KABANATA 6

3467 Words
Napahaplos ako sa madulas na pantulog na kulay kahel na hanggang tuhod ko ang pinakasaya nito. Para akong naging mayaman sa itsura ko. Kahit sa pantulog ni Cienti ay mamahalin na tila ang sinasahod ko ay barya lang para sa pantulog na ito. Napahinga ako ng malalim habang nakaupo sa napakalambot na higaan. Sobrang laki para sa iisang tao. Kasya siguro ang tatlo o apat na tao sa laki. Tapos may parang pinakabubong pa at may kurtinang puti sa bawat haligi ng tukod na kumokonekta sa higaan at pinakabubong ng higaang gawa sa kahoy. I feel like I'm a princess. I dream this, but not to this situation. Parang tinanggap ko na rin na payag ako na maging nobya ni Greyson kung mananatili ako rito. Hindi ko pa naman alam kung saang lugar ba ito sa pampanga, hindi ko kasi pinansin ang daan dahil sa kabang nararamdaman ko habang kasama ko si Demonyo sa sasakyan. Nahiga ako at tuwid na tuwid ang pagkakahiga ko dahil parang nakakahinayang na gusutin ang tuwid na tuwid na higaang ito. Napatingin ako sa pader at nanlaki ang mata ko na unti-unti iyong bumukas kaya agad akong nagkumot at nagtalukbong. Pumikit ako at pigil na pigil ang hininga ko. God. Hindi ako safe sa bahay na ito. Kung ang siraulong demonyong ito ay nakakonekta sa kinaroroon ko. Basta-basta na lang pinipindot ang pader ng wala man lang pahintulot sa akin. Paano na lang kung nagbibihis ako? Shocks! Nais ko ng lumubog. Narinig ko ang magaang 'yang hakbang at napalunok ako ng hawiin nito ang kumot ko. "Are you sleeping yet?" Obvious ba, Demonyo? Natutulog na ako kaya tsupi na! Please, 'wag mo akong gagapangin, kundi lalaban talaga ako. Lalong nagpigil ako ng hininga at nanigas sa kinahihigan ko. Naramdaman ko ang paglundo ng higaan ko at ang pagdikit ng katawan niya sa akin. Napadilat ako ng tuluyan ng hilahin niya ako pahiga na nakatagilid at nakaharap sa kanya. Sumalubong sa akin ang seryoso niyang tingin, hindi gaya ng inaasahan kong nakakaloko at nakangisi niyang labi. "Hindi mo na kailangan na magpanggap na tulog para lang iwasan ako." aniya. Humawak siya sa baywang ko habang nakaunan sa ulo niya ang isang braso habang nakatagilid din siya ng higa habang nakatitig sa akin. Nasisilaw ako sa nakalitaw niyang dibdib, dahil lumuwag ang pagkakatakip ng itim na may halong abo niyang roba. Napakaputi ng dibdib niya at malaki ang dibdib dahil sa masel. Hindi ako makatingin kaya babangon sana ako pero hinapit pa niya ako palapit sa kanya kaya napasinghap ako at napatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang maliit niyang nunal sa baba ng mata niya sa dulo ng kanan niyang mata. "I want to sleep beside you." bulong niya at pumikit na siya habang nagka-gano'n ang ayos niya. Napatitig ako sa mukha niya. Kapag pala natutulog ay ang amo ng mukha niya at ang ganda pa lalo ng feature ng mukha niya. Parang babae na lalake, gano'n. Nais kong bumangon ngunit masyadong mahigpit ang pagkakapulupot ng isang braso niya sa baywang ko. Hindi ako makagalaw at hindi din ako makatulog kung siya ang katabi ko. Amoy na amoy ng ilong ko ang bagong ligo niyang katawan na mabango at panlalake ang ginamit na pabangon na nanunuot sa ilong ko. Hinintay ko na makatulog siya ng tuluyan, pero tila hindi ko na rin mahihintay iyon dahil pumipikit pikit na rin ang mga mata ko. Napasinghot ako habang bangong bango ako sa unan kong matigas. Napangiti ako at niyakap ito pero napadilat ako ng may napagtanto ako. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Greyson. Halos umakyat ang dugo sa ulo ko ng makita ang sarili ko na nakahiga padapa sa katawan niya habang ang mga binti ko ay na nasa pagitan ng hita niya. Nakapulupot ang isang braso niya sa baywang ko habang nakita kong hawak niya ang phone na bigay niya sa akin. Napatingin siya sa akin at napangiti. "Good morning, baby." aniya kaya dali-dali akong bumangon pero hinila niya ako kaya napahiga muli ako, "Mamaya ka na bumangon, matulog ka pa." dagdag niya at kinulong ng binti niya ang mga binti ko. "B-bitawan mo ako.." mahina kong sabi pero hindi naman siya nakikinig dahil nakatingin lang siya sa phone ko habang may tinitipa doon. Pinilit kong bumangon pero hindi ko magawa. "Mabuti naman at wala kang ibang ka-text. Everyday kong iche-check ang phone mo. At kapag tumatawag ako at nagte-text ay dapat na sasagutin mo agad dahil kapag hindi, ibig sabihin lang no'n ay may iba kang ka-text o katawagan. Kaya siguraduhin mo lang na wala dahil tinitiyak ko sa 'yo na patay sa akin kung sino siya." aniya na parang casual lang pero sa klase ng binitawan niyang salita ay para siyang nagbabanta. Matapos niyang kalikutin ang bigay niyang phone sa akin ay binitawan na niya ako kaya dali-dali akong umalis sa ibabaw niya. Bumaba ako ng kama at sinuot ang pambahay na tsinelas. Aalis sana ako upang makaalis na sa bahay na ito, pero napasinghap ako ng hulihin niya ang baywang ko at nalaman ko na lang na nakadapa ako sa edge ng kama habang nasa likod ko siya na nakaubabaw sa akin. "Where's my morning kiss? Ugaliin mong gawin iyon sa umaga, tanghali, at gabi. Tungkulin mo iyon bilang nobya ko, baby." bulong niya sa likod ng tenga ko habang hawak niya ang dalawang kamay ko na nakapatong sa kama. Napapikit ako ng gumapang ang ilong niya sa leeg ko tila inaamoy ako. Pilit kong kumakawala pero hindi ko magawa. "Okay, mamaya na lang, hindi naman kita nasabihan kagabi kaya hindi mo alam. Pero siguraduhin mong mag-o-obliga ka dahil oras na makalimutan mo ay higit pa sa halik ang gagawin ko sa 'yo." pilyo niyang bulong at alam kong nakangisi siya. Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan na niya ako at umalis sa likod ko. Hinang-hina na napabuntonghininga ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako patungo sa kwarto niya. Nakita kong binuksan niya ang isang pinto at hinila ako. Nais ko ng lumabas pero huli na dahil sinara na niya ang pintuan ng banyo. Anong iniisip niya? God, hindi ata ako dapat na mapanatag kung kasama ko itong demonyong ito! "Don't overthink. Magsisipilyo lang tayo." aniya at nginisihan ako tila nababasa ang nasa isip ko. Namula naman ako at napayuko bago napapikit sa kahihiyan. God. Ako pala ang marumi ang isip, nakakahiya!!!! Hinila niya ako at lumapit kami sa lababo. Kita ko na may kinuha siya sa taas sa pinaka-cabinet na maliit. Nakita ko na maraming stock ng shampoo, sabon, at iba pang ginagamit sa panlliligo. May hawak siyang bagong tooth brush at itinapat sa gripo. Hinugasan niya muna bago nilagyan ng tooth paste, pagkatapos ay pinahawakan sa akin. Nasa likod ko siya habang ginagawa iyon at kinuha niya ang gamit na tooth brush na nakalagay sa isang pinaglalagyan ng tooth brush at tooth paste niya. Gano'n din ang ginawa niya at sinubo na ang tooth brush na may tooth paste bago niya hawakan ang kamay ko at pinapahiwatig na mag-tooth brush na rin ako. Napayuko ako at ginamit nga iyon na hindi tumitingin sa salamin dahil kita ko ang paninitig niya doon. Ngayon lang ako hindi komportable magsipilyo. Parang bawat galaw ko ay bantay sarado niya at hindi man lang ata uso ang space sa demonyong ito. Talagang nasisipilyo nasa likod ko pa habang nakahawak sa baywang ko. Nang matapos siya ay nilapit niya ang mukha sa gripo kaya halos gitgitin niya ako. Pinilit kong umusog para makaalis pero hawak niya ang baywang ko kaya wala rin. Nang matapos siya ay inabot niya ang towel at nagpunas ng bibig. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Napatingin ako sa kanya habang subo-subo ang tooth paste. "Bilisan mo, pinapatagal mo pa." Dahil sa sinabi niya ay parang nagising ang diwa ko sa pagtitig sa ngiti niya at agad na nagmumog ako. Nanlaki ang mata ko ng punasan niya ang bibig ko gamit ang towel na pinangpunas niya, kaya napahawak ako sa braso niya. Napatingin ako sa kanya at tumitig siya sa akin kaya napaiwas ako. Bakit gano'n, parang gumagwapo si Demonyo? At nakakaba ang titig niya na parang matutunaw ako. Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang buong panga ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko at napahawak ako sa dibdib niya upang itulak siya ng sakupin niya ang labi ko. Malakas ko siyang itinulak kaya napalayo siya sa akin. Napalunok ako at hiningal dahil muntik na akong maubusan ng hangin sa klase ng halik niya. "W-wala kang karapatan na halikan ako dahil hindi kita gusto at lalong ayoko na mahalikan mo." Ngumisi sya at humakbang palapit sa akin kaya kinabahan ako na napaatras pagilid dahil mismong lababo na kasi ang kinasasandalan ko. Napapikit ako ng mapasandal sa pader at nang makalapit siya sa akin. Napaiwas ako ng hawakan niya ang mukha ko. "Talaga lang, ha? Well, kahit naman hindi ko tanungin pa ang nararamdaman mo, at kahit ayaw mong mahalikan ko, gagawin ko pa rin ang nais ko sa 'yo. Every parts of you is mine. Heart, body, soul, and of course... your mind. I repeat, you are mine.. Understand?" Umiling iling ako ngunit humalakhak lang siya at hinila na ako palabas ng banyo. Tingin ko ay ito na ang pinakabangungot sa buhay ko. Ito na ang kamalasan ko. Ang makulong sa siraulong lalakeng ito na inaangkin ako na labag sa loob ko. Paano ko siya matatakasan? Anong dapat kong gawin upang iwasan siya ng hindi niya ako nahahanap? Napayuko ako ng mapatingin sa akin ang mga estudyante. Binilisan ko na lang ang lakad kesa maabutan nila na kasama ko si Greyson sa iisang kotse. Pinauna ako nito dahil ipa-park pa nito ang kotse na siyang pinagpapasalamat ko. "Juliet!" Napahinto ako ng makita si June, napangiti siya at agad na lumapit sa akin. "Juliet, may gagawin ka ba mamaya? Ayain sana kita na..." napatingin siya sa likod ko kaya napabuga ako ng hangin dahil alam ko na kung sino ang nasa likod ko na tinitignan niya. "What's that?" Inakbayan ako ni Greyson kaya kita ko ang pagkalito sa mata ni June at sinenyasan niya ako kung bakit tila hindi ako tumakbo palayo kay Demonyo. "T-ticket ito sa m-movie." nauutal na tugon ni June. "Oh, itabi mo na lang 'yan, dahil simula ngayon ay bawal mo ng lapitan si Juliet." Tumingin ako kay Greyson dahil sumusobra na siya. Dinala niya ako sa harap niya at sa harap ng mga estudyante na ngayon ay nakatingin sa amin. "All of you, this girl is mine. Oras na kantiin niyo ni dulo ng buhok niya, titiyakin kong hindi lang pagpapatalsik sa school na ito ang mararanasan niyo." Bumigat ang hininga ko at hindi ako makapaniwala. Napapikit ako dahil sinabi niya. Iisipin tuloy ng lahat na talagang boyfriend ko siya. "Let's go." Hinila na niya ako at mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Hinatid niya ako sa room ko kung saan ay kita ko na nagbalikan ang mga kaklase ko sa room mula sa pag-uusisa nila sa nangyaring anunsyo ni Greyson. "Eleven is your free time. Kaya 'wag kang aalis ng room mo hangga't wala ako, maliwanag?" Hindi na ako nakasagot dahil natutulala na lang ako sa ginagawa niya. Nais kong sabihin ang nararamdaman ko, pero alam ko na babalewalain lang niya iyon. Pagpasok ko sa room ay kita ko ang pagtingin sa akin ng mga kaklase ko. Lalo na ang mga babae na matatalim ang binibigay sa aking tingin, ngunit hindi nila ako magalaw dahil sa banta ni Greyson. Lutang na lutang ako sa klase dahil nag-iisip ako ng paraan kung paano matatakasan si Greyson. Kahit tumakas ako ngayon, wala naman akong mauuwian dahil iisa lang ang apartment ko na alam niya. "Ms. Policarpio! Are you with us?" Napaidtad ako ng malakas na hinampas ni Mrs. Carolina ang kanyang stick sa table niya na siyang kinagising ng diwa ko. Nakatingin ito sa akin habang pinagtataasan ako ng kilay kahit suot niya ang kanyang salamin. Napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin sa akin at napapailing habang nakangisi. "Mam, boyfriend na po kasi siya ni King Greyson, kaya papetiks-petiks na lang." Napatingin ako kay Haidee na siyang nagsabi no'n. Sumang-ayon sa kanya ang mga kaklase ko na mga inis pala sa akin dahil sa nalaman nilang boyfriend ko si Greyson. "Aba! Kaya naman pala.. Sayang ang grade mo, hija, kung aasa mo sa Esteban ang lahat upang tumaas ang grado kahit magpapetiks-petiks ka lang." "Hindi po, Ma'am. Sorry po.." Inismiran lang ako nito at bumalik sa pagle-lesson. Hindi na ako nito tinawag hanggang sa matapos ang klase. Kasalanan ito ni Greyson. Imbes na walang magagalit sa akin dahil sa sinabi niya, ngayon ay tila buong klase at maging ang professor ko ay galit sa akin at inis. Kahit ang bilin sa akin ni Demonyo na 'wag umalis ng room habang wala pa siya, hindi ko sinunod. Gusto ko munang makapag-isa. Parang sumasakit ang ulo ko at parang nakakawalanggana na ang lahat. Naupo ako sa bench rito sa garden sa pinakalikod ng school. Kita ang mga tuyot na dahon na galing sa malalaking puno na siyang nagiging silong sa buong garden kaya malamig rito. Walang pumupunta na estudyante rito dahil maarte ang mga iyon at ayaw marumihan. "Problem?" Gulat na napatingin ako sa likod ko at nanlaki ang mata ko ng makita si Lincoln. Nagpagpag siya ng kamay at napatingin ako sa isang tela na tila hinigaan niya. Hindi ko man lang napansin na narito din pala siya. Napatayo ako at napayuko. "Pasensya na, narito ka pala... Sige, aalis na lang ako." Pinigil niya ako sa braso ng tangkang aalis ako. Gulat na napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin at tila napakaraming gustong sabihin ng tingin niya. "Samahan mo muna ako." aniya at binitawan ang braso ko bago siya naupo sa bench. Nahihiya na naupo ako sa kabilang gilid at tumingin sa puno. "Ginugulo ka pa rin ba ni Greyson?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa kamay ko na kinukutkot ang kuko ko. "Hindi ko siya maintindihan kung bakit gano'n na lang bigla ang inaasta niya. Parang gusto niya akong angkinin na parang kanya. Malabo naman na magustuhan ako no'n, malabo talaga." Napatingin ako sa kamay niya na humawak sa mga kamay ko kaya napatigil ako sa pagkutkot sa kuko ko. Tumingin ako sa kanya na medyo lumapit sa akin. "Gusto mo sa amin ka na tumira, tiyak ako na hindi ka doon magugulo ni Greyson." "Huh?" Natawa siya sa reaksyon ko at binitawan rin sa wakas ang kamay ko. Dumadagundong ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa hawak niya. "Balak kong lumipat sa kabilang eskwelahan para matigil na rin ang alitan namin ni Greyson..." tumingin siya sa akin at seryoso akong tinignan, "Ano, sama ka? Tinitiyak ko na hindi ka na magugulo ni Greyson dahil kalabang eskwelahan iyon.." Nagkaroon ako ng interest sa alok niya. Parang ang problema ko ay nasagot niya. "Pero, konting gradings na lang at ga-graduate na ako. Baka maapektuhan ang pag-aaral ko kung lilipat ako?" Ngumiti siya at tumayo. Nag-unat siya ng braso bago tumingin muli sa akin at naglahad ng kamay. "Madali na lang iyon at sinisiguro ko na maayos kang makakalipat na hindi naaapektuhan ang pag-aaral mo." Napangiti naman ako dahil nagkaroon ng kaginhawa ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. "Ano? Tara na. Baka ngayon palang ay hininahap ka na niya." Kaya dahil doon ay agad kong tinanggap ang kamay nyya. Nagulat ako na hindi kami sa harapan ng school dumaan, kundi mismo dito din sa garden. Pagdating sa dulo ay nakita ko ang motor niya at ang isang gate. "Meron palang gate rito." "Oo, dito ako palaging tumatambay kaya nalaman ko ito. Ako lang ang nakakaalam nito, at syempre ikaw na rin." Napangiti ako at napatitig sa kanya na binitawan ang kamay ko upang sumakay sa motor niya. Ibang iba talaga si Lincoln kay Greyson. At napakabuti niya kahit na wala naman siyang makukuha sa akin kung tutulungan ako, pero heto siya't tinutulungan ako ng walang kapalit. Kaya kahit na anong gawin ni Greyson, hinding-hindi niya mapapatayan ang ugaling meron si Lincoln. "Lincoln, saan tayo pupunta?" "Sa bahay ko, ipapakuha ko na lang sa tauhan namin ang gamit mo sa bahay. Dahil kapag bumalik ka doon ay tiyak na nandoon si Greyson." Tumango ako at napatingin sa kanya kahit suot ang helmet ay ang gwapo pa rin niyang tignan. Nahihiya akong kumapit sa baywang niya, pero sa loob-loob ko ay may kilig akong nararamdaman. Malayo layo din ang naging byahe bago siya huminto sa napakataas na gate. Napatingin ako sa logo na nakalagay at nakita ko na Smith Villa. Wow! Villa! Bumukas ng kusa ang gate at ng magbukas ng maluwag ay ipaandar muli ni Lincoln ang motor niya papasok. Nilibot ko ang tingin ko sa nadadanan namin. Sementado ang gitnang daan, may mga puno sa bawat paligid, at nakita ko na tila may swimming pool pa na napakahaba sa isang parte ng lupain nila. Hininto na ni Lincoln ang motor sa harap mismo ng malaking bahay. Parang may pagkabanyaga ang style ng bahay. Parang ancient style. Sabagay, may lahi ata itong si Lincoln. Bumaba ako at hinubad ang helmet na pinasuot niya. Nilibot ko ang tingin sa paligid at masasabi ko na tahimik, malawak, at maganda ang buong paligid. Ngunit parang ang lungkot at tila walang kabuhay buhay. Hindi gaya sa bahay nila Greyson, ramdam ko na masaya at buhay na buhay ang bawat haligi ng kanilang bahay. "Tara sa loob." Tumango ako sa aya niya at binigay sa kanya ang helmet. Nilapag niya lang sa motor niya iyon at nauna siyang maglakad habang nag-aalis ng black gloves na nakasuot sa kamay niya. Sumunod ako sa kanya habang tumitingin pa rin sa paligid. Pagpasok namin ay kamangha mangha rin ang loob. Para akong nasa kwento ng libro 'yung sinaunang panahon. Gano'n kasi ang style ng bahay, at malinis na tila pinakaiingatan ang bawat gamit. "A-ah, Lincoln, baka nga pala magalit ang parents mo kapag nalaman na dito mo ako patitirahin?" Lumingon siya at huminto ng makarating kami sa sala. "Don't worry, wala sila rito dahil nasa ibang bansa sila. Kasambahay, driver, at mayordoma lamang na si Manang Beng ang narito." Napatango naman ako at napatingin sa kanya. Kita ko na malungkot siya habang sinasabi na nasa ibang bansa ang magulang niya, at tanging kasambahay lamang ang kasama niya. Hindi pala lahat ng mayaman, masaya. Kahit mayaman sa pera, ngunit salat naman sa pamilya. Nakakaawa naman siya at nag-iisa.. Nais kong tanungin kung bakit siya lang ang naiwan rito, pero nakakahiya na kung pati iyon ay paghihimasukan ko pa. Nakikitira na nga lang ako, makikialam pa ako sa buhay ng may buhay. "Maupo ka muna." aniya kaya tumango ako, "Manang Beng!" hiyaw niya. Maya-maya lang ay narinig ko na ang tunog ng takong na palapit rito. Napatingin ako sa limang babae na sumulpot na suot ay uniporme ng kasambahay. At napatingin ako sa nakasalamin, nakatungkod, at medyo may edad na ginang na tila masungit. "Bakit, Lincoln?" tanong nito at inayos ang salamin bago napatingin sa akin tila sinusuri ako. "This is Juliet. And from now on, she's living here with us. Gusto ko na itrato niyo siya na special guest, maliwanag?" "Yes, Sir." tugon ng limang kasambahay, at 'yung si Manang Beng ay tumango lang. "Ipaghanda niyo kami ng makakain, hindi pa tiyak kumakain si Juliet." Nahiya naman ako sa pag-aasikaso ni Lincoln sa akin. "Lincoln, nakakahiya naman, ayos lang naman sa akin kung anong gusto nila itrato. P'wedeng mag-trabaho ako rito bilang kapalit sa pagtira at pagtulong mo." Umiling siya at ngumiti, napalunok naman ako at namula ng pisilin niya ang pisngi ko. "'Wag ka na mahiya, at hindi ka magtatrabaho rito. Special guest ka kaya dapat na mag-relax ka lang.. Dito ay payapa ka at wala ng manggugulo." Napangiti naman ako at tumango, "Salamat, Lincoln." "You're always welcome, Juliet." Ngumiti siya kaya lalo akong humahanga sa kanya e. Natigilan ako ng tumunog ang phone ko na bigay ni Greyson. Kinuha ko ito sa bag at nanlamig ako ng makita na si Greyson ang tumatawag. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako at nais kong sagutin, pero nawala ang tingin ko sa phone ko ng hawakan ni Lincoln ang kamay ko. "Don't answer his call. Malalaman niya kung nasaan ka." Napahinga ako ng malalim at tumango. Pinatay ko ang phone at sinilid sa bag. Ngumiti sa akin si Lincoln kaya napangiti ako kahit binabagabag ako sa pagtawag nito. Naalala ko ang banta ni Greyson oras na hindi ko sagutin ang tawag niya. Paano kung malaman niya kung nasaan ako? Tiyak na si Lincoln ang pupuntiryahin niya. Sana naman tigilan na niya ako. Pati ang maayos kong buhay ay naging komplikado ng dahil sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD