KABANATA 9

3391 Words
Hindi ko alam kung disappointed ba siya dahil saglit lang ang naging date namin o ano? Dere-deretso kasi ang pag-akyat niya sa taas at kanina ay wala siyang imik habang nagda-drive pauwi. Himala nga at hindi mapilit si Greyson, hindi tulad dati. Nakiba't balikat na lang ako at hinubad ang basang black shoes ko. Kailangan ko pa itong patiyuin agad dahil wala akong gagamitin bukas sa pagpasok ko. Sobrang tahimik ng bahay. Nilibot ko ang tingin at walang naglisawan. Paakyat na sana ako ng hagdan ng mapatingin ako sa mga kasambahay. "Oh Juliet, nariyan ka na pala... Kasama mo rin ba sa pag-uwi si Master GM?" tanong ni Moshi-moshi. Mukha kasi siyang japanese pero mataba. Actually, Mory ang pangalan niya. "Oo, kasama ko si Demo---I mean si Greyson.. Pero bakit mo natanong?" Bumaba ako at hinarap siya upang matanong rin kung nasaan ang pamilya ni Greyson. "May kailangan kasing puntahan sila Ma'am at Sir, kasama na rin ang mga batang kapatid ni Master GM." aniya kaya mas naguluhan ako dahil bakit may dala din silang bag? "Ah, kasama din kasi kami dahil kailangan kami sa pupuntahan nila Ma'am. Kaya kayo muna ni Master GM ang maiiwan rito." Nabasa niya ang naiisip ko kaya hindi na niya ako hinayaang magsalita pa, maging ang pagtutol ay inunahan na ako. "Sige na, kaya mo 'yan." aniya at humahagikgik sila ng kapwa co-workers niya bago umalis. Napailing ako at wala na rin magawa dahil sabi nga, kailangan daw sila ni Ma'am. Pero ang maiwan mag-isa kasama si Demonyo ay sobrang delikado. Bahala na, kailangan lang ng matinding lakas ng loob. Tsaka kailangan ko nga palang dumaan sa GSE company. Nagdadalawang isip pa ako kung kakatuking ko ba si Greyson o hindi na? Napahinga ako ng malalim at umiling. 'Wag na nga baka kapag sinabi ko ay sumama pa iyon, nakakahiya sa mga co-workers ko at baka magtanong pa ang mga iyon at iba ang isipin. Umalis na lang ako ng mansyon nila. Siguro, kaya naman no'n ang mapag-isa. "Oh Juliet, long time no see." bungad ni Manong Rowel na isang security guard ng GSE. "Oo nga po, napahaba ang bakasyon ko." Napailing syya at natawa sa sinabi ko. Alam niya kasi ang ibig sabihin ko. "Tila asensado ka na kaya hindi ka na pumapasok, ha?" Inismiran ko siya at nag-log in sa log book niya bilang visitors. "Hindi, ah.. Nagkaroon lang ng major-major problem." Napangiti siya at napailing, "Sige na, tignan mo kung may trabaho ka pang aabutan." Natawa na lang ako sa sinabi niya at lumakad na nga papasok gaya ng sabi niya. Marami akong nakakasalubong na mga empleyado ng GSE. Ang matataas, syempre hindi nila ako kilala at gaya sa eskwelahan ay dinadaan-daanan lang. "Hi, Pretty, gorgeous, and oh-so-sexy, Ma'am Beth." Nakaupo sa kanyang swivel chair ang manager naming si Ma'am Beth ng maabutan ko. Mataba siya at masungit. "'Wag mo akong dinadaan sa ganyan, Julieta. At bakit narito ka ngayon? Sa monday ka na pumasok." Akala ko ay tatanungin niya ako kung bakit ako absent at kung bakit narito pa ako, dapat ay tanggal na ako. Pero anong nakain nito at sa monday pa ako pinapapasok? "Huh? Anong pong sabi niyo, Ma'am?" Tinignan niya ako habang inaayos niya ang hawak niyang papel. "Sabi ko sa monday ka na pumasok. Sige na, umalis ka na at marami pa akong gagawin. At ang sahod mo ay heto nga pala." Hindi ko alam kung nanaginip ba ako o talagang totoong nangyayari ito? Napatingin ako sa sobre na laman ay sahod ko raw. Eh, higit pa sa sahod ko ang natanggap ko. Dapat nga ay bawas na ito dahil ang tagal kong um-absent. Nagbago na ba ang sahuran ngayon? Double na ba ang sahod ng mga janitres? "Juliet, ano, hindi ka pa tanggal?" tanong ni Manong Rowel ng makita ako paglabas. "Hindi pa, Manong. Ang pinagtataka ko nga po ay sa monday na daw po ako pumasok." Natawa si Manong, "Ayaw mo no'n, hindi ka na tanggal, may bakasyon ka pa ng ilang araw." aniya. Umiling na lang ako, "Sige ho, mauna na ako at baka gabihin pa ako lalo sa daan." "Sige, ingat!" Kumaway na lang ako at naglakad na palayo sa building. Dahil may pera naman ako ay sumakay na ako ng tricycle patungo sa bahay nila Greyson. Hanggang gate lang ako dahil bawal magpapasok ng tricycle sa loob. Alas nuebe na at nagugutom na ako. Hindi pa naman kami kumakain ni Greyson. Fishball lang ang nakain namin. Ginabi pa kami sa uwi dahil nagpatila pa kami ng ulan, tapos deretso uwi na. Pagbalik ko sa mansyon ay sobrang tahimik na talaga. Hindi pa kaya bumababa si Greyson? Himala naman ata na hindi ako no'n hinahanap? Tinungo ko ang kusina upang tignan kung may pagkain. Nakakahiya man ay talagang kakainin ko na ang makikita ko. Bago ko buksan ang refrigerator ay may sticky note na nakadikit sa pinto kaya kinuha ko. Galing kay Ma'qm Maqi. May pangalan niyang nakapaskil. Ma'am Maqi: Juliet, iinit mo na lang ang kakainin niyo ni Greyson hanggang sa kinabukasan. At oo nga pala, ikaw na lang ang kumain ng seafood na niluto ko. Bawal kasi kay Greyson ang seafood or any fish related. May allergy siya doon. Salamat!! Napatango naman ako at napangiti dahil ang bait talaga ni Ma'am Maqi. Kinuha ko ang mga nakalagay sa plastic container na mga niluto niyang pagkain. Pagbukas ko ay ang sasarap ng mga lutong pagkain. May pork, fish, seafood, at chicken. Sayang, bakit naman allergic pa sa fish si Demonyo? Ang sarap pa naman ng isda at hipon na niluto. Ininit ko na ang mga ulam at nilagay ko sa dinning table. Nang ayos na at maging ang bagong saing na kain ay nilapag ko sa lamesa. Inalis ko ang apron sa katawan ko at naupo. Pero napatingin ako sa labas ng pinto ng dinning area dahil iniisip ko kung tatawagin ko ba si Greyson o 'wag na? Pero baka naman sabihin ang sama ko. Nakikikain na nga lang ako, tapos 'yung anak ng may-ari pa ang hindi ko papakainin. Ano kaya ang nangyari doon? Ilang oras na siyang nakakulong sa kwarto. Pag-akyat ko ay tinungo ko ang pinto ng kwarto niya. Huminga ako ng malalim at kumatok. "Demonyo---este Greyson! Nakahain na! Kakain na!" Ilang beses ko pang kinatok ang pinto niya pero hindi niya binubuksan. Tinapat ko ang tenga ko sa pinto, pero wala akong naririnig na ano mang kaluskos. Natutulog kaya siya? Nakiba't-balikat ako at tumalikod na. Baka tulog. Mamaya ko na lang ulit siya tatawagin. At least hindi kami magkakasabay kumain. Humakbang na ako paalis ng may biglang napagtanto ako. Napatakip ako ng bibig ng maalala ko. Omg! 'Yung fishball! s**t! Agad kong binuksan ang pinto at kabadong nilibot ko ang tingin hanggang sa mapadako ang mata ko sa kama. Napabuka ang bibig ko ng makita ko siyang nakahiga sa kama. Shirtless at suot lamang ang hindi natanggal na slacks na suot niya. Nakabukas kasi ang butones kaya kita ko ang suot niyang boxer. Napalunok ako at napatakip ng mata ng makita ang oh-so-wet and shining shimmering burning abs niya. Pawisan ang katawan niya at maging ang noo. Lumapit ako ng dahan-dahan habang hindi makatingin sa kanya. Nanginginig ang kamay ko na mabilis na niyuyog siya ng isang beses. "Demonyo, gising na.." Umungot siya kaya naalis ang kamay ko sa pagkakatakip sa mata ko. Nabahala naman ako at napatingin sa mukha niya. Nilapat ko ang kamay ko sa noo nyya at napasinghap ako dahil ang init niya. Naku, anong gagawin ko? Nilalagnat siya! "G-Greyson.." mahinang niyugyog ko siya upang magising pero tila hindi niya kaya. Napaisip ako at agad na bumaba upang ikuha siya ng maligamgam na tubig. Hindi ako mapakali dahil ngayon lang ako mag-aalaga ng may sakit. Wala naman akong number ni Ma'am Maqi o ni Sir Gab. Maging ang kay Cienti ay nakalimutan kong hingin. Napahinga ako ng malalim at dinala ang isang palanggana ng maligamgam na tubig. Pag-akyat ko sa kwarto ni Greyson ay gano'n pa rin ang ayos niya. Naiilang ako sa katawan niya dahil masyadong nakakasilaw. Lumunok ako at nilapag ang palanggana sa side table. Binabad ko doon ang nakuha kong bimpo at piniga pagkatapos. Sabi ni Mama noon, upang mabawasan ang init na nararamdaman ng isang taong may sakit ay dapat na dampian ng maligamgam na tubig ang noo, punasan ang mukha, at maging ang katawan. Kaya gano'n ang ginawa ko kahit napakahirap punasan ang katawan niya dahil parang nanginginig ang kamay ko sa matigas niyang katawan. Bumaba ang kamay kong hawak ang bimpo sa tiyan niya. Napaiwas ako ng tingin habang kinakapa kung saan ko siya pinupunasan. Napaidtad ako at agad na napatayo ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Habol ko ang hininga ko dahil nagpipigil na pala ako ng hininga. Nakapikit pa rin siya at gumalaw lang ng kaunti. Napahawak ako sa noo ko at umiling-iling. Aatakihin ata ako sa puso dahil ang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba. Relax lang, Juliet. Katawan lang 'yan. "Greyson, saglit lang, ipagluluto kita ng mainit na makakain." Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya kahit naman malabong sumagot pa siya. Bumaba na ako at tinungo muli ang kusina. Naghanap ako ng p'wedeng lutuin, at mabuti palaging maraming stocks ang bahay na ito. Swerte ni Greyson, siya ang unang makakatikim ng luto kong lugaw. Pumikit ako at dinasalan ito na sana ay magpakabait na ng tuluyan si Greyson. Sana ay 'wag ng bumalik ang dati niyang ugali. "Ayan, okay na 'to." Binitbit ko na ang tray na laman ay 'yung isang mangkok ng lugaw, tubig, at gamot. Pag-akyat ko muli at nang matapat muli ako sa room niya ay humugot ako ng maraming hangin bago tinatagan ang loob ko. Kaya ko 'to. 'Wag na dapat akong tumingin sa nakakasala niyang katawan. Pinihit ko ang seradura habang hawak ng isang kamay ko ang tray. Pumasok ako habang nakaiwas ang paningin ko sa katawan niya pero hindi talaga maiiwasan dahil masyadong pansinin. Pagkalapag ko ng tray sa table ay agad kong inabot ang kumot niya sa paanan niya at kinumutan ko ang katawan niya na kinahinga ko na ng maluwag. "Greyson, kainin mo muna 'to.." Hindi siya kumibo kaya medyo lumapit pa ako at kinapa ko ang leeg niya. Mainit pa rin pero hindi na katulad kanina. "Greyson, gising na.." Mahinang niyugyog ko ang braso niya, at nakita ko na unti-unti siyang dumilat kaya medyo dumistansya ako. "N-nagluto ako ng lugaw. Kainin mo muna." Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan sa pagdilat ng mata niya. Mapungay ang mata niya dahil siguro sa sakit. "I-I don't need that.." aniya at pumikit muli siya kaya napahinga ako ng malalim at umusok ang ilong ko dahil may sakit na nga siya ay napakaantipatiko pa niya. Anong akala niya, porket hindi luto ng mommy niya ay hindi na masarap? Aist! "Kailangan mo itong kainin para gumaling ka." Sinipa niya ang kumot kaya agad akong umiwas ng tingin dahil lumitaw na naman ang wet and burning abs niya. "Geez, I-I said, I don't need that." Aba! May sakit na, barumbado pa! "Okay, kung ayaw mo nito, paano ka gagaling? Baka mamaya ay bumalik na ang pamilya mo at baka mamaya ay mapagalitan ako dahil sa akin kaya ka nagkasakit." Dumilat siyang muli kaya napalunok ako ng tumingin siya sa akin ng kakaiba. Medyo umusog siya upang makaupo ng kaunti. Sinenyasan niya ako gamit ng daliri niya. "Huh?" Sinenyasan niya lang ako habang pumupungay ang tingin niya. Kaya naman kahit alangan ay dahan-dahan akong lumapit sa gilid ng kama niya. "A-ano?" "L-lumapit ka pa.." paos niyang utos kaya naman lumapit pa ako. "A-ano?" Tumitig siya sa mga mata ko ng seryoso at nakita ko ang kakaibang tingin niya. Nanlaki ang mata ko at napasinghap ako ng bigla niyang hablutin ang batok at baywang ko. Nalaman ko na lang na nakahiga ako sa kama niya habang nakatunghay siya sa akin. Sinakop niya ang labi ko kaya para akong nanigas sa kinahihigaan ko habang naliliyo sa klase ng halik niya. Humawak ako sa dibdib niya at para akong napapaso. Hawak niya ang mukha ko habang mabilis ang halik niya kaya halos para akong nalulunod. Tinulak ko siya pero mas lalo lang humigpit at dumagan sa akin ang kalahati ng katawan niya habang mas naging agresibo na ang halik niya. Nanghihina ako at para akong mauubusan ng hininga. Kinuha niya ang kumot at tinakip sa amin habang patuloy ang pagsiil niya ng halik sa labi ko. Bumitaw ako pero dahil hawak niya ang gilid ng mukha ko ay nahabol niya ang labi ko. Ano 'to? Bakit parang umiinit rin ang pakiramdam ko? Para akong nasa kawali na parang pinapakuluan. Hindi ako makaiwas at hindi gumagana ang isip ko kung paano makakatakas sa mainit na tubig na kumukulo. Kinagat niya ang labi ko kaya napabuka ang bibig ko sa sakit. Napahalinghing ako ng maramdaman ko ang dila niya sa loob ng bibig ko. Tinulak ko siya kaya napalayo ang labi niya. Hingal na hingal ako habang nakatingin sa kanya na ngayon ay nakadilat at napatingin sa akin na mainit. Mainit na tingin, kasing init ng katawan niya. "R-rule n-number 2.." Hindi natinag ang tingin niya sa akin at muling sinakop ang labi ko ng mapang-angkin. Humawak ako sa dibdib niya upang itulak syay pero mariing kinuha niya ang kamay ko at ni-lock sa mga kamay niya habang nasa magkabilang gilid ng ulo ko ang kamay namin. "W-wag...hmp!" Umiwas ako sa halik niya pero parang nakadikit ang labi niya sa labi ko habang todo siil siya sa labi ko. Nagpumiglas ako sa hawak niya pero masyado siyang matigas. Kumawala ang labi ko sa labi niya ng bumitaw siya. Hingal na hingal ako habang gulat na gulat. Bigla siyang napasubsob sa leeg ko at lumuwag ang hawak niya sa akin. Kaya naman agad ko siyang tinulak kaya napahiga siya at naalis na rin sa akin ang kumot. Agad akong nagmadaling bumaba. Hawak ko ang labi ko ng mapatingin ako sa kanya. Umungot siya at kita ko ang pagbigat ng hininga niya tila ba nahihirapan siyang huminga. "M-medicine.." ungot niya. Napatanga pa ako dahil hindi pa ako nagbabalik sa wisyon mula sa nangyaring halik. Para akong nanuno at nanigas sa kinatatayuan ko. "Ahh!" nakita kong napakamot siya sa balat niya kaya natauhan ako. "G-Greyson, a-anong nararamdaman mo?" "G-give my f*****g medicine!" naiinis niyang sigaw at tila siya hirap huminga kaya nataranta ako. Nilibot ko ang tingin ko habang hindi ko mapigilan na mataranta kung saan ko hahanapin ang gamot niya. Napatingin ako sa drawer ng side table kaya agad kong binuksan iyon. Nagmamadali na hinalungkat ko ang unang drawer, pero wala. Binuksan ko ang pangalawa at nakakita ako ng puting plastic na bote kaya agad kong kinuha iyon. Binasa ko ang nakasulat at ito na nga 'yung anti-allergy niya. "f**k! Bilis!" pagmamadali niya. "Oo! Heto na!" Natatarantang binuksan ko ang takip at kumuha ng isang tableta. Agad akong lumapit sa kanya at naupo sa gilid niya. Kinuha ko ang ulo niya kaya agad niyang hinawakan ang braso ko at sinubo ang pinasubo kong gamot niya. Binitawan niya ang kamay ko at napahinga siya ng malalim. Naalala ko ang tubig, baka hindi tumalab ang gamot niya kung hindi matutunaw agad. Napabuga ako ng hangin at agad na inayos siya ng higa. Umalis ako sa pagkakaupo sa tabi niya at tinignan siya. Naging maayos na ang paghinga niya at hindi na siya nagkakamot. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko pa rin ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung sa halik, sa taranta, o dahil sa takot na baka may masamang mangyari sa kanya dahil sa kagagawan ko. Napahinga ako ng malalim at inayos ang kumot niya. Napatingin ako sa mapula niyang labi pero agad akong napailing ng mag-replay sa utak ko kung paano sakupin ng labi niyang iyon ang labi ko Binitawan ko na ang kumot niya at aalis na sana ako ng magulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Dumilat siya. Akala ko ay tulog na ito. "Please, stay." paos niyang bulong. Pumikit muli siya at hindi binitawan ang kamay ko. "P-pero.." Hindi ko na nadugtungan ang sasabihin ko ng tuluyan ng bumigat ang paghinga niya tila nasa kalaliman na siya ng tulog. "Pero hindi pa ako kumakain, eh." 'yun sana ang sasabihin ko, pero ano pa ba ang magagawa ko? Hawak niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at hindi ko mapigilan na mapatitig sa mukha niya. Ano ba 'tong nakikita ko? Bakit parang ang gwapo niya sa paningin ko? Napahawak ako sa dibdib ko at bumilis na naman ito habang nakatingin sa kanya. Umiwas ako ng tingin at sinampal-sampal ko ang pisngi ko. "Hahaha! Ano ba 'yan! Bakit kasi nangyari pa ito? Tiyak na ako lang ang nakakaalala sa nangyaring halik." Tumingin ako muli kay Greyson at muling napabuntonghininga. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya at nakahinga ako ng maluwag. Naupo ako sa sahig sa gilid ng kama niya at sinandal ko ang likod ko sa side table. Tinignan ko siya para mabantayan. Baka bumalik muli ang pagsumpong ng allergy niya kaya dapat na bantayan ko siya. Pinatong ko ang siko ko sa tuhod ko at pumalumbaba ako na tinignan siya. Kapag ganito ay talagang nakakaantok, pero hindi ako p'wedeng matulog dahil baka mamaya ay sumpungin siya. Hinawakan ko ang talukap ng mata ko pero napabuga na lang ako ng hangin. Umusog ako ng kaunti sa kama niya at sinandal ko ang ulo ko doon. "Good night, Mr. Demonyo. Gumaling ka na agad dahil baka mamaya ay magalit sa akin ang Mommy mo kapag nalamang pinakain kita ng nakaka-allergic sa 'yo." Napangiti ako at sa pagpikit ng mata ko ay nakita ko muli ang mala-fairytale niyang paghalik sa akin. "You want my lips?" Nagsasalita si Greyson sa panaginip ko habang nakatingin siya akin. Nakasuot siya ng pang prinsipeng kasuotan, pero nagtaka ako ng biglang magpalit ang anyo niya. Ngumisi s6ya at sa isang iglap ay parang nasa umaapoy na kaming paligid. Bigla akong napadilat at napasinghap na nanlalaki ang mata ko na napaatras kahit wala na akong maatrasan. Nasa harap ko kasi si Greyson na nakaupo habang nakangising nakatingin sa akin. "Bakit ka ngumunguso? Napapanaginipan mo ako, ano?" tanong niya na tila ba dinedemonyo na naman siya. "A-ano bang pinagsasabi mo?" Umiwas ako ng mukha dahil pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko. God. Bakit ko ba napanaginipan na magiging prinsipe siya? P'wede pang si Lincoln, pero siya? Malabo pa sa mata ni Erion, Nancy, at Nika. Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang baba ko at iharap sa kanya. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin tila ba tuwang-tuwa ang mga mata niya. "What kind of kiss do you want? French kiss? Lip lock? Or Seductive kiss?" Napalunok ako at kinabahan sa sinabi niya. Nahigit ko ang hininga ko ng ilapit niya ang mukha sa akin. "R-rule n-number two.." nanginginig kong banta. Ngumisi siya at nilayo ang mukha niya sa akin kaya lihim akong nakahinga ng maluwag. Pero nanlaki ang mata ko ng biglang sakupin niya ang labi ko. "French kiss." aniya na saglit na binitawan ang labi ko at muling sinakop ang labi ko na ginagawa ang sinasabi niyang french kiss. Tinulak ko ang dibdib niya kaya napabitaw siya. Napangisi siya at dinilaan ang labi niya habang nakatitig sa akin. Tumaas-baba ang dibdib ko at agad akong napatayo. Tumakbo na agad ako palabas ng kwarto niya at napahawak ako sa labi ko habang ramdam ko ang ginawa niyang paghalik sa akin. Napapikit ako at napadaing ng bigla akong matisod. "Aist.." Naman! Ang sakit! Babangon sana ako ng magulat ako ng bigla akong lumutang. Napatingin ako sa bumuhat sa akin at nakita ko si Demonyo na ngumisi sa akin. "Kung madadapa ka lang at makikipaghalikan sa sahig, dapat sa akin ka na lang dumapa at nakipaghalikan. Hindi ka pa ata solve sa halik ko, gusto mo ba 'yung higit pa do'n?" "Bitawan mo ako!!!! Demonyo ka!!!" Hindi ko na talaga kaya ang ginagawa niya. Sumabog na ang dibdib ko at hindi ko na kaya ang kapilyuhan at kademonyohan niya! Humalakhak lang siya at binuhat ako pababa ng hagdan. Tila tuwang-tuwa pa siya ng mailabas ko ang galit ko. Ngayon lamang ako hindi nautal at ngayon ko lamang siya na sigawanan ng gano'n. "Nice. That's right, baby. Get mad at me. I like that attitude."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD