KABANATA 7

3769 Words
Like what Lincoln said. He will do everything to protect me from Greyson. He transfered me to the rival school of Esteban University. Nanatili lamang din ako sa bahay ni Lincoln habang pinoproseso ang papers ko at kinuha ng tauhan niya ang ilang importanteng gamit ko sa bahay. Hindi ko na muling binuksan ang binigay na phone ni Greyson, sa takot na baka malaman niya kung nasaan ako. Sabi ni Lincoln ay nagkaharap sila ni Greyson at kita ko nga ang pasa sa gilid ng labi niya. Galit na galit daw si Demonyo at siya ang tinuturo na kumuha sa akin. Well, tama naman na si Lincoln ang kumuha sa akin, pero magaling ata talagang mag-deny si Lincoln kaya walang makuhang impormasyon si Greyson. One week, let's say natahimik ang buhay ko na walang nagmamando nito. Nakilala ko rin ang limang kasambahay ni Lincoln na mababait at naging kasundo ko. Minsan nga, kapag umaalis si Lincoln ay tinutulungan ko sila sa gawaing bahay, ayaw man nila pero hindi nila ako masaway kaya no choice din sila. Masungit si Manang Beng pero hindi na ako natatakot sa kasungitan niya dahil mabait din naman ito. Gano'n lang siguro siya, tapos sarap pa niyang magluto kaya gustong-gusto ko na tuloy sa bahay ni Lincoln. Busy ako sa pag-aayos ng gamit ko para sa kinabukasan kong pasok sa Gonzai University, ang rival school na sabi ni Lincoln ay private school pero bukas para sa lahat ng lipunan, mapahirap o mapayaman man. "Juliet, gising ka pa ba?" Napukaw ako sa katok at pagtawag ni Lincoln kaya naman agad kong binitawan sa kama ang mga notes ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Inayos ko pa muna ang suot kong short at lumang loose white shirt. Inayos ko rin ang pagkakatali ng buhok ko at maging ang bangs ko. Hanggang pang-upo ko na rin ang buhok ko at masasabi ko na ang maganda lang ata sa akin ang buhok kong mahaba. Inaalagaan ko ito para naman meron naman magandang masabi sa akin ang iba. Huminga ako ng malalim at ngumiti na binuksan ang pinto. God. Ang gwapo talaga ni Lincoln kahit sa simpleng loose sweat pants na grey at cotton jacket na black na may nakapaloob na white shirt ang suot niya. "Bakit, Lincoln? Tara, pasok ka." aya ko. "No, it's okay. Nandito lang ako para ibigay ito sa 'yo." may nilahad siya sa akin na naka-hanger na isang japanese girl uniform. Yellow vest, black sweat long sleeve, at stripe black and yellow skirt. "A-ah, thank you.." Shocks. Nakakahiya na. Binilhan niya pa ako ng pagkamahal na uniform na ito. Nakita ko kasi ang school brochure. Halos nasa dalawang libo ang uniform ng school ng Gazai, pero mas mahal pa rin ang sa Esteban. Mabuti nga at scholar ako doon kaya nakalibre lang ako ng uniform. "You're welcome." aniya at ngumiti.. Napatingin ako sa kanya, napahawak siya sa batok at umatras siya. "Sige, matulog ka na...." tumango ako, "Good night." pahabol niya bago siya tumalikod. Sinara ko ang pinto at napasandal ako doon. Niyakap ko ang uniform at lihim na napatili ako habang kinikilig. Gosh. Binati pa niya ako tapos nginitian. Ang gwapo-gwapo pa niya habang nakatitig ang mga mata niyang nangungusap at nakakatunaw. Napahinga ako ng malalim at pabagsak na nahiga sa malambot at malaking kama. Napakabilis ng oras, araw, hindi ko namalayan na marami na ring nagbago sa buhay ko. Dati, hindi ko iniisip na madadampian man lang ang balat ko ng ano mang gamit ng mayayaman. Ngayon ay nakakain, nagagamit, nasusuot, at nararanasan ko ang mga dating hindi ko man lang nakakamit. Pero alam ko na ang lahat ng ito ay panandalian lamang. Lahat ay may katapusan. Lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan. Today, the another day for me. At gagawin ko ang lahat upang sulitin ang bawat araw ko sa panibagong eskwelahan na ngayon ay nasa harap ko. Hindi katulad sa Esteban, dito ay parang may sariling mundo ang mga estudyante. Parang hindi ka nila titignan dahil hindi nila sasayangin ang oras nila sa 'yo, at kinatuwa ko iyon. "Nandito na tayo, Juliet." Tumango ako kay Lincoln na katabi ko na nakatanaw sa Ganzai University. Kabababa lang namin ng kotse. Akala ko nga magmo-motor kami, pero sinabi niya na ihahatid kami ng driver niya para daw komportable ako sa pagpunta rito. "Lincoln!" Napalingon kami sa tumawag sa kanya, at napaatras ako dahil mga grupo ni Lincoln ang tumawag sa kanya na mga napatingin sa akin. Alam kong naguguluhan sila kung bakit kami magkasama. Ang alam nila nobya at nakikita nila na kasama ako ni Greyson, kaya nakakapagtaka na sa nilipatan rin nilang eskwelahan ay nandoon ako. "Kaya naman pala nagwawala si Greyson, kasama mo pala siya." sabi ng semi kalbo na may itsura rin at tisoy. May tattoo ito sa leeg na maliit lang naman at bumagay rito. May hikaw din ito at may design ang buhok niya, ayon sa disenyo ng pagkakagupit niya. Kinabahan naman ako sa sinabi niya tungkol kay Greyson. Siguro ay nagsisinungaling ito. Ano naman ang ikawawala no'n? Hindi naman siguro masyadong patay na patay ang demonyong iyon sa akin? Hindi talaga. "Hayaan niyo siya. Magaling maghanap si Greyson, kaya maging maingat kayo at humanda..." bumaling sa akin si Lincoln at napahinga ng malalim, "Tiyak na ako ang pagbabalingan niya oras na malaman niya na kasama ko si Juliet." dagdag niya na kinalunok ko. "Bakit mo pa kasi siya sinama rito sa paglipat mo?" tanong ng isa na kung makapagtanong ay akala mo wala lang ako sa harap nila. Typical bad boy lang siya, at medyo may kahabaan ang buhok na naka-wax pataas. Kayumanggi ang balat at siguro kasing taas lang siya ni June na five foot four ang taas. "She's now the new recruit to our group. All of you, I want you to protect her no matter what happen." Tila pinamulahan ako lalo na ng akbayan ako ni Lincoln. Shocks. Talagang binilinan niya ako at sinali niya sa grupo niya? Tumango naman ang limang grupo niya at tila wala silang tutol basta si Lincoln ang magsalita. "So, let's go.." Tumingin sa akin si Lincoln habang akbay pa rin ako. Tumango ako at napayuko habang hawak ko ang strap ng bag ko. Namumula ako kaya hindi ako makatingin sa kanya dahil baka mahalata niya na kinikilig ako sa pag-akbay niya. Tinungo namin ang magiging room ko daw. Ang kinukuha pala ni Lincoln na course ay about sa business. Siya daw ang mamahala balang araw ng negosyo ng pamilya nila kaya kahit hindi niya gusto ang business world ay wala siyang choice kundi ang gawin ang nais ng parents niya sa kanya. Iyon ang nagagawa kapag mayaman ka. Swerte ko pa ata na hindi ako mayaman. Dahil kahit mahirap ako, nagagawa ko naman ang nais ko sa buhay ko na walang nagmamando sa kinabukasan ko. Sa second floor, room 200. Sa dami ng classroom ay umabot sa 200 ang papasukan kong room. Second floor palang, edi mahigit sa isang libo pala ang room rito sa Ganzai. "Ayos ka na ba rito?" tanong ni Lincoln ng mahatid nila ako sa tapat ng classroom. Tumango ako rito at ngumiti, "Ayos na ako rito, Lincoln. Salamat." Nahihiya ako dahil ang dami na niyang nagagawa sa akin, samantala ako ay wala man lang maitulong sa kanya kung may problema man siya sa buhay. "Sige, mamaya na lang." Ngumiti siya at tumalikod na. Masasabi mo talaga na gwapo siya dahil kahit nakatalikod ay ang gwapo. Ang lapad ng balikat niya at para siyang model kung maglakad, tapos matangkad din siya. Napahinga ako ng malalim at umiling, tama na ang pantasya, kailangan kong harapin ang bagong buhay ko sa bagong school ko. Humarap ako sa magiging isa sa mga classroom ko. Bumuga ako ng hangin at binuksan ang pinto. Pagpasok ko ay para akong nasa library sa sobrang tahimik ng magiging kaklase ko sa isang subject. Lumakad ako habang naguguluhan dahil mga nakasubsob sila sa kanilang mga libro. Naupo ako sa bakanteng upuan sa pinakalikod. Kada estudyante ay kanya-kanya ng table at chair. May sabitan ng bag sa gilid ng chair kaya doon ko nilagay ang bag ko. Umayos ako ng upo at pinagsiklop ko ang mga kamay ko sa desk. Kinakabahan man ako sa first class pero sisikapin kong lakasan ang loob ko. Tumingin ako sa mga kalapit ko at mga nagbabasa sila ng libro. Mukha namang hindi palaaral ang mga ito. Pero sabi nga, 'wag judgemental, wala sa looks ang pagiging mabuti at matalino. Tumingin ako sa wall clock at malapit na ang tinakdang oras para sa unang aralin. Nilabas ko ang libro na naayon sa subject sa schedule ko. Nilapag ko ang libro sa desk at napatingin ako sa pumasok. Isang lalake na malikot ang mata habang nakatingin sa mga kaklase ko na mga nakaupo. Tila siya takot at marahan ang lakad niya tila ba may pinaghahandaan siyang gyera. Napakuno't ako ng noo dahil bigla siyang umupo at tinakpan ang sarili ng bag. Napabuka-sara ang bibig ko ng maggalawan ang mga kaklase ko at pinagbabato ng kung ano-ano ang lalake kaya napatayo ako. "'Yan ang nararapat sa katulad mong nakikipagkaibigan sa Esteban student!" galit na sabi ng isang babae na tila siga. Kinabahan naman ako dahil sa binanggit nito ang Esteban student. Bakit galit sila dahil sa pakikipagkaibigan nito sa estudyante ng Esteban? Akala ko pa naman ay parang mga good student ang mga ito, 'yun pala ay props lang nila iyon. "Tama na! Ayoko na!" hiyaw ng lalake. Hindi ko alam ang gagawin dahil baka ako naman ang pagbuntungan nila kung sakaling tutulungan ko ito, pero hindi naman kaya ng konsensya ko. Lumakad ako patungo sa lalake at tinatagan ko ang loob ko. Humarang ako kaya natigil ang mga pagbabato. Humarap ako sa mga kaklase ko na mga nakakuno't ang noo na nakatingin sa akin. "Sino ka? May kaibigan ka rin sa Esteban student?" Napalunok naman ako pero matapang kong hinarap ang nagtanong. "Ako si Juliet Efrenella Policarpio. Transfer student from Esteban university...opppsss!" pinigil ko sila sa ambang pagbato sa akin ng marinig na dati akong estudyante ng EU, "Pero wala akong kaibigan o ano mang naging ka-close sa eskwelahang iyon. Tingin kasi nila sa akin ay mahirap na dapat na dinadaanan lang." Naibaba nila ang ibabato nila at lumapit sa akin ang babaeng tila siga habang ngumunguya ng bubble gum. "Sigurado kang wala kang kaibigan sa mga EU student? At gaano mo sila kinasusuklaman?" nakataas ang kilay habang tinitignan ako ng matapang sa mata sa mata. "Kinasusuklaman ko sila...dahil dati na rin ako nilang na-bully. Kaya nga ng malipat ako rito ay laking pasasalamat ko." Kita kong nagtanguan ang mga iba at tila nakikisimpatya sa akin. Dinura ng babae sa kamay niya ang bubble gum at nilahad sa akin ang kamay niya. "Kung gano'n ay welcome ka rito." Napangiwi ako sa nais niyang ipahiwatig. Yuck! 'Wag niyang sabihin na hawakan ko ang kamay niya na may dinura niyang bubble gum? Grabe din pala kung mag-welcome ito, talagang dugyot. "Ah, thank you." hinawakan ko ang kamay niya at napapikit ako sa pandidiri dahil dumikit sa kamay ko. Hindi naman ako maarte sa ibang bagay, dahil kahit basura nga sa c.r hinahawakan ko, pero naka-gloves naman ako. Pero ito ay hindi ko talaga ma-take kaya agad din akong bumitaw na kinahalakhak nito. "Kung gano'n ay umalis ka na sa harap ng lalakeng 'yan at sumali ka sa pagbibigay leksyon sa kanya." aniya. "Hindi! 'Wag naman! Kung magiging katulad din kayo ng mga bully ng EU ay ano pa ang ikinagagalit niyo kung makipagkaibigan siya sa estudyante ng EU? Parang sinabi niyo na rin na kagaya kayo EU student dahil kahit ka-schoolmate natin ay binu-bully niyo. Gusto niyo ba na itawag naman sa atin ng mga taga-EU ay walang modo? Gusto niyo ba no'n?" Nagkatinginan ang mga ito sa sinabi ko, at kita ko na binaba nila sa sahig ang mga ipambabato sana nila. "Okay, tila magaling ka para maging leader. Tama ka, dapat ay 'wag kami tumulad sa mga evil EU student." Napangiti naman ako at nakahinga ng maluwag dahil mabuti at naunawaan nila ang nais kong sabihin. Tinayo ko ang lalake na nagtamo ng sugat sa noo at braso dahil sa pambabato. "Dalhin niyo siya sa clinic. Dapat ay kung sino ang kapwa estudyante natin sa Ganzai ay hindi dapat natin sinasaktan. Dapat nga ay magkaisa tayo upang mapabuti ang school para mas umangat sa EU." "Yeah!!! Tama ka!!!" hiyaw nilang lahat. Napangiti ako dahil tila naging spoke leader pa ako ng klase. May nagdala sa lalake sa clinic kaya bumalik na ako sa chair ko. Lumapit sa akin ang babaeng siga kasama ang ilan pa ata niyang barkada rin na katulad niyang emo at may nginunguyang bubble gum. "Ako nga pala si Emilyn Alejandro, at ito si Ruby at Sophie." Ngumiti naman ako sa pagpapakilala nila. At gaya ni Emilyn ay gano'n din makipag-shake hands sina Ruby at Sophie. Pinunasan ko na lang ng panyo ang kamay ko at bumalik na rin sila Emilyn sa chair nila ng pumasok na ang prof. "Himala at tahimik kayo?" tanong ng prof namin na agad na humarap sa white board. May sinulat siya na pangalan ata niya. Tila sanay na siya at inaasahan niya na magulo ang klase nito. Siguro kung hindi ko napahinto sila Emilyn sa pambu-bully sa lalake ay baka magulo nga ang maabutan niya. "Sa bagong estudyante rito, ako si Ms. Chelle Olivares. Math education professor." pakilala niya at agad na dumeretso ang tingin niya sa akin, "Understand, Ms. Policarpio?" aniya kaya agad akong tumango. "Yes, Ma'am!" Ngumiti siya at inumpisahan na mag-lecture. Mabilis siyang maturo at tila bawal magsayang ng oras sa kanya, pero kahit gano'n ay naiintindihan, nakukuha, at nag-e-enjoy ako sa klase ng pagtuturo niya. Hindi boring at talagang makikinig ka sa kanya. Ang ganda pa niya at sexy na para siyang model kapag tumayo at lumakad. "Class dismissed!" anunsyo niya matapos ang klase niya at naglakad na para lumabas. Dali-dali kong niligpit ang gamit ko at hinabol ko siya. Ang bilis niyang maglakad kahit ilang inches ang taas ng takong ng black shoes niya. "Ma'am Chelle!" tawag ko, lumingon siya at huminto sa paglalakad. "Yes, Juliet?" tanong niya ng makalapit ako. Ngumiti ako at niyakap ang libro ng math. "Gusto ko lang sabihin na nag-enjoy po ako sa klase niyo, Ma'am." Ngumiti siya at hinawakan ako sa balikat, tinapik-tapik. "'Wag mo na akong 'i-po' at tawaging 'Ma'am' kapag nasa labas na ng room. Isang taon lang agwat ng edad natin." Nagulat naman ako sa pagbubulgar niya sa edad niya. Hindi ako makapaniwala doon. Wow! Twenty-two palang pala siya? Pero bakit tila matagal na siyang nagtuturo at hindi halata na twenty-two palang siya? Para kasing nakakaloko ang pagka-matured ng itsura niya sa edad niya, tapos maganda din siya. "Ah.." Natawa syta dahil iyon na lang ang nabulalas ko. Ang ganda din nyya kapag tumawa, pero kanina sa room ay mukhang fierce siya at strikta. "'Wag ka nang magulat dahil gano'n talaga. Maaga akong nakatapos ng education kaya naman isang taon na rin akong nagtuturo mula ng pumasa ako sa board exam." Nakakainggit naman siya. Mabuti pa siya at nakakapagturo na. At isang take lang ay pasa na agad siya sa board. "Tara sa cafeteria. Wala ka naman sigurong kasabay?" Umiling ako kaya napangiti siya at sabay na kaming bumaba upang puntahan ang cafeteria na sinasabi niya. Mabuti na lang at sasamaan niya ako, dahil tila hindi pa tapos ang klase ni Lincoln kaya hindi pa siya sumusulpot. Kundi baka maligaw pa ako rito. Pagbaba namin ay nagtataka na napatingin ako sa mga estudyante na nagtakbuhan sa tila oval ground ng school. "Tara!" "Huh?" Hindi na ako nakapagtanong pa ng hilahin na niya ako habang hawak ang pulso ko. Hingal na hingal pa ako na huminto kami sa kumpulan ng mga estudyante. "Anong ginagawa ng mga Esteban Student rito?" Rinig kong tanong ng isang estudyante rito. Nakisingit si Chelle kaya napasunod din ako. Pagdating sa unahan ay nakita ko ang grupo nila Lincoln na nakatalikod sa amin. Hindi ko maaninag ang kaharap nila dahil masyado silang malayo. "Ayun pala ang kasama ko, Chelle. Sandali, tawagin ko lang." "Teka.." pipigilan sana niya ako pero hindi ako nagpapigil at patakbo kong tinungo sila Lincoln. Paglapit ko ay kinalabit ko si Lincoln. Lumingon siya kaya napangiti ako, tinignan ko ang grupong kaharap nila at halos pagsisihan ko kung bakit lumapit pa ako. "Really, ha?" nauuyam na wika ni Greyson na ngayon ay masamang nakatingin sa akin kaya napaatras ako. "Magtago ka, Juliet, dali.." bulong ni Lincoln. Dahil nakita ko ang ambang paglapit ni Greyson ay tumakbo na nga ako. Nang medyo nakalayo ako ay lumingon ako at nakita kong nagmamano-mano na ang bawat grupo. Napatakip ako ng bibig ng makita na nasuntok ni Greyson si Lincoln na kinatumba nito sa lupa. Sumunod ang tingin sa akin ni Greyson kaya natakot ako at muling tumakbo. Umakyat ako sa classroom ko kanina. Agad kong sinara ang pinto at naghanap ng pagtataguan. Sa ilalim ng desk ko ako nagtago. Nagtakip ako ng bibig at nanalangin na hindi ako mahanap ni Greyson. God. Unang pasok ko palang sa school na ito pero tila masisira na dahil sa demonyong iyon. Nalaman niya agad kung nasaan ako. Nakarinig ako ng yabag kaya mas kinabahan ako. Rinig ko ang pagbalibag na pagbukas ng pinto ng room kaya mas grumabe ang kabog ng dibdib ko sa takot. Pumikit ako at nagtakip ng tenga. Ramdam ko ang panginginig ko sa takot kay Greyson. Dahil alam ko na oras na makita niya ako ay tiyak na patay ako! "Hindi mo ako matataguan, Juliet, dahil makikita at makikita pa rin kita.. Kaya lumabas ka na hangga't nakakapagtimpi pa ako." Mas sumiksik ako sa desk dahil mas natakot ako sa banta niya. Dinig ko ang mabigat niyang yapak palapit kaya sobra na ang panalangin ko na hindi makita. "You. Are. Dead, Baby.." madiin niyang sabi. Napayuko ako ng maramdam ko ang pagwala ng desk sa akin dahil tila sinipa niya iyon na tumalsik sa katabing desk, "You can't hide to me." aniya, napasinghap ako ng maramdaman ko ang paglutang ko sa ere. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakapasan sa balikat niya habang nasa likod nyya ang mukha ko. Para akong sako ng bigas na buhat niya. "I-ibaba mo ako! Hindi ako sasama sa 'yo!" Hindi ko na napigilan na mapaiyak sa takot ko. Humikbi ako at nilakasan ko ang loob ko na suntukin ang likod niya at magpumiglas, pero balewala lang iyon sa kanya at walang kahirap-hirap siyang naglakad palabas. "You are missing for almost one f*****g week, but, when I found out that you and Lincoln are together in one roof, at talagang sa kanya ka sumama, hindi mo ba alam na nangangati ako na patayin ka." Hindi na ako nagpumiglas sa banta niya. Nanginig ako sa takot, at pakiramdam ko ay nanlalamig ang buo kong katawan. Nakita ko sila Lincoln, dumudugo ang mukha ni Lincoln at pinipilit na bumangon habang nakatingin sa akin. Nais niya akong tulungan ngunit umiling ako at napapikit na lang, lalo na ng makita ko na nakatingin sa amin lahat ng estudyante ng Ganzai. Naramdaman ko ang pag-upo ko sa isang upuan ng kotse. Agad akong napaayos ng upo at napayakap sa sarili ko habang nakayuko ang ulo ko ng pumasok at sumakay na rin si Greyson sa driver seat ng kotse niya. Nanigas ako sa kinauupuan ko ng pahaklit at padarag niyang sinuotan ako ng seatbelt.. Hanggang maramdaman ko na ang pagharurot ng pagpapatakbo ng kotse niya. Ramdam ko ang galit niya at mas natakot ako ngayon sa kanya. Napahawak ako sa seatbelt dahil ang bilis ng patakbo niya at maging ang pagliko niya. Nag-ring ang phone niya at tila sinagot niya iyon dahil nawala ang pag-ring. "Yes?" aniya. "Boss, dederetso ba kayo sa EU?" rinig kong boses ni Jason. "Hindi na, dahil may kailangan akong bigyan ng leksyon. Bukas ako papasok at gusto kong kunin niyo ang record ni Juliet d'yan at muling ibalik sa EU." "Copy, Boss." Napadilat ako at napatingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya na pinatay ang tawag at saglit na binalingan ako ng tingin kaya yumuko ako. Napasinghap ako ng tanggalin niya ang I.D na nakakabit sa uniform ko. Binuksan niya ang bintana sa side niya at tinapon iyon. Mas lalo akong napaiyak pero tahimik lang dahil natatakot ako na may gawin siyang iba kapag narindi siya sa pag-iyak ko. Isang malakas na pagpreno ang ginawa nya sa sasakyan kaya napapikit muli ako. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko lalo na ng bumaba siya. Napahigpit ang hawak ko sa seatbelt at narinig ko rin ang malakas na pagbukas ng pinto sa side ko. Napadilat lang ako ng maalis ang seatbelt sa akin. Hinatak niya ako gamit ang paghawak sa kamay ko. Hinila niya ako at pansin ko na wala kami sa bahay ng parents niya, kundi tila narito kami sa isang pent house building. Hindi ko na alam ang nangyari kung paano kami nakarating at pumasok sa isang pinto. Dahil agad akong nagpumiglas ng malakas niyang sirain ang vest ng uniform na suot ko. "T-tama na! Ayoko na!" Humihikbi ako at agad na nakawala sa kanya ng maalis ang vest na suot ko kaya ang sleeve blouse na lang ang naiwan sa akin. Tumakbo ako para lumabas pero nahuli niya ang baywang ko. Nagpumiglas ako lalo ng maramdaman ko ang pagsayad ng labi niya sa leeg ko. Napaupo siya sa kama kaya napaupo ako sa kanya. Mahigpit niyang hawak ang mga kamay ko habang nasa tiyan ko. Hinalikan niya ang leeg ko habang mahigpit akong yakap at hawak ang mga kamay ko. "B-bakit mo ginagawa sa akin 'to?" umiiyak kong tanong na kinatigil niya sa paghalik sa leeg ko. "Because I like you." asik na bulong niya. "Hindi kailanman kita magugustuhan kung ganito ang ginagawa mo sa akin! Ang sama mo!" Tinulak niya ako kaya napahiga ako ng kaunti sa kama. Tumayo siya kaya napatingin ang mga mata kong basa ng luha sa kanya. Napaidtad ako ng sipain niya ang ibabang kama at tumingin sa akin ang mga mata niyang matalim. "Fine, tell me how? Sabihin mo kung saan paraan mo ako magugustuhan?" tiim-bagang niyang tanong na galit tila ba labag sa loob niya iyon. Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na tinamaan siya sa sinabi ko, at desperado siyang magustuhan ko siya. "K-kung gano'n, dapat mong sundin ang lahat ng nais ko." Gusto niya ako, kaya kung ang naisip kong paraan ang magpapabigay sa akin ng kapayapaan ay gagamitin ko ang pagkagusto niya laban sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD