KABANATA 5

3414 Words
Kahit malamig ang dinudulot ng aircon ng kotse ay hindi ko pa rin maramdaman ito dahil parang pinagpapawisan ako habang narito sa kotse kasama lamang si Demonyo. Hindi ako makagalaw, tikom ang bibig ko, at kinakabahan rin ako dahil naiisip ko na p'wede niya akong dalhin sa ibang lugar tapos ipapatay niya ako at ipapatapon. Napapikit ako at mas lalong natakot sa naisip ko. Ano ba, Juliet! 'Wag mong isipin 'yan, baka magkatotoo! "I forgive you.." Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya habang focus ang mga mababagsik niyang mata sa daan. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko at napakagat ako ng labi dahil nautal na naman ako. "Tsk, palagi ka na lang nauutal kapag kasama ako. Gusto mong alisin ko 'yan?" aniya at bumaling sa akin saglit na may ngisi sa labi. Umiling ako at napayuko. "Oras na magtaksil ka ulit sa akin, sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas." pagpapatuloy niya. Napalunok ako sa kaseryosohan ng tono niya. Napakuyom ang kamay ko sa kandungan ko habang ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Bawat salita may kahulugan. Bawat diin ay may pinauungkulan. Bawat banta ay may kaakibat na kaba na siyang nararamdaman ko ngayon. "I don't share what is mine." Dagdag niya pa, "If I mad, I can beat or kill anyone to release my anger to you. Kaya, 'wag na 'wag mo akong pagagalitin dahil matindi akong magalit, naiintindihan mo?" Napatingin ako sa kanya at hindi na ako napakali ng kunin niya ang kaliwang kamay ko at mahigpit niyang hinawakan iyon. "Aist! I can see our future if we get married." Hindi ko na siya masundan. Kanina ay umaangkin siya, nagbabanta, tapos ngayon ay nagpaplano na siya ng kasal. Naka-drugs ata 'to, e? Sinubukan kong kunin sa kanya ang kamay ko, ngunit napakahigpit ng hawak niya. "H-Hindi ko alam ang pinagsasabi mo.." nagawa kong magsalita kahit sobrang hina no'n. Napasinghap ako ng bigla niyang iliko ng mabilis ang kotse niya kaya napalapit ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng lumapit ang mukha ko sa mukha niya. "Aggressive girlfriend, eh?" aniya at ngumisi kaya agad akong napalayo sa kanya at kinuha ko ng malakas ang kamay ko kaya napabitaw siya. Napatingin ako sa bubong ng kotse niya ng bigla iyong tumaas at nawala. Napatingin ako kay Greyson ng may pinindot. Inalis niya ang seatbelt niya at nagulat ako ng alisin niya rin ang seatbelt ko. Nanlaki ang mata ko ng ilapit niya sarili sa akin at hindi ako makapaniwala na kusang nagda-drive ang kotse niya kahit hindi niya hawak ang manibela. Napatili ako ng hilahin niya ako sa baywang at nalaman ko na lang nakaupo na ako sa kandungan niya paharap sa kanya. Parang huminto ang hininga ko at pulang pula ang mukha ko sa sobrang kahihiyan ng posisyon ko. "Damn." Mura niya at hinapit pa ako palapit sa kanya. Napahawak ako sa dibdib niya at pinilit kong makaalis sa kanya pero hinawakan niya ang batok ko. Nanlaki ang mata ko ng sakupin niya ang labi ko. Pilit kong umaalis pero masyadong mahigpit ang hawak niya sa batok at likod ko kaya hindi ako makabitaw sa mapang-angkin niyang halik. Sinuntok ko ang dibdib niya dahil halos hindi ako makahinga sa klase ng pagsakop niya sa labi ko. Nahigit ko lang ang hininga ko ng bitawan niya rin ang labi ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagngiti niya. "It so hot." aniya at kinabig ako palapit. Naramdaman ko na minaneho niya ang kotse at hanggang sa marinig ko ang malakas na pagpreno at paghinto ng kotse. Hindi ako nakagalaw at parang nakalutang pa rin ang pakiramdam ko dahil ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko at ang paghalik niya sa labi ko. "We're here." aniya kaya napatingin ako sa kanya habang parang lutang ako, "Ano, wala ka pa bang balak na umalis? Gusto mo na ipagtuloy pa natin?" nakangisi niyang tanong kaya parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at dali-dali akong umalis sa kandungan niya bago bumalik sa front seat.. Napapikit ako ng marinig ko ang nakakaloko niyang halakhak. God! Bakit niya ako hinalikan? Nakakainis! Hindi siya ang gusto kong makahalik sa unang halik ko! Bakit niya kinuha? Gusto kong maiyak dahil para na rin niyang kinuha ang pinakaiingatan ko. Parang nadungisan ang puri ko, at ang masama ay si Demonyo pa ang dumingis sa puro kong labi. Hindi sa pag-iinarte, pero kung siya ang una ay sana ay nagpahalik na lang ako sa iba. Sana ay naglakas ng loob ako na halikan si Lincoln para naman hindi nasayang ang first kiss ko!!!! Napadilat ako at napasinghap ng may humila sa akin palabas ng kotse. Nakapulupot ang braso niya sa baywang ko at sinara niya ang pinto bago ako isandal doon. Nanlalaki ang mata ko at halos hindi ako makahinga na nakatingin sa kanya. "First kiss, eh.." hindi tanong iyon kundi pagsisiwalat niya sa katotohanan. Ngumisi siya tila tuwang tuwa habang nakatitig sa akin. "B-bakit mo ako h-hinalikan?" nauutal kong tanong habang parang maluha luha ang mata ko. "Because I want it. It's my first kiss also. Swerte mo, 'di ba?" aniya at dinilaan ang labi habang nakatingin sa labi ko. Nanggigigil na ako sa kanya. Kung p'wede lang pumatay ng tao ay nagawa ko na. Humawak ako sa dibdib niya at tinulak siya pero napahalakhak siya at mas kinabig ako palapit sa kanya ng hindi ko magawang maalis ang pagkakapulupot niya sa akin. "Sige, subukan mong kumawala, baka maaga tayong ikasal." anas niya at nanlaki ang mata ko ng nakawan niya muli ako ng halik bago niya ako bitawan. Agad siyang tumalikod at napakamot siya sa batok niya bago naglakad. Napakuyom ako ng kamay at masama akong tumingin sa likod niya. Pero napalaki ang mata ko at inalis ko ang masamang tingin ng humarap siya. Napailing ito at lumakad muli palapit sa akin kaya napatakip ako ng mukha. Baka mamaya ay halikan na naman ako ng demonyong ito. Pero mali ang iniisip ko, dahil kinuha niya ang kamay ko at hinila ako. Napatingin ako sa paligid at napanganga ako dahil ngayon ko lang napansin ang lugar. Punong-puno ng christmas light ang paligid, habang kitang-kita ang white house na mansyon. Napanganga ako dahil napakalawak ng lugar at para akong nasa isang hotel sa itsura nito. "T-teka---nasaan tayo? B-bakit mo ako dinala rito?" tanong ko. "This is our house. I want you to meet my family." Napahinto ako sa paglalakad, pero napangiwi ako ng hatakin niya ako kaya napalakad din ako. Anong sabi niya? Ipakilala ako sa pamilya niya? Pero bakit? At kinakabahan ako, dahil ayoko. Naiisip ko palang na haharap ako sa tanyag na sina Mr. Gab S'ven Esteban at Mrs. Maqi Esteban ay nanginginig na ako sa kaba. "A-ayoko! B-bakit pa?" Napahinto siya ng makarating kami sa napakalaking pinto na gawa sa tila narra at may maganda at makinis na pahid ng pinturang itsura ginto. Humarap siya sa akin na may matalim na tingin kaya napalunok ako. "Bakit pa, ha? Tinatanong mo ako kung bakit?" tanong niya at tinitigan ako ng seryoso, "Gusto ka nila makilala.. Ano, may tanong ka pa?" "B-bakit naman?" "Tsk, 'wag ng maraming tanong. Ang daldal mo." aniya at hinila na muli ako habang may naiinis na mukha. Naapakan ko ang malinis, makintab, at puting-puti na malalaking tiles. Napatingin ako sa loob at halos mapanganga na naman ako sa nakikita ko. Grabe, ang ganda ng mansyon. Napakalaki at ang mamahal ng mga nakikita kong gamit. Pakiramdam ko sa laki ay parang mawawala ako. Wala pa atang one fourt nito ang apartment ko, baka nga bahay lang ng aso nila ay mas malaki pa sa bahay ko. Kita ko kung gaano karangya ang pamilya nila Greyson. Kita ko rin kung gaano kasaya ang kanilang pamilya sa dami ng family picture na nakasabit sa bawat dingding na malalaking portrait. Napakaganda at napakagwapo ng kanyang magulang. At may dalawa pa palang kapatid si Greyson na maliit pa bukod kay Cienti. Napakaganda naman ng pamilya nila. Napakaswerte nila at tila lahat ng bagay sa mundo ay nakuha nila. Nakarinig ako ng mga boses at pagtunog ng mga kobyertos kaya napalunok ako at kinabahan ng bonggang bongga. Pagpasok namin sa isang pinto, bumungad sa amin ang mahabang lamesa at doon ay nakaupo ang tila pamilya ni Greyson. Napayuko ako ng mapatingin sa amin ang pamilya niya. Naman! Nakakahiya na. Bakit kasi sinama pa ako rito? At bakit kasi gusto pa nila akong makilala? Hindi naman ako mataas na tao at hindi din ako mayaman, kaya bakit ako pa? "Greyson, it's that her?" Napaangat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang may bahay at ina ni Greyson na si Mrs. Maqi Esteban. Nakasuot siya ng fit cream dress na kita ang hubog ng kanyang katawan. Napakaganda niya at para siyang hindi ina nila Greyson dahil mukha pa itong bata tignan. Napakakinis ng kutis niya at ang buhok niyang may pagka-blonde ay kulot ang bawat gilid at dulo. Dinala ako ni Greyson sa harap niya kaya lalo akong nahiya at napayuko. Napaidtad ako ng hawakan ako ni Greyson sa baywang kaya lalo akong nahiya. "Yes, Mom. She's Juliet Efrenella Policarpio, she's my girlfriend." pakilala ni Greyson kaya napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mata. "Oh my! Finally, Hija." Napatingin ako sa Mom ni Greyson na hinawakan ako sa kamay. Nangiti ako ng alanganin dahil nais kong sabihin na mali ang sinabi ni Greyson. Lintek naman, oh! Kelan pa niya ako naging girlfriend? Ano siya hilo? Easy to get ba ako? Hindi ko ninanais na maging nobyo siya! "Palagi kang kinukwento ng mga anak ko. Lalo na itong panganay ko." Nahihiya naman ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. "Apo, pakilala mo naman sa akin ang nobya mo.." Napatingin ako sa ginang. Kahit may bakas na ng katandaan ang mukha niya ay nakikita ko pa rin ang maganda niyang mukha at ang mata niyang kakaiba ang kulay. Napalunok naman ako ng mapatingin ako sa katabi nitong matandang lalake na seryoso ang mukha at mukhang masungit. Pero in ferness ang tangos ng ilong nito at tila siya makisig nung kabataan niya. Para ring napakalakas pa niya dahil naka-formal suit pa ito at deretso pa ang pag-upo. Napayuko ako ng mapatingin sa akin ito habang may tinging tila nababasa ang iniisip ko. Inakay ako ni Greyson palapit sa Lola nito na nakaupo. Huminto kami sa gilid nito at sa gilid ng matandang lalakeng asawa nito kaya napapisil ako ng daliri dahil sa kaba. "Ilang taon ka na, Hija?" mabait ang pagkakatanong ng Lola ni Greyson habang nakangiti ito. "Twenty-two po." magalang kong tugon. "Mas batang edad naman ako ng magsama kami ni James, Lolo ni Greyson. Eighteen lang ako noon. Mabuti naman ba ang apo ko bilang nobyo?" "H-ho?" Hindi ako makasagot dahil hindi ko nga nobyo ang apo niya! Napapisil ako ng mariin sa kamay ko ng pisilin ni Greyson ang baywang ko. Tila tensyunado na baka magsabi ako ng totoo. "A-ah.. O-opo." Lihim na napahinga ako ng malalim at hindi ko alam ang gagawin ko sa sitwasyon ko. Gusto ko ng umalis dahil halos lahat ng tao sa bahay na ito ay nakaka-intimidate. "Bakit ka nakipag-away, Greyson Martin?" tanong ng malalim at maawtoridad na tanong ng matandang lalake. James daw pangalan? Edi Sir James. "Wala, Lo, naglabas lang ng sama ng loob." tugon ni Greyson at nagmano sa Lolo at Lola niya. "Naku, bakit ka nakipag-away anak? Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Maqi na lumapit sa amin at tinignan ang mukha ni Greyson. "Aist, I'm okay, Mom. Don't treat me like I'm the baby." banas na sabi ni Greyson kaya nakatikim siya ng kurot sa tiyan sa Mom niya kaya lihim na natawa ako dahil parang sa pamilya niya ay nawawala ang pagkabarumbado ni Demonyo. "Of course, you're still my baby.. Oo nga pala, may gatas pa kayo sa labi kaya 'wag niyong gagawin ang bagay hangga't hindi pa kayo kasal." Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi nito. God. Dapat sinabi ko na kung ano ba talaga ang totoo, kaso baka kapag hindi namin kaharap ang pamilya ni Demonyo ay baka patayin ako nito sa labas. "Wife, 'wag mo ng pangaralan ang anak mo at alam na niya ang ginagawa niya." sabi ni Mr. Gab na kalong ang maliit na batang babae habang pinapakain niya ito. "Naku, talaga kayo. 'Wag niyo ng ituro sa mga apo ko ang gawain niyo noon, nakakahiya kay Juliet." suway ng Lola ni Greyson. Napatingin ako kay Greyson ng mahinang hilahin niya ako. Sinenyasan niya ako na maupo, dahil wala rin akong choice kaya naupo ako sa hinila niyang upuan. Napatingin ako sa nakahaing pagkain sa mahabang lamesa, at napalunok ako dahil napakarami at amoy na amoy ko ang sarap nito. "You are in forth year education courses, right?" Napatingin ako sa Lolo ni Greyson, napalunok ako ng makita na may hawak ito na baril habang pinupunasan ng isang magarang panyo. "O-opo.." napatingin ito sa akin dahil sa pagsagot ko kaya napayuko ako. "At wala na ang parents mo." hindi tanong iyon, kundi pagkukumpirma sa nalalaman niya. Nagtataka ako kung bakit nito alam ang background ng buhay ko? "Opo.." tugon ko. "Patay na rin ang mga magulang mo, Hija?" tanong ng Lola ni Greyson kaya tumango ako rito. "Opo." tugon ko muli. Napatingin ako kay Greyson ng lagyan niya ako ng pagkain sa may plato nasa harap ko. "Magkapareho pala tayo ng ganyang edad din ako ng mawala ang pamilya ko.. Kaya pala iba ang nararamdaman ko sa 'yo." Napangiti ito at nahiya ako ng haplusin nito ang buhok ko. Katabi ko ito at nahihiya na akong gumalaw lalo, tapos hinaplos pa nito ang buhok ko na para niya akong kilala na ng matagal. "Anyway, ibibigay mo na ba sa apo ko ang company mo, Gab, anak?" bumaling naman ito ngayon sa ama ni Greyson. "Eat this." bulong sa akin ni Greyson kaya kunwari ay napipilitan pa ako, pero kanina pa ako natatakam sa nilagay niya. Kaya habang busy sila sa pag-uusap tungkol sa ibang bagay ay pasimple kong nilantakan ang napakasarap na inihaw na manok, ang napakasarap na matamis na isda na walang tinik, ang mahabang pasta na may ma-sauce na kulay puti, at ang sabaw na nag-uumapaw ang beef na siyang napakasarap. Grabe! Ngayon ko lang natikman ang lahat ng masasarap na pagkain na ito. "Hija, dumito ka na tumira." Ano kaya tawag rito sa malutong na karne habang may palaman na sinangag na kanin. "Yes, Lola. Ayos lang sa kanya." "Tila sarap na sarap siya sa niluto mo, Maqi." "Oo nga po, nakakatuwa naman po ang batang ito." Kinagat ko ang kahuli-hulihang laman sa buto ng manok, at uminom ako ng tubig. Napadighay ako kaya agad akong napatakip ng bibig at napatingin sa kanila. Parang biglang uminit ang mukha ko ng makita ko na lahat pala sila ay pinapanood ako na kumain. Napahagikgik si Cienti, habang ngiting-ngiti ang mommy at Lola nito. Habang ang Lolo at Daddy ni Greyson ay ngumisi kaya napayuko ako at napapikit sa kahihiyan. "Gusto mo pa ba, Hija? Marami naman akong niluto, 'wag ka nang mahiya." nakangiting alok ni Mrs. Maqi, kaya lalo akong namula. "A-ah... ayos na po ako, busog na po. Salamat po." nahihiya kong tugon habang hindi ako makatingin rito. "Mabuti naman kung gano'n. Oo nga pala, pahihiramin ka na lang muna ni Cienti ng mga isusuot mo, bukas mo na lang hakutin ang mga gamit mo rito." Napakuno't noo ako sa sinabi nito. Meron ba silang pinag-usapan na hindi ko nalalaman? Bakit parang hindi ko ata alam kung bakit kailangan kong hakutin ang mga gamit ko? "Po? A-ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko. "Ako na, Mom. Sige po, magpapahangin lang kami." Hinila na agad ako ni Greyson at naguguluhan ako kung saan kami patungon. Hinila niya ako paakyat sa taas, nilibot ko ang tingin ng makaakyat kami at nakita ko ang napakahabang hallway na may kaliwa't kanang mga pintuan na hindi ko na nabilang kung ilan. Napakadaming pintuan at sa mga pintong iyon ay ang pinakauna ang binuksan ni Greyson. Hinila niya ako at binitawan na rin sa wakas ang kamay ko. Lumakad siya palapit sa kama na malaki. Napatingin ang mga mata ko sa bawat sulok ng kwarto, at masasabi ko na maganda at napakalaki.. Puro puti at napakalinis tignan, walang-wala sa apartment ko. "This is your room." Napatingin ako kay Greyson na nahiga sa kama na sinasabi niyang kwarto ko daw. "Huh?" May inabot syayng tila remote sa table sa gilid ng kama. May biglang bumukas kaya napatingin ako sa dingding at napamangha ako ng unti-unti iyong bumukas. Bumangad sa akin ang all black color ng kwarto na mukhang panlalake. Malaki rin. May sofa, table, malaking kama, at ilang display.. "And that's my room. Pader lang ang naghahati sa room natin, pero madali lang na alisin 'yan at madali lang kitang makikita kaya alam ko ang ginagawa mo." Napatanga ako sa sinabi niya. Bakit nagkaroon ako ng room? Anong ibig niyang sabihin? "B-bakit naman nagkaroon ako ng room? Uuwi ako sa amin." Umalis siya sa pagkakahiga sa kama niya at tumayo. Lumapit siya sa binata at malakas na hinawi ang kurtina na siyang kinabunyag ng malaking salamin na bintana. "From now on, this is your house also. Hindi ka na titira sa squater at hindi ka na babalik sa bahay na iyon." "Ano?!" hindi ko napigilan na mapasigaw sa gulat, kaya napaharap siya na may seryosong tingin kaya napalunok ako, "A-ano?" para akong nabahag ang buntot sa tingin niya kaya halos pabulong na lang muli ang nabulalas ko. "Ayoko ng ulitin pa ang sinabi ko. Basta, sundin mo na lang ang nais ko. Dito ka na titira at gusto kong manatili ka rito kasama ko." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nakapamulsa na naglakad na siya at nilagpasan ako. Narinig ko na lamang pagbukas-sara ng pinto. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko? Gusto niya na dito na ako tumira? Ano siya! Porket ang ganda-ganda at ang laki-laki ng bahay nila ay pwede niyang sabihin at magdesisyon na dumito ako tumira. "Ate Juliet!" Napalingon ako sa pinto. Pumasok si Cienti na ngiting-ngiti habang may kasunod na mga kasambahay na may tulak-tulak na mga naka-hanger na damit na nakasabit doon. "Cienti.." Napatingin ako sa mga damit. Bakit pinapasok lahat ng magagandang damit? "Ate Juliet, mga bago pa 'yan at hindi ko pa naisusuot. Ito muna ang isuot mo, pasensya na kung maiikli." "Teka, bakit mo ako binibigyan n'yan? Para saan lahat ng 'yan?" Napahagikgik siya at kumapit sa braso ko, "Ano ka ba, Ate, lutang ka na naman. Sinabi na kaya nila Mommy, Lola, na dito ka na titira sa amin at ibigay ang mga damit ko sa 'yo. Tuwang-tuwa nga ako dahil dito ka na titira, may makaka-bonding na ako." Napahinga ako ng malalim at umiling rito, "Pero Cienti, hindi ko alam ito. Babalik ako sa amin, ayokong makitira dahil nakakahiya." Umalis siya sa pagkakahawak sa akin at humalukipkip ang mga braso niya sa dibdib niya habang ngiting-ngiti. "I don't know why Kuya decided that, but his decision is the most dangerous.. If he wants you to stay here, you don't have a choice, but to follow. Ito ang unang beses na magdala si Kuya ng isang babae, at take note! Ikaw lang ang kauna-unahang babae na pinakilala niya kela Lolo." "Pero Cienti, hindi ko boyfriend ang Kuya mo. Nagulat na lang ako na girlfriend na pala niya ako na hindi ko nalalaman. Hindi ko siya gusto...at lalong hindi ko siya mahal." Kita ko na nalungkot ang mukha niya sa sinabi ko. Hindi ko gustong maging pranka, pero ako ang madedehado kung magpapatuloy ito. "Wala akong magagawa sa 'yo, Ate.. Kapag gusto ka ni Kuya, gusto ka talaga niya. Pumayag nga lang siyang magpatakbo ng negosyo namin dahil sa 'yo, kung walang involve mo ay baka hindi hawakan iyon ni kuya." Naguguluhan naman ako sa sinabi niya. Balak ko sanang umapela pa ng lumapit siya sa mga damit na ipapahiram daw niya. "Ate, pumili ka na lang ng isusuot mo. Iiwan ka muna namin." Ngumiti si Cienti at hindi na ako hinintay na magsalita dahil agad din siyang umalis kasama ng mga kasambahay. Para naman akong nanghihina. Ano ba 'tong nangyayari sa buhay ko? Gusto ko nga na makaahon, pero parang pakiramdam ko ay hindi maganda ang magiging pag-ahon kong ito. Hindi ko talaga akalain na magkakagusto sa akin si Demonyo. Baka naman pinag-t-tripan lang ako no'n? Sigurado naman na hindi ako magiging tipo no'n. Hindi talaga. "Naman oh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD