Sa hapunan ng pamilya ni Greyson ay para na naman akong nasa isang mamahaling kainan. Punong-puno ng nakahaing masasarap na pagkain ang lamesa habang nakaupo na sa kanya-kanyang upuan ang pamilya nila, at kasama ako doon.
"Hija, anong plano mo pagkatapos ng graduation mo?" tanong ni Ma'am Maqi habang inaasikaso ang maliit pang mga kapatid ni Greyson.
"Gusto ko po sana na mag-take ng board exam, tapos plano ko po na magturo sa probinsya na kulang po ang mga guro."
Akmang mag-re-react si Greyson ay tumikhim ako kaya natigilan siya at nilagok ang tubig niya at pagkatapos ay padarag niyang binaba iyon sa lamesa.
"Baby, are you mad?" tanong ni Ma'am Maqi sa kanya. Ramdam kong tumingin siya sa akin bago sa Mommy niya.
"I'm not mad, Mom. And don't call me baby, please." halong banas at nagpipigil ang boses ni Greyson.
Tinikman ko ang lutong fish fillet at ngumuya, napatango ako dahil masarap.
"Bakit? Matagal na kitang tinatawag na 'baby', ah?" may pagtataka pero natatawa na tanong ni Ma'am.
"Basta po, ayoko no'n, iba na lang ang itawag mo sa akin, Mom."
Naalala ko kung gaano kalabag sa loob ni Greyson ang nais ko upang magustuhan ko siya. Malabo naman na magustuhan ko siya dahil wala sa kanya ang katangian na magugustuhan ko, pero kung ang pagpabor sa akin ng sitwasyon ang magiging dahilan para hindi na niya ako higpitan ng tali sa leeg ay gagawin ko hanggang sa makatapos lang ako at makalayo.
Alam ko na masamang maglaro ng damdamin ng iba, pero tiyak naman ako na hindi malalim ang pagkagusto niya sa akin. Tingin ko nga ay malabo na ang mata niya para magustuhan ako. Ang pangit ko kaya, ordinary face, ordinary girl. Wala sa mga type na kagaya niyang lalake na mamahalin ako.
Kinuha ko ang notes at book ko upang gumawa ng home work. Nakabalik na naman ako sa EU kaya kung ano ang aralin doon ay iyon ang pinag-aaralan ko. Alam ko na sayang ang effort ni Lincoln, pero hindi na ako p'wedeng bumalik doon dahil tiyak na ako naman ang ibu-bully nila Emilyn dahil sa nasaksihan nila ang pagitan ko at ni Greyson.
Suot ko ang jacket na pink ni Cienti, yakap-yakap ko ang notes at book ko ng maisipan kong gumawa ng homework sa nakita kong kubo sa garden.
Hindi ko na mahagilap ang mga tao sa bahay pagkatapos ng hapunan. Sa laki ng bahay ay hindi na rin halos magkakitaan ang may-ari. Kasambahay at minsan sila Cienti lang ang nakikita ko, pwera kay Greyson, syempre, katabing kwarto ko lang siya.
Paglabas ko ay nakarinig ako ng tunog ng pagtalbog ng bola. Napatingin ako sa kabilang side ng bahay kung nasaan ang court at kung saan din naroroon ang kubo, at nakita ko na si Greyson iyong nasa court na tumalon para i-shoot ang bola sa ring.
Napatingin siya sa akin kaya agad akong umiwas at nagmadaling maglakad para lagpasan siya, pero napa 'ack' ako ng hawakan niya ang hood jacket na suot ko at napabalik ako ng ilang hakbang ng hatakin niya iyon.
"Where are you going?" tanong niya na mariin.
Humarap ako sa kanya at kung dati ay halos mahawakan niya lang ako ay natatakot na ako sa kanya, ngayon ay parang kampante na ako.
"Rule number 4?"
Rule number 4: bawal maging demanding sa pagtatanong kung saan ako pupunta at kung sino ang kasama ko.
Tumikom ang bibig niya tila ba nagtitimpi siya at nais ng sumabog, pero napahinga siya ng malalim.
"I just want to know, okay?"
Nilagay niya sa ulo ko ang hood ng jacket habang nakaipit sa baywang niya at braso ang bola. Pawisan siya kaya basa ang dulo ng buhok niya. Gwapo pa rin siya at hindi amoy pawis, dahil amoy ko pa rin ang bango niya.
"D'yan lang sa kubo, gagawa ng home work."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis na agad ako sa harap nya. Nilingon ko siya at nakita ko na nakatayo lang siya tila ba may iniisip.
Umiling ako at hindi na siya pinansin pa. Tumingin ako sa loob ng kubo at bawat paligid nito ay may christmas light. Malapit na ang pasko at damang-dama ko ito sa bahay ng mga Esteban.
Napakabuti ng mag-asawa sa akin, kaya naman nais ko na makabawi ngunit hindi ko alam kung saang paraan? Siguro kapag nakapagtapos ako at makahanap ng trabaho bilang guro, aalis na ako rito. Tapos kapag kailangan nila ng tulong ko ay syempre agad kong pauunlakan. Saka nakakahiya naman kung mag-stay ako rito ng matagal.
Napabuntonghininga ako at sinimulan nang gawin ang home work ko. Mabusisi at talagang inulit-ulit ko para tama ang lahat ng ginawa ko. Napahikab ako at pinatong ko ang pisngi ko sa palad ko habang pinipilit na magising habang ginagawa ko na lang ang isang sasagutan at rereviewhin ko. Pero parang hindi ko rin kaya dahil kusa ang mga mata ko ang bumubukas sara.
May mainit na nakalapat sa labi ko pero hindi ko na pinansin iyon hanggang sa maginhawaan ang katawan ko dahil sa malambot na pagkakalapat ng likod ko sa kinahigaan ko.
Dahil sa antok ay hindi ko alam ang nangyari. Nagising ako na natataranta na bumangon. Napahawak ako sa ulo ko at nilibot ko ang tingin. Narito ako sa kwarto kung saan ako nakalaan matulog.
Paanong nakapunta ako rito? Naalala ko nasa kubo ako at gumagawa ng home work. Home work? Gosh! Oo nga pala!
Agad na nilibot ko ang tingin sa kwarto at nakita ko ang notes at books ko na nakapatong sa side table..
Agad na inabot ko iyon at tinignan kung hanggang saan natapos ang sinasagutan ko. Gosh! Kailangan ko pa tuloy magmadali dahil may isa pa akong hindi natatapos, alam ko.
Pero pagbuklat ko ng notes ko ay meron ng gumawa no'n. Napakuno't noo ako habang naguguluhan.
Nasagutan ko ba ito bago ako makatulog? Saka, paano ako nakarating ng room kung hindi ko maalala? Nahihibang ba ako habang naglalakad?
Napailing ako at napaisip, pero napatingin ako sa pader ng biglang bumukas iyon. Naningkit ang mata ko na tumingin sa salarin na iyon.
"Rule number eight?"
Rule 8; bawal pumasok ng kwarto ng walang pahintulot ko. At bawal buksan ng kusa ang pader lalo na't walang pahintulot ko pa rin.
"Tsk, I just want to wake you up, but you're now awake, so I go back to my room now." anas niya at agad na bumalik sa room niya.
Napailing ako pero napangiti rin dahil napapansin ko na masyadong masunurin at tila nagbabago na si Greyson. Hindi ko akalain na susundin niya ang mga rules na ginawa ko, pero at least, ngayon, nakatulong iyon para naman hindi ako natatakot sa pagiging barumbado niya.
"Hija, nakita ko na tila nawawala na ang pagiging bugnutin ni Greyson. Salamat sa 'yo."
Pagkatapos namin mag-agahan ay inakay ako ni Ma'am Maqi para makausap. Hindi ko naman akalain na dahil sa pagbabago pala ng anak niya ang dahilan kaya nais niya akong makausap.
"Naku, hindi po dahil sa akin iyon... Siguro po ay dahil nagsawa lang siya, hehe.." napakamot ako ng ulo habang nahihiya rito ng ngumiti ito.
"Hindi naman magsisinungaling sa akin ang anak ko ng sabihin niya na ikaw ang dahilan. May rules daw kayo."
Napaubo naman ako at tila nag-init ang pisngi ko. Napahalakhak si Ma'am tila natuwa sa reaksyon ko.
God. Lahat ba ng ginagawa at pinag-uusapan namin ay ikunukwento niya sa Mommy niya?
Parang gusto kong sumabog sa kahihiyan dahil naalala ko na baka 'yung first, second, at third kiss namin ay kinukwento pa niya.
"'Wag ka na mahiya sa akin, Hija. Ugali lang talaga ni Greyson iyon dahil nakasanayan niya. Pero 'wag kang mag-alala, konti lang ang naikwento niya."
Napatakip ng bibig Ma'am Maqi at mahinhin na humagikgik habang may tingin na mapanukso.
Alanganin akong ngumiti pero sa loob ko ay sasabog na ako sa kahihiyan.
"What's the problem?" tanong ni Greyson habang panaka-naka ang tingin sa akin at binabalik rin sa daan ang mata.
Umiling ako habang nakatingin lang sa daan. Gusto ko siyang bambuhin ng hampas. I wish I can do that to him.
Napabuntonghininga ako pero gulat na napatingin ako kay Greyson ng kunin niya ang kaliwa kong kamay at hinawakan niya iyon ng mahigpit. Kumabog ang dibdib ko at nais kong kuhain ang kamay ko ngunit napakahigpit ang hawak niya.
"Your hand is so warm...." aniya at sumulyap sa akin habang may kakaibang ngiti sa labi niya, "And even your lips are warm." dagdag niya na kinainit ata ng pisngi ko habang kumakabog ang dibdib ko.
Ano 'to? Bakit kinakabahan ako? At anong ibig niyang sabihin?
"R-rule number two.." nanginginig kong banta sa kanya.
Rule #2: Bawal humawak, magnakaw ng halik, at higit pa roon ang gagawin mo. Lalo na kapag walang pahintulot ko.
"Okay.." ngiting-ngiti siya at binitawan ang kamay ko. Pinatong naman niya ang kaliwang siko niya sa bintana sa gilid niya habang napahawak ang kamay niya sa labi niya at hinahaplos iyon na may ngiting kakaiba sa labi niya.
Pakiramdam ko may kababalaghan siyang ginawa sa akin ng hindi ko nalalaman. Nasisiraan na tuloy ako ng ulo sa kakaisip kung ano 'yun.
"Juliet, mabuti naman at bumalik ka na." bungad ni Nika ng makaupo ako sa dati kong upuan sa room.
"Mabuti nga at maayos na rin ang buhay ko na walang nagmamando." bulong ko.
"Kayo na ba talaga ni Greyson?" tanong niya.
Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Nakangiti siya pero kita ko ang lungkot sa mata niya.
"Ano bang tanong 'yan? Bakit naman ako magkakagusto do'n." natawa ako at napailing sa kanya.
"Akala ko ay kayo na. Kapag nangyari iyon ay baka hindi na kami makalapit sa 'yo." nakangiti na siya at nawala ang lungkot sa mata niya kaya tumango ako sa kanya at ngumiti.
I sense that Nika is good at hiding her true self. At back of her big eye glasses, I know that there's something that she's hiding but I cannot find out what it is.
Dumating na ang professor namin, kaya nagtuloy-tuloy ang maayos na pag-aaral na wala ng bumabagabag sa akin.
"Ano sa'yo, Juliet?" tanong ni Nancy.
"Kahit ano na lang." nahihiya ako dahil ililibre niya pa ako, pero mapilit siya kaya no choice ako. Masama ding tumanggi sa grasya.
Umalis na silang tatlo kaya napalumbaba ako at tumapik-tapik ang daliri ko sa lamesa. Pero napaidtad ako at halos atakihin ako sa gulat ng may biglang padarag na humampas sa table ko.
Pagtingin ko ay si Greyson iyon na nakapatong ang dalawang kamay sa lamesa habang nakatitig siya sa akin at kita ko ang paglunok niya habang namumula ang tenga at leeg niya.
"Lumabas tayo mamaya! No more buts. I fetch you before your class."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang umalis. Napakurap-kurap pa ako pero nagising lang ako ng magwala ang mga kababaihan, lalo na ang mga babaeng patay na patay kay Greyson.
Tama ba ang narinig ko? Niyaya niya ako ng date? At talagang pinagsigawan niya pa sa lahat?
Aist! Naman!
Nakasimangot ako at naiinis habang sabay kaming lumalakad sa hallway na pinagtitinginan pa ng mga estudyante. Alam na ata ng buong campus ang date naming ito kaya para tuloy kaming na-broadcast at todo kuha pa ng litrato ang iba.
"Get in." aniya ng makarating kami sa harap ng kotse niya.
Humalukipkip ako at umiling kaya nagsalubong ang kilay niya.
"Kung gusto mo ng date, gusto ko rin na mag-commute tayo."
Lalong sumalubong ang kilay niya at padarag na sinara niya ang pinto. Tinignan ko siya na ambang aangal pero napasipa na lang siya sa maliliit na bato bago napagulo sa buhok niya.
"Fine, fine, you win this time. But I picked the venue of our date." ani niya, kaya tumango ako.
Subukan natin ang tibay mo. Tignan natin kung talagang pursigido kang gustuhin pa ako. Gusto kong makita kung hanggang saan ang pasensya mo.
Nagpahatid lang kami kay Jason sa sakayan ng bus. Ang loko, may baon na leather jacket at white shirt tila pinagplanuhan niya talaga. Samantalang ako ay nakasuot ng uniporme ng school, dala ko pa naman ang bag na itim na pinaglalagyan ng ilang aklat.
"Let me, geez." aniya at inagaw sa akin ang bag na bitbit ko, "Sabi ko kasi na iwan mo na sa kotse, tigas din ng ulo mo." bulong-bulong niya na abot naman sa pandinig ko.
Hindi na ako nakapagsalita dahil humakbang na siya ng may humintong bus. Dahil punuan kaya nakatayo kami. Kita kong hindi siya komportable at tila nababanas siya.
Napakagat ako ng labi. Dapat pala ay hindi ko na lang sinuggest na mag-bus kami. Baka mamaya ay mang-away pa ito rito, nakakahiya naman.
Nakasandal ako sa upuan ng bigla niyang iharang ang dalawang kamay sa gilid ko kaya napatingala ako sa kanya. Pero nakatingin lang siya sa mga taong nakatayo din tila sinusundan niya ang bawat galaw ng mga ito.
His badboy messy hair, his black diamond earring, his mole, his sharp eyes, his long narrow nose, and his killer lips makes him more attrative in any way.
Napayuko ako ng ambang titingin siya sa akin. Kinakabahan ako sa pagkalapit niya. Amoy ko rin ang brand ng mamahalin at mabango niyang pabango na masarap singhutin na parang ang tagal ng buhay no'n sa katawan niya.
"This is so f*****g shit." aniya dahil kada may sasakay ay syempre sumisikip kaya mas lalo niya akong kinulong para 'wag lang madikitan.
Napalunok ako ng sumubsob na ang mukha ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang katigasan at masel doon, at parang mas nakakailang lalo sa part ko dahil ang magkasiklop kong kamay ay tila mali ang pwesto kaya agad kong tinaas.
Gosh, hindi ko na ma-take ang sobrang dikit namin kaya naman inaya ko na siya na bumaba.
"Wala pa tayo sa pupuntahan natin." reklamo niya ng makababa kami ng bus.
"Okay lang, may tiyak na kainan naman rito sa malapit."
Hindi ako lumilingon sa kanya dahil hanggang ngayon ay nanginginig ang kamay ko na tila nagkasala.
"Make sure of that or else...you're f*****g dead." banta niya.
"Rule number one." banggit ko.
Rule no. 1: Bawal magbanta at bawal gawin ang nais na may pagbabanta.
"Fine! Fine!" banas niyang wika kaya napangiti ako ng lihim.
Tumingin ako sa kalsadang nilalakaran namin at nakakita ako ng fishball cart.
"Alam ko na, nakakita na ako." bulalas ko.
"Where?" tanong niya na nakakuno't ang noo.
Ngumiti ako at hinawakan ko siya sa braso upang hatakin. Nagpahatak naman siya kaya tinungo namin ang fishball vendor.
"Manong, tig sampo nga po ng fishball at limang pisong kikiam."
"Wait." hinatak niya ang braso ko upang iharap ako sa kanya kaya sa kanya ako napatingin, "Where's the restaurant?" tanong niya na nalilito.
Sinenyasan ko ang likod kong fishball cart kaya halos hindi siya makapaniwala.
"No, I can't eat that." umiling-iling siya at umalis kaya inismiran ko ito. Humarap ako sa vendor at tinignan ang order ko.
"Kuya, pa-order din ng dalawang vanilla juice. Sarapan mo ng magustuhan ng maarteng iyon." sabi ko.
"Okay, Ma'am, tiyak akong mapapaulit siya sa sarap."
Napailing ako at napangiti. Tinignan ko kung saan nagpunta si Greyson at nakita kong naupo siya sa isa sa mga bench sa parkeng nababaan namin.
Nakahalukipkip siya at naka-cross legs ang mahahabang legs niya habang nakatingala sa langit at nakapikit ang mga mata.
Para siyang hari na nakaupo sa trono at kapag ganyan siya ay parang ang ganda ng awra niya. Kita ko ang pagdaan ng dalawang dalaga na napatingin sa kanya at kinikilig. Kaya napadilat si Greyson at tinignan ang dalawa.
Nakita kong tinignan niya ang mga ito ng masama kaya nagkupasan ng takbo ang dalawa kaya napailing ako. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay agad akong umiwas.
"Okay na ba 'to?" tanong ko sa vendor.
"Oo, Ma'am. Heto ang vanilla niyo, bale singkwenta lahat."
Tumango ako at nilabas ko ang pitaka ko sa bulsa. Kumuha ako ng singkwenta. Ito ang huli kong ipon at hindi pa ako nakakapasok sa GSE Estate Empire company kaya wala akong sahod. Nangangamba nga ako na baka tinanggal na ako. Halos isang linggo na akong absent, kaya kailangan na dumaan ako doon upang malaman kung tatanggapin pa ba nila ako.
"Heto.." nilahad ko sa kanya ang isang basong plastic ng fishball na may kahalong kikiam.
"I can't eat that, it's gross." aniya.
"Okay, ayaw mo, akin na lang. Sarap kaya nito, mainit-init pa."
Sumubo ako at talagang sinarapan ko ang kain para matakam siya. Nakakatatlong fishball na ako ng palihim ko siyang tinignan. Napapalunok siya habang nakatingin bibig ko.
"Okay, I try this." aniya at tinuro ang isang fishball kaya tumango ako.
Tinignan ko siya na hawak ang stick ng fishball at tinusok nyya. Talagang pinagmasdan pa niya bawat angulo at itsura ng fishball. Napahinga siya ng malalim at maliit na kumagat sa dulo ng fishball.
"Isubo mo ng buo. Paano mo malalasahan kung hindi mo kakainin lahat?"
Tumaas-baba ang adams apple niya at tila ba it's between dead or alive ang peg niya.
Sinubo niya lahat at marahang nginuya. Napapaisip pa syya habang nginunguya. Nag-iba ang reaksyon niya at sumubo muli siya kaya napangiti ako.
Ayaw niya daw, ha? E, sunod-sunod na ang pagsubo niya.
"Ano, masarap ba?" tanong ko ng maubos na niya at ininom niya ang vanilla juice.
"Yeah.." tugon niya ng makainom siya at nag-unat ng braso niya.
Napangiti ako at ininom rin ang akin bago ako tumayo upang itapon sa pinakamalapit na basurahan ang pinagkainan namin. Napatingin ako sa braso ko ng may pumatak na basa.. Napatingala ako sa kalangitan at nakita ko na malaki na agad ang butil ng patak ng ulan kaya agad akong bumalik kay Greyson.
Patay! Malayo pa kami sa sakayan at wala pa kaming payong na dala.
"Tara na, maghanap tayo ng silungan." aya ko sa kanya.
Bumuhos na ang tuloy-tuloy na pagpatak ng ulan, kaya napahawak ako sa ulo ko na animo'y mapoprotektahan ako no'n. Hinila niya ako kaya napasunod ako sa kanya. Basa na kami dahil mas lumakas pa ang ulan.
Walang silungan sa parke kaya tinakbo namin ang daan baka sakaling makakita ng magandang silungan.
"Doon!" aniya at hinatak ako ng makakita siya ng isang sirang food stall kubo na sira ang manipis na kawayan na pader, pero buo pa naman ang kinakalawang na bubong.
Agad na pinagpagpag ko ang basang braso ko at piniga ko ang buhok. Maging ang uniform ko ay basa kaya giniginaw tuloy ako.
Tinignan ko ang langit at napakadilim na agad dulot ng ulan. Tila matatagalan kami rito.
"Tsk, this is your fault." sisi niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya.
"Hindi ko naman alam na uulan, kaya 'wag mo akong sisihin."
Hindi na siya nagsalita at nakatingala na siya sa langit. Niyakap ko na lang ang braso ko at hinaplos para makakuha kahit saglit ng init.
Naku, kung hindi sa nais kong mag-commute, baka nasa magandang kainan kami at hindi nababasa. Aist!
Bigla naman akong natigilan at napatakip ako ng bibig ko ng maramdaman ko siya sa likod ko. Aalis sana ako ngunit pinaloob niya ako sa suot niyang leather jacket. Sa tangkad niya at may kaluwagan ang jacket niya ay hindi ko akalain na kasya ako doon.
"Stay. Mas lalo kang lalamigin kung hindi ko gagawin ito." nanghihina na bulong niya at mas kinulong ako sa loob ng jacket niya.
Halos hindi ako makahinga at ramdam ko ang katawan niya sa akin. Para na rin niya akong yakap habang nakahawak siya sa dulo ng jacket niya na kumukulong sa akin. Inaamin ko na nakatulong ang init ng jacket niya at init ng katawan niya, pero sobra akong naiilang dahil sobra ang dikit namin.
Kapag konting galaw ko ay parang mas lalo niya akong pinapaloob sa jacket niya. Ramdam ko ang baba niya sa ulo ko kaya nga kapag katabi ko siya ay parang bata ako sa kaliitan ko kumpara sa katangkaran niya.
"I think, the rain is a blessing in disguise." bulong niya.