangga ako sa kanya. Sinandal niya ang isang kamay sa shelf habang nakangisi na nakatingin sa akin. "Boss, tila iniiwasan ka ata. Naiilang pa ata si Miss Girlfriend." Kung hindi lang ako takot kay Greyson, baka kanina pa samain sa akin si Jason. Ang laging sumusulsol kay Greyson kaya hindi matahimik ang buhay ko. "H-hindi kita iniiwasan, k-kailangan ko lang talaga na umalis na.." Pagkatapos kong sabihin iyon ay naglakad na ako upang lagpasan si Greyson, pero may kamay na mahigpit na humawak sa braso ko, at dahil sa bilis ng pangyayari ay nabitawan ko ang gamit ko. Napapikit ako at napangiwi ng malakas na masandal ako sa shelf. Dumilat ako at napasinghap ako ng bumungad sa akin ang malapit na mukha ni Greyson. Nakatingin sa akin ang mga mata niya na parang maraming sinasabi at ang nakangisi niyang labi na parang nasisiyahan siya. "Nakita mong parating kami kaya dali-dali kang nagtago. Pero dahil naabutan kita, ngayon ay sasabihin mo na may gagawin ka pa, baby.." Napaiwas ako ng mukha ng haplusin niya ang baba ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa panginginig ko. Nakapatong pa ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ng ulo ko kaya hindi ako makakaalis. "We need to go somewhere.. So, let's go." mahinahon at bakas ang tuwa sa boses niya na nakakapanibago. Umayos siya ng tayo at kinuha ang kamay ko bago ako hinila na. Napapatingin sa amin ang mga estudyante kaya napayuko ako at pinilit kong kuhanin ang kamay ko mula sa mahigpit niyang pagkakahawak, pero hindi ko magawa dahil parang naka-lock na ang kamay ko sa kanya. Pagdating sa parking lot ay binuksan niya ang side ng front seat. "Get in." utos niya. "H-hindi ako sasama sa 'yo, ayokong kasama ka." Napatiim-bagang siya at kita ko ang inis sa mata niya. Napaidtad ako ng hampasin niya ang bubong ng kotse niya at kinorner ako habang nakatingin sa akin ng matalim. "Sasakay ka o pipilitin pa kita? Choose wisely or else... you're dead, baby." banta niya. Hindi ko na talaga kaya ang panggugulo niya sa buhay ko. Pati ang trabaho ko ay maapektuhan dahil sa kanya. At pati ang tahimik kong buhay sa paaralang ito ay nawala at napalitan ng bangungot. "A-ayokong sumama sa 'yo.. Tigilan mo na ako.." Napapisil ako ng kamay ko ng magawa kong makapagsalita sa kanya. Pero kinabahan naman ako ng rumehistro sa mukha niya ang isang madilim na mukha. Mariin niya akong hinawakan sa balikat at sapilitan niya ako isasakay pero hindi ako nagpatangay. "Greyson, bitawan mo siya!" Pareho kaming napatingin kay Lincoln na syayng sumulpot. Agad akong kumawala sa hawak ni Greyson at tumakbo ako patungo kay Lincoln. Agad akong nilagay ni Lincol sa likod niya kaya takot na tumingin ako kay Greyson. Lumakad siya palapit sa amin kaya nagkatapat sila ni Lincoln. Matalim siyang tumingin at tila galit na galit sa presensya ni Lincoln. "'Wag mong pilitin kung ang ayaw nyang sumama sa 'yo." matapang na pagkakasabi ni Lincoln. "Wala kang karapatan na pagsabihin ako sa dapat kong gawin sa kanya, Asshole! Akin si Juliet, kaya 'wag ka nang makisawsaw sa sawsaw na pagmamay-ari na ng iba." madiing sabi naman ni Greyson at napatili ako ng suntukin nito si Lincoln, dahilan kaya natumba sa lupa si Lincoln. Agad ko siyang dinaluyan, pero agad din akong napatayo ng hilahin ako patayo ni Greyson. "Bitawan mo ako! Hindi ako sasama sa 'yo! Tigilan mo na ako!" galit kong sabi sa kanya. Hiningal pa ako at parang nakahinga ako ng maluwag ng sabihin ko iyon. Pero ng mapatingin ako sa kanya ay matalim siyang tumingin sa akin. Nabigla ako ng bitawan niya nga ako pero tinulak naman niya ako kaya napaupo ako sa lupa. Lumapit siya sa pinto ng front seat at gumagalabog na sinara niya ang pinto bago siya umikot sa driver seat. Ang pagharurot paalis na lang ng kotse niya ang nakita ko. Napatingin ako sa grupo niya, mga nakatingin sa akin ang mga ito bago napailing tila ba isang pagkakamali ang ginawa ko sa amo nila. Nagsakayan na rin sila sa kanila-kanilang sasakyan at umalis. "Are you okay?" Imbes na ako ang magsabi no'n ay ako pa ang inalala ni Lincoln. Nakaupo kami rito ngayon sa bench matapos ang pangyayaring iyon. "Ikaw ang dapat kong tanungin, tignan mo may dugo sa gilid ng labi mo." Hinawakan niya iyon at natawa siya. Nagtaka naman ako na imbes na dumaing siya ay natawa pa siya. "Malakas pa rin talaga sumuntok si Greyson, pero mas malala nga lang ngayon." Naguguluhan ako kung paano nga ba nagsimula ang alitan ng dalawa. Base sa pagkakasabi ni Lincoln ay parang kabisado niya ang ugali ni Greyson. "A-Ah, p'wede ko bang itanong kung kelan nagsimula ang alitan niyo ni Demonyo--este ni Greyson?" alanganin kong tanong. Tumingin siya sa akin bago siya napahinga ng malalim. Tumingin siya sa kalangitan tila ba doon niya nakikita ang nakaraan. "Noong grade six ako, nagkagusto ako sa isang babae na nagngangalang 'Yen'. Magkaibigan at parang magkapatid na ang turingan namin ni Greyson no'n bago pa dumating sa buhay ko si Yen. Niligawan ko si Yen at saglit lang din ay naging kami. Pinakilala ko siya kay Greyson at ayos naman.. Pero nung mag-highschool kami ay nakita ko na tinulak ni Greyson si Yen. Sobra akong nagalit sa ginawa nito kaya kahit hindi ko alam ang nangyari ay nagalit pa rin ako kay Greyson. Wala ni isang paliwanag o paumanhin si Greyson no'n sa ginawa niya kay Yen, kaya dahil doon ay pinutol ko ang pagkakaibigan namin. Hindi ko naman akalain na magagalit si Yen dahil sa ginawa kong pagputol sa pagkakaibigan namin ni Greyson, kaya hiniwalayan niya ako." "Ano? Nagalit siya dahil lang pinutol mo ang pakikipagkaibigan mo kay Greyson? Tapos hiniwalayan ka pa? Bakit naman gano'n ang inasta no'n?" Grabe naman ang babaeng iyon.. Kung kagaya ni Lincoln ang magiging boyfriend ay baka naka-jackpot na. "Kasi may gusto siya kay Greyson. Una palang ay si Greyson na ang gusto niya at hindi ako. Ginamit niya lang ang pagkakataon na mapalapit sa akin upang mapalapit siya kay Greyson." Kita ko ang sakit sa mata ni Lincoln habang sinasabi iyon. May gusto pa rin talaga siya kay Yen. He's still in love to her. "May gusto ka pa rin ba sa kanya?" alanganin kong tanong, huli na bago ko bawiin ang tinatanong ko. Tumingin siya sa akin kaya nailang ako at nahiya. Nais kong pukpukin ang bibig ko sa kadaldalan ko. "May gusto akong iba pero tingin ko ay hindi din siya mapupunta sa akin.." Tumingin ako sa mata niya at kita ko ang pagtingin niya sa akin tila ba may pinapahiwatig siya. Natawa siya habang napailing at muling tumingin sa kalangitan. "Hay, ang swerte talaga ni Greyson." Nais ko sanang sabihin na 'wag siyang mainggit kay Demonyo, dahil marami ang humahanga sa kanya at isa na ako doon. Pero ayoko ng magsalita dahil baka ipahamak lamang ako ng bibig ko. "Hatid na kita.." alok niya at bumaling muli sa akin ngunit inilingan ko siya. "H-hindi na, may pupuntahan pa kasi ako.." Agad na akong tumayo at binitbit na ang mga gamit ko. Napatigil lang ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Kiminokotoga sukidesu." Napakuno't noo ako at hindi ko naunawaan ang sinabi niya. Parang japanese. Natawa siya sa reaksyon ko at binitawan ang kamay ko. "Mag-iingat ka ang ibig sabihin no'n." Napatango naman ako at nahihiyang ngumiti. Iyon pala ang ibig sabihin no'n, grabe naman sa pagkabog ang dibdib ko na akala mo ay nag-e-expect ng iba. "Ikaw din.... s-sige, mauna na 'ko." Tumango siya at ngumiti, kaya agad na akong tumalikod at umalis. Iniisip ko pa rin ang kinuwento nj Lincoln. Matalik pala silang magkaibigan noon pa, pero dahil sa isang babae ay naputol iyon. Kaya pala kakaiba ang tensyon sa pagitan nila kapag nagkakaharap na sila.. "Oh! Juliet, mabuti at nandito ka na." bungad sa akin nila Mylene ng makarating na ako sa company na pinagtatrabahuan namin. "Bakit may problema ba?" tanong ko habang sinusuot ang uniporme habang narito kami sa locker room namin. "Oo, meron.." tugon ni Teri. Nang mabutones ko ang uniporme ko ay sinara ko na ang pinto ng locker ko bago harapin ang tatlong lukaret. "Ano naman 'yon?" Tinignan ko sila at para silang mga luging lugi at byernes santo ang mukha. "Balita na mula sa HR na hahawakan na ng anak ng may-ari ng company. At ito rin ang magdedesisyon kung anong gusto nitong pamamalakad sa company." "Oh, ano naman problema doon?" Tinignan nila ako tila ba nakakaloko ang tanong ko. "Syempre, malaki, Julieta. Kapag bago na ang uupo, ibig sabihin p'wede itong magpalit ng empleyado o kaya ibahin din ang mga rules rito." Doon ko napagtanto ang nais nilang ipahiwatig sa akin. Nakaramdam ako ng kaba sa posibilidad ng sinabi nila. Paano nga kung magtanggal ito ng empleyado? Tapos isa ako do'n. Paano na ako kung mangyari iyon? Ito lang ang inaasahan kong pinagkukuhanan ng salapi. Binabagabag na ako ng isiping iyon hanggang sa pagtatrabaho ko. Nakakapanlata habang iniisip iyon. Kung p'wede lang magreklamo na 'wag ng umalis ang may-ari nitong GSE Empire company ay baka ginawa ko na, kaso sino ba naman ako para gawin iyon. Nasa pinakamababang level ako ng empleyado na hindi kailangan ng opinyon ko. Tanging nakakataas at may katungkulan ang may karapatan na magreklamo. "Ingat ka, Juliet!" Nanlalata na kumaway ako kela Mylene, teri, at Paula. Naglakad na ako habang iniisip ang mangyayari oras na pumalit na ang anak ng may-ari. Sa totoo lang ay hindi ko pa nakikita ang may-ari ng GSE Empire company. Hindi naman kasi ako nakakarating sa pinakatuktok na floor kung saan doon nakaopisina ang may-ari. Balita ko lang ay makisig, seryoso, at kinatatakutan daw ito dahil oras na magkamali ka ay tanggal ka na agad sa trabaho. Kaya malaking puzzle talaga sa akin ang itsura no'n. Kaya tuloy, hindi ko rin alam kung saan magrereklamo oras na mapatupad ang paglipat nito sa anak nito sa kanyang posisyon. "Ate!" Natigilan ako sa paglalakad ng may huminto sa gilid ko na pamilyar na magarang kotse. Pagtingin ko sa nagsalita ay nanlaki ang mata ko bago napaturo rito. "Cienti!" napangiti ako dahil ngayon ko lang ulit siya nakita. Bumaba siya at agad na humawak sa dalawang kamay ko, "Kumusta ka na, Cienti?" Nakasuot siya ng red dress at white stelleto. Habang pulang pula ang nguso niya dahil sa red lipstick. Kulot ang dulo ng buhok niya habang nakalugay ito na siyang kinadyosa ng ayos niya. Napakaganda niya talaga. "Ayos lang ako, Ate, pero kailangan mo akong samahan.." Bakas sa boses niya ang pagkakataranta kaya hindi na ako naka-react ng akayin na niya ako pasakay sa kotse niya. "Saan ba kasi tayo pupunta, Cienti?" tanong ko. "Nagwawala kasi si Kuya sa bar. Kaya kailangan mo akong tulungan dahil alam ko na malaki ang matutulong mo. Naku, oras na malaman ito ni Lolo or ni Dad, he's dead." "Huh? Bakit, anong kinalaman ko doon? Tsaka hindi ko naman kilala ang Kuya mo, kaya paano ako makakatulong?" Tumingin siya sa akin mula sa pagtingin niya sa daan na tinatahak namin. Ngumiti siya at napailing. "Ibig sabihin ay hindi mo man lang alam kung sino ang Kuya ko?" napapangiti siya habang tinatanong iyon kaya tumango ako rito, "Unbelievable! Nakakatuwa na hindi mo pala alam kung sino ang Kuya ko." aniya at napahagikgik. "Bakit naman nakakatuwa? Saka, sino ba ang kuya mo?" Hindi niya ako sinagot, bagkus ay nginitian niya lang ako. May naaalala ako sa ngiti niya, pero malabo naman na kapatid niya iyon. Malabo talaga. Huminto ang sinasakyan namin, kaya napatingin ako sa labas. Nakita ko ang isang tayong bar na kasakop ng isang hotel. Agad na bumaba si Cienti kaya napababa na rin ako. Nakasunod lang ako sa kanya habang tinatahak na namin ang loob. "Oppps, bata ka pa, hindi ka pwedyeng pumasok.." Pinigil ng bouncer si Cienti, kaya napatingin sa akin ito. "Ate, ikaw na lang ang humanap kay Kuya. Kailangan mo siyang madala palabas. Please, please.." Napahinga ng malalim at tumango. Pinabalik ko na muna siya sa sasakyan at ako na ang pumasok mag-isa. Madilim pero may malikot na ilaw na sumalubong sa akin pagpasok ko. May mga usok pa at ang daming tao. Paano ko mahahanap ang kapatid ni Cienti? Nakalimutan kong itanong ang itsura nito. Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang humagis na isang lalake na dumadaing sa paanan ko kaya napaatras ako. Napatingin pa ako sa isa na humagis din, kaya tumingin ako sa may gawa no'n sa mga lalake. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang nagdidilim na mukha, walang anumang reaksyon ang mukha, at duguang kamao ni Greyson. Napatingin ito sa akin kaya napalunok ako. Hawak niya sa kwelyo ang isa pang lalake pero binitawan niya iyon. Napaatras ako ng makita kong tila papunta siya sa akin kaya tumalikod agad ako. Diyos ko, si Greyson nga ang kapatid ni Cienti! Bakit ngayon ko lang napagtanto?! Napatigil ako sa pag-alis ng may biglang humablot sa braso ko. Napaharap ako at sumalubong sa akin ang mata ni Greyson na nanlilisik. "What are you doing here, ha?!" bulyaw niya kaya napaidtad ako. Nabigla ako ng kabigin niya ako palapit sa kanya at nakita ko ang pagsipa niya sa isang lalakeng may dalang bote. Binitawan niya ako at pinagsusuntok ang lalake na kinatakip ko ng bibig habang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Halos duguan na ang mukha ng lalake kung hindi lang lumapit sila Jason. "Tama na, boss." Tumigil nga si Greyson at hinagod nito ang buhok nito gamit ang mga daliri nito bago ito muling humarap sa akin. Lumapit siya at kinuha ang kamay ko bago ako hinila. Paglabas namin, hindi ito mapakali sa harapan ko bago ako hinarap. "Anong ginagawa mo dito, ha? Pagkatapos mong magtaksil sa akin ay may mukha ka pang ihaharap!" bulyaw niya. Aba! Ano bang pinagsasabi ng lalakeng ito? Lasing ata ito. "Hinahanap ka ng kapatid mo.." mahina kong sabi. Napayuko ako at napakagat ng labi dahil ang tapang-tapang ng isip kong bulyawan ito, pero kapag sasabihin na ng bibig ko ay para akong asong bahag ang buntot. "Kuya! Finally!" Napatingin ako kay Cienti, tapos tumingin ako kay Greyson. Nailang ako dahil nakatitig pala ito sa akin. Kumapit sa braso ni Greyson si Cienti kaya nawala na rin sa wakas sa akin ang tingin niya. "Kuya, hinahanap ka na nila Dad. Hala! May dugo ka." Napatingin ako sa magkapatid. Hindi talaga ako makapaniwala na si Greyson at Cienti ay magkapatid. Isang demonyo, tapos isang dyosang anghel. Pero sabagay, may pagkakahawig nga sila. Girl version lang si Cienti. "You should not go to this place, Magnificient! Tsk, hard headed girl." pagalit na sabi ni Greyson kay Cienti, pero imbes na matakot ay ngumiti lang si Cienti at tumingin sa akin kaya napalunok ako. "Kuya, Ate Juliet is so pretty. I like her for you." Umiling iling ako kay Cienti dahil mali ang naiisip niya. Napatingin ako kay Greyson na napakamot ng kilay pero parang nagpipigil ng ngiti. Napatingin ako sa kamay nito na may dugo. "Tsk, let's go.." asik ni Greyson at nabigla ako ng kunin muli nito ang kamay ko at hinila ako. Napatingin ako kay Cienti na kumapit sa braso ko. "Ayyyiiee. Ikaw lang ang nagpapakilig sa Kuya ko." tukso niya at sinundot ang tagiliran ko. "Mali ang iniisip mo.." Umiling-iling ako rito pero tila hindi ito naniniwala dahil ngiting-ngiti ito. "Anong pinagsasabi mo, baby? Tama ang iniisip niya." Tumingin ako kay Greyson ng buksan niya ang pinto ng front seat ng kotse nyya. "Sige, sunod na lang kayo lovers. Babush!" "Cienti.." halos magmakaawa ako na 'wag iwan kay Greyson pero nagpunta na si Cienti sa kotse niya at sumakay. Umalis na ito kaya kinabahan na naman ako. "Get in, baby." napaidtad ako ng bulungan niya ang tenga ko. Humawak siya sa baywang ko at hinila ako kaya wala akong magawa kundi ang sumakay. Napapisil ako sa kamay ko habang tinitignan si Greyson sa labas. Lumapit pa ang grupo nito, pero tila pinapauwi na ni Greyson bago siya mabilis na umikot sa driver seat. Napayuko ako habang kinukutkot ngayon ang pants ko. Sumakay na siya at binuhay ang sasakyan. Nanlaki ang mata ko at gulat na napatingin sa kanya ng ilapit niya ang sarili sa akin. Ngumisi siya habang ilang pulgada na lang ang mukha namin. "Sa susunod na sumama ka kay Porter, tignan natin kung ano ang magagawa ko sa 'yo. Ayoko ng cheater, kaya maging loyal ka sa akin, naiintindihan mo?" aniya habang nakatingin sa akin ang mga mata niyang nagbabanta. Ambang ilalapit pa niya ang mukha ay napaiwas ako at napatakip ng mukha. Humalakhak siya sa tenga ko bago ko narinig ang pagtunog ng isang bagay. Umusad na ang sasakyan kaya dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa paningin ko. Nakita kong nakakabit na pala ang seatbelt sa katawan ko. Napatingin ako kay Greyson na pinaglalaruan na naman ang labi habang nagpipigil ng ngiti. Hindi ko siya maintindihan. Hindi talaga..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD