Kung yelo lang ako ay baka kanina pa ako tunaw. Nakakailang at halos gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko dahil sa pinaggagawa ni Greyson.
Merong assembly ang buong fourth year student para sa maagang discussion tungkol sa nalalapit na graduation. At dahil nakaupo ang mga low class like me sa bleacher, ang mga high class students like Greyson ang nasa comfortable at plastick chair nakaupo. Nakahalukipkip siya l habang nakabukakang nakaupo at kanina pa nakangisi habang nakatitig sa akin. Pinagtitinginan na nga ako ng mga katabi ko, maging 'yung mga nasa unahan ko, dahil tila pansin nila ang titig ni Greyson. Katabi ni Greyson ang grupo niyang mga hindi naman nakikinig at ngumingisi rin habang binubulungan ang demonyo nilang amo.
"Are we clear, students?"
Napukaw ako mula sa pagkalutang ng isip ng magsalita ang nasa stage. Dahil sa pagkailang sa titig ni Greyson ay wala akong natandaan sa sinabi nito. Sumagot ang mga low class maliban sa akin kaya halos gusto kong batukan ang sarili ko kung bakit ako nagpapaapekto sa titig ni Greyson.
Kasalanan niya kasi ito. Hanggang ngayon ay para akong lutang sa halik niya. At ang nakakainis ay hindi na niya sinusunod ang rules ko.
"Okay, this is the end of our discussion."
Nang i-anunsyo iyon ng tagapagsalita ay agaran na akong sumunod sa mga kaklase ko na bumaba ng bleacher. Pasimpleng tinignan ko ang gawi ni Greyson at nataranta na ako ng magtayuan rin sila kaya dali-dali akong nakisingit.
Nang makalabas ako ng gymnasium ay nakahinga ako ng maluwag. Habol-habol ko ang hininga ko at ramdam na ramdam ko ang takot. Hindi ko alam kung para saan ang takot ko? Pero alam ko na ang takot na ito ay para sa kakaiba kong nararamdaman.
"You're so fast, baby."
Nahigit ko ang hininga ko at natigilan ako sa pagpapahinga ko ng maramdaman ko ang pag-akbay ni Greyson sa akin. Pumalibot na rin ang mga grupo niya at ngumisi kaya para na naman akong nasa impyerno.
"I-I need to go.."
Napapikit ako at nais kong batukan ang sarili ko ng mautal ako, kaya napahalakhak sila Jason na parang mga siraulo.
"Tila takot pa rin sa 'yo, Boss. Binibigla mo ata, e." tukso ni Arvin na nakilala ko na rin ang pangalan, maging sina Erickson, Allan, at Jackson.
"Hindi na takot 'to, lumalaban na 'tong baby ko." anas ni Greyson at binaba ang labi sa tenga ko kaya naman nilayo ko ang mukha ko at hinawakan ko ang kamay niya para alisin ngunit masyadong mahigpit. Hinalikan niya ang tenga ko kaya nagpumiglas ako, "See.." napapahalakhak na dagdag niyang sabi sa pagpumiglas ko.
Nang makaalis ako ay agad akong lumayo sa kanya para sana umalis kaso hindi ko alam kung saan dadaanan dahil mga nakaharang ang mga damulag na mga siraulong grupo ni Greyson at mga nakangisi pa.
"Kita na lang mamaya sa rockwell, hatid ko lang ang baby ko."
Hinapit ako sa baywang ni Greyson kaya doon lang humawi ang grupo niya at pinadaan kami.
"Nasa rules ko na 'wag mo akong hahawakan. B-bakit nilalabag mo ang rules ko?"
Natawa siya kaya napatingin ako sa kanya habang pilit inaalis ang pagkakapulupot ng braso niya sa baywang ko. Huminto siya at nilapit ang mukha sa akin habang hapit-hapit ako sa baywang.
"Hindi na kailangan ng gano'n, dahil alam kong unti-unti ka na ring nahuhulog sa akin." aniya habang titig na titig sa mata ko. Ngumisi siya at umayos ng tayo. Nagpipigil ako ng hininga dahil kinakabahan ako sa kanya at sinasabi niya. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso ko.
Sa buong klase ay hindi ko alam sa sarili ko kung bakit natulala ako habang naiisip ang mukha ni Demonyo. Napasapo ako ng mukha at napabuntonghininga.
"Uy, Juliet!"
Kinalabit ako ni Nika kaya napatingin ako sa kanya. As usual, same eye glasses and pigtails. She's smiling like she's excited for something.
"Bakit?" tanong ko at inayos ang mga gamit ko ng umalis na ang last professor namin.
"Sama ka sa akin. May party kasi akong dadaluhan, kaso wala akong kasama at baka ma-out-of-place lang ako."
Natigil ako sa pagsilid ng gamit ko sa bag ko at tinignan ko siya.
"Huh? Bakit ako? Saka baka ma-out-of-place din ako doon dahil hindi ko naman kilala ang mga tao sa party. At hindi rin p'wede kasi.."
"Dahil ba kay Greyson? Ngayon tayo aalis para hindi ka niya mapigilan... Sige na, wala talaga akong kasama at baka pagtawanan lang ako doon.. ."
Napayuko siya kaya nakaramdaman naman ako ng awa sa kanya. Alam kong mahina din siya at walang confidence gaya ko, pero kumpara sa kanya ay balewala sa akin ang panlalait. Siya kasi ay parang sobrang nipis niya. Parang napakahina ng loob at hindi kayang ipaglaban ang sarili.
Napahinga ako ng malalim at tumayo bago ko sinukbit ang strap ng bag ko sa balikat ko. Napaangat siya ng tingin sa akin at napabuntonghininga tila ba wala na siyang magawa sa desisyon ko.
"Sige, sasamahan kita."
Tila umaliwalas ang mukha niya at napatayo rin siya.
"Talaga?" tumango ako kaya lalo siyang napangiti, "Kung gano'n ay tara na!" maligalig niyang aya.
"Sige."
Mabilis kaming umalis ng university upang hindi makita ni Greyson.. Alam kong tutubo na naman ang sungay ni Demonyo kapag nalaman niya ito. Pero ayoko naman na mag-isang lumakad si Nika. Bilang matagal ko na rin siyang naging kaklase at naging kaibigan ko na rin kaya may malasakit pa rin ako sa kanya.
Sa malaki at magandang bahay pumasok ang kotse nila Nika. Ito na siguro ang bahay nila. Ang laki rin at masasabi ko na may kaya din itong si Nika, hindi nga lang halata dahil sa pagka-manang ng ayos ni Nika.
"Tara, dali!"
Excited niya akong hinila papasok sa bahay nila.. Busy naman ako sa paglibot ng tingin sa bahay niya at masasabi ko na ang ganda din. Yumuko ang tatlong kasambahay at umalis rin naman agad.
Umakyat kami sa taas at pumasok sa isang room. Isang make up room na puno ng iba't-ibang dress, gown, at maraming salamin sa bawat pader at may mga high chair na parang katulad sa mga parlor.
May apat na babaeng biglang sumulpot. Nakayuko sila na para bang takot.
"Ah, ayusan niyo na kami. Pagandahin niyo kami ngayong gabi." sabi ni Nika at humarap muli sa akin habang nakangiti.
Ayoko sana kaso mapilit si Nika na paayusan rin ako. Kaya ngayon ay dalawang make up artist at maging sa kanya na inaayusan na kami.
Maraming pinahid at nilagay sa mukha ko, maging ang buhok ko ay kinulot ang dulo bago pinusod pataas at nilagyan ng kung anong anek-anek na diamonds ang ulo lo.
Pagkatapos ay may binigay na cocktail dress sa akin. Emerald green lace cocktail na kakaiba sa akin. Hindi ako sanay na magsuot ng ganitong dress kaya medyo alangan ako.
"At heto ang suotin mong stelleto. I'm sure you'll love wearing that. It's my favorite stelleto." ani ni Nika na inaayos ng mga make up artist niya ang suot niyang dress na pink.
"Ah, wala bang flat? Hindi ako sanay na magsuot ng ganito."
Umiling siya at nakita kong sinenyasan niya ang dalawang nag-make up sa akin, kaya lumapit ito at inakay na ako. Wala na rin akong nagawa kundi isuot ang cocktail dress at stelleto na hindi ako sanay suotin. Masyado pang daring ang cocktail dress dahil sa pinaka-baywang nito ay kumukurba ang baywang ko tapos hanggang tuhod ang haba niya. At kita pa ang balikat ko na hindi naman ako sanay na ilabas.
Dahan-dahan ang lakad ko dahil sinasanay ko pa ang mga paa ko sa taas ng takong. Napatingin ako kay Nika ng maglahad siya ng maskara. Kakaiba ang ayos ni Nika ngayon. Kumpara sa inosente, conservative, at nerdy na anyo niya sa school ay nagpalit siya ng anyo bilang isang sexy, pretty, at tila fine lady. Hindi ako makapaniwala dahil maganda pala siya kapag aayusan at parang wild din ang ayos niya.
"So, let's go." aniya at ngumiti kaya tumango ako.
Napahinga ako ng malalim at sumunod sa kanya na nauna ng maglakad. Nahirapan ako sa pagbaba at paglakad. Kaya pagsakay ng kotse ay hinubad ko muna ang stelleto.
"Alam kong naninibago ka sa ayos ko, pero ganito kasi ako kapag may okasyon na dinadaluhan."
Napatango naman ako at napaisip. Hindi ko ata napansin ang parents niya, tanging kasambahay at make up artist lang niya ang nakita ko. Nais ko mang itanong kaso nahihiya ako.
Kakaiba talaga ang ayos niya. Hindi ko makita ang mahinang Nika at conservative manang outfit niya. Kaya naman pala niyang magsuot ng ganyang klaseng kasuotan, pero bakit hindi niya ginagawa?
"Nika, ano ba 'yung pupuntahan natin? Saka, bakit kailangan na naka-mask?"
Hindi masamang magtanong, lalo't wala pa akong alam sa klase ng party na sinasabi niya.
"It's a maskara theme party. It is a birthday celebration of the heir of Hillario Company."
Napatango naman ako dahil sa paliwanag niya. Meron pa palang ganoong kaartehan ang mga mayayaman. Paano kaya makikilala ang mga bisita kung nakatakip ang mukha?
"'Wag kang mag-alala, titiyakin kong mag-e-enjoy tayo kahit pa ma-out-of-place tayo sa kanila. Saka maraming food doon kaya tiyak akong magugustuhan mo talaga doon."
Ngumiti lang ako pero sa loob-loob ko ay napapaisip sa sinabi niya.
Anong akala niya sa akin matakaw? Porket palagi akong nagpapalibre sa kanila ay akala niya masaya na ako doon. Oo, masaya ang kumain, pero hindi naman ako masaya dahil kapalit ng pagsama ko sa kanya ay tiyak na pagkatapos nito ay yari ako kay Demonyo.
Madilim na rin ng kami ay lumakad, at mahaba haba pala ang byahe sa pupuntahan namin.. Sa isang hotel pumasok ang kotse. Napakalaking hotel na kumikinang ang kulay dahil sa pinaghalong ginto at puting kulay ng building.
Pinagbuksan kami ng guard at naunang bumaba si Nika at kasunod ako. Napalibot ako ng tingin habang papasok na kami sa loob.
"We are invited to the party." wika ni Nika sa dalawang lalakeng nakatayo sa entrance ng nasabing pagdadausan ng party at may pinakita siyang gold invitation.
"Okay, welcome, Ma'am. Please, come in." sabi ng dalawa.
Lumingon sa akin si Nika at nginitian ako bago inaya ng tingin kaya tumango ako at sumunod sa kanya. Malikot ang ilaw at kita ko ang mga bisitang mga nakamaskara rin katulad namin. Ang gagara ng kanilang kasuotan at tila pinaghandaan talaga ang party na ito para sa birthday celebrant.
Bumungad agad sa amin ang tunog na nagmumula sa violin. At hindi talaga ako makapaniwala na nasa classy event ako ng mayayaman. Ang ganda din ng venue. Malaki at may mga bulaklak pang nakatayo na mga kulay puti na tila mga bagong pitas lang. At may chandelier pa sa bawat kisame na kumikinang at may ilaw na siyang umiikot upang sumunod sa saliw ng tutog ng violin. May maluwang na stage at malaking big tv screen kung saan nagpe-play ang mga welcome greetings mula sa family ng may birthday.
Ang mga lamesa ay medyo may kataasan at pabilog na maliit ang espasyo at wala iyong upuan. Nag-uusap ang mga bisita na mga nakatayo lang habang ang mga waiter ay may dalang mga tray na may lamang champaigne na binibigay sa mga bisitang gusto no'n.
"Dito tayo, Juliet." aya ni Nika sa isang table na bakante.
Tila enjoy na enjoy naman si Nika sa party dahil napapasabay pa ang ulo niya sa tugtog na maganda at nakakaenganyong tugtog.
"Nika, wala bang upuan? Nakakangawit naman kung nakatayo lang?"
Tumingin siya sa akin at natawa. Mahinang hinampas niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa habang nakapagitna ang isang vase ng bulaklak na puti.
"Hindi uso iyon sa ganitong klaseng event. Ganito talaga kapag mga high profile sociaty event ang dadaluhan mo." aniya kaya napatango na lang ako.
"Hi, Ladies.."
Napatingin kami sa biglang sumulpot sa gilid naming lalake. Maroon and stripe necktie ang suot nitong tuxedo habang may bulaklak sa bulsa ng coat. At may white gloves na suot sa kamay niya.
"Hi, Matt." ngumiti si Nika at kumapit sa braso ng lalake at tumingin siya sa akin, "Siya 'yung may birthday today." Sabi niya sa akin.
Napatango naman ako. Kaya pala kakaiba ang ayos ng lalake dahil ito pala ang celebrant.
"Who is she?" tanong ng lalake kaya napangiti si Nika.
"She's juliet, Matt. And Juliet, Matt Hillario, my friend."
Tumango naman ako pero itong Matt ay naglahad pa ng kamay sa akin. Kaya wala naman akong choice kundi tanggapin dahil nakakahiya naman rito.
"I hope you enjoy my party." aniya.
"Oo naman, mukha namang masaya." tipid akong ngumiti at agad ng binawi ang kamay ko sa kanya.
"You're so pretty, Juliet. That dress is suit for you." papuri niya.
"Thanks." 'yun na lang ang sinabi ko. Nakakailang naman kasi ito, parang may hidden agenda sa tingin niya.
May lumapit na waiter at nagpasalamat ako ng tawagin nito si Matt para sa opening ceremony. Ngumiti ako sa waiter ng maglagay siya ng champaigne sa table namin.
"Try this, Juliet, it's taste good." sabi ni Nika na sumimsim nung champaigne.
"Baka naman nakakalasing ito." ang totoo ay na-e-enganyo akong tikman dahil ngayon lang naman ako makakasubok na uminom ng alak ng pang mayaman. Hindi naman ako umiinom kaya hindi ko rin nasusubukan ang mga mumurahing brand.
"Hindi, parang ladies drink lang 'yan. Hindi malakas ang alcohol."
Napatango naman ako at sinubukang sumimsim. Nalasahan ko at masarap naman siya pero nandoon 'yung tila lasang mapait na matamis na ewan.
Nagsalita na 'yung Matt sa stage kaya doon natuon ang atensyon ni Nika. Habang ako ay kinuha ang pagkakataon na ubusin paunti-unti ang champaigne. Tinaktak ko pa ang pinakahuling patak pero wala na kaya nabitin ako dahil ang sarap. Sinenyasan ko ang waiter at agad naman itong lumapit upang bigyan pa ako ng isang baso.
"Juliet, saglit lang, wash room lang."
Tumingin ako kay Nika at tumango. Ngumiti siya at tumingin sa lamesa namin, kaya nakita ko na maraming baso ng champaigne.
"Sige, uminom ka muna.." aniya at natawa bago umalis. Napailing naman ako at uminom muli.
Ang sarap talaga nitong alak na ito. Napakadulas sa lalamunan. Pumalumbaba ako dahil parang inaantok na ako, pero patuloy naman ako sa pag-inom. Napadighay ako at napapikit.
"Hey, Juliet, tila lasing ka na.."
May naramdaman akong umakbay sa akin. Dumilat ako at tinignan ang taong iyon, pero parang masyadong malabo ang itsura niya.
"Tara, magpahinga ka na, tila inaantok ka na." aniya at kinuha ang hawak kong baso para ilapag sa lamesa.
"A-ayoko.."
Umiling ako at dumukdok sa lamesa dahil nahihilo talaga ako. Pero lumutang na lang ang pakiramdam ko at hindi na ako nakatanggi ng akayin ako nito.
May naririnig akong mga boses na nag-uusap kaya dumilat ako. Gumalaw ako pero napatingin ako sa kamay ko at nakita kong nakatali iyon pataas. Tuluyang nagising ang diwa ko at napatingin sa paligid. Nakatayo ako habang nakatali ang kamay ko sa isang bakal. Tingin ko ay isa itong warehouse na hindi na ginagamit. Ang dami pang mga machine na gamit sa mga kemikal.
Walang tao sa paligid ko pero parang nakakarinig ako ng nag-uusap.
Nasaan ako? Bakit narito ako at nakatali? Si Nika?
"Mabuti naman at gising ka na.."
Napatingin ako sa isang lalake na nakasuot ng maskara. Hindi pamilyar ang boses niya kaya hindi ko kilala kung sino siya.
"S-sino ka? B-bakit ako narito?" natatakot ako. Dahil may lumabas din na ibang lalake na may mga hawak na bakal na tubo at iba pang gamit na siyang makakapanakit ng tao.
Napahalakhak ang nagsalitang lalake habang ang mga kasama niya na nakamaskara rin na ang takip lang ay mata ay mga ngumisi tipong nakakakilabot.
"Simple lang, nais namin na lumapit ang isang dagang Esteban para sa hinanda naming paing, at ikaw yung paing."
Kinabahan naman ako at gusto kong makawala para paghahampasin sila.
"Bakit ako ang ginawa niyong paing?! Nagsasayang lang kayo ng oras dahil hindi sisipot si Greyson!"
Nagkatinginan sila at tumingin sa akin muli iyong lalaking tila leader nila.
"Let's see. Kapag hindi siya nagpunta, papataying ka namin. Pero kapag nagpunta siya..." ngumisi siya at nanigas naman ako ng lumapit siya bago itutok sa leeg ko ang hawak niyang maliit na balisong, "Patay siya sa amin. Matagal ng siga ang Esteban na iyon, at ipaghihiganti namin ang kasama namin na namatay dahil sa pambubugbog niya." dagdag nito na kinasinghap ko.
May namatay sa pambubugbog ni Greyson? Pero hindi ko alam kung nagsasabi ng totoo ang mga ito.
"Nakikita mo iyon.." may tinuro siya at nakita ko ang isang malaking timer na hindi pa nagsisimula ang oras. Napalunok ako at lalong natakot ng makuha ko ang ibig niyang sabihin, "Hindi man siya dumating, sasabog ka kasama ng ware house na ito. Kung dumating man siya, sasabog din siya. Kaya goodluck." aniya at ngumisi.
Tumalikod na sila at napatingin ako sa timer at nakita kong nagsimula na ang pag-andar ng oras. Napaiyak ako at nagpumiglas sa sobrang takot.
"Tulong! Tulungan niyo ako!"
Ang sakit na ng kamay ko sa kakahatak ko pero ang higpit ng lubid na nakatali sa akin. Napaiyak ako at maraming pumapasok sa isip ko na maaaring mangyari sa katawan ko kapag sumabog ang buong ware house na ito kasama ako.
Hindi ko ninais na magkapira-piraso ang katawan ko at maging abo. Ayokong isipin na gano'n dahil mas kinikilabutan ako.
"Tsk.."
Napaangat ako ng tingin at mas lalo akong napaiyak ng makita si Greyson na matalim ang tingin sa akin. Agad siyang lumapit. Nakasuot siya ng palagi niyang get up. Badboy look. Isang black pants, leather black boots, leather black jacket, and one piece of white t-shirt.
Gulo-gulo ang buhok niya pero hindi iyon nakakabawas ng kakisigan niya. At mas maangas siyang tignan sa suot niyang black small circle earing sa kanang tenga niya.
"Gusto mo na talagang mamatay, ha?" aniya at agad na humawak sa tali ng kamay ko.
Wala akong masabi sa gulat na dumating nga siya. Mas lalo akong napaiyak dahil hindi ko akalain na ililigtas niya ako.
"Tsk, stop crying. I don't need your f*****g tears, I want your explanation, understand?"
Hinila niya ako para yakapin kaya napasubsob ako sa dibdib niya dahil pakiramdam ko ay ligtas na ako.
"Nice scene!"
Inalis si Greyson ang yakap sa akin at napatingin kami sa nagsalita. 'Yung mga kumidnap sa akin na may dalang gamit na paghampas.
"Tsk, your place is so cheap for my very precious baby."
Hindi ko alam kung mamumula ba ako sa pinagsasabi niya at sisigawan siya dahil nilalait pa niya ang lugar imbes na matakot sa kaligtasan namin.
Natawa ang mga lalakeng kumidnap sa akin, pero 'yung tawang naiinis.
"Bakit pa kami kukuha ng magandang lugar kung mamatay rin naman kayo? Dami mo pang satsat, dapat sa 'yo ay pinapatahimik na!" galit na sabi ng pinaka-leader.
Naramdaman ko ang pagtakip ng kamay ni Greyson sa mata ko.
"Close your eyes, baby." bulong niya kaya ginawa ko.
Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin. Kaya napadaop ang palad ko sa dibdib ko at nanginginig sa takot sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang bawat daing ng kung sino man. Nais kong dumilat pero natatakot ako na baka kahindik-hindik ang makita ko.
Napadilat ako ng may brasong sumakal sa leeg ko at may malamig na bagay na nakatutok sa gilid ng leeg ko.
"Sige, lumaban ka, kundi papatayin ko ito!"
Nanginig ako sa takot at napatingin kay Greyson. Natumba niya ang mga kasama nitong lalakeng nagtatangka sa buhay ko.
Tumingin sa akin si Greyson at sinenyasan ako na ipikit ang mga mata ko kaya ginawa ko habang napapalunok sa takot, dahil lalong tumatama ang dulo ng kutsilyong nakatuktok sa leeg ko sa panginginig sa galit nitong lalake.
"Okay, suko na ako." Sabi ni Greyson.
"Kung gano'n ay tumalikod ka!" sigaw ng lalakeng ito.
"Okay." bagot na tugon ni Greyson.
Naramdaman ko ang pagbitaw sa akin ng lalake kaya napahawak ako sa leeg ko. Nakarinig ako ng daing kaya lalo akong napapikit dahil tila masakit ang nararamdaman no'n. Ilang saglit lang ay natahimik na at pinakiramdaman ko ang paligid.
"Let's go, this place is not safe."
Napadilat ako at napatingin kay Greyson na hinawakan ako sa kamay bago hilahin.. Tumakbo kami palabas lalo na ng marinig ko ang malakas na pagtunog ng timer.
Paglabas namin ay tumakbo kami palayo at hinila niya ako payakap bago kami nadapa at nagpagulong-gulong sa lupa ng sumabog na ang warehouse.
Parang tumigil ang paghinga ko at nanatili akong nakapikit.
"Simulan mo ng gumawa ng dahilan kung bakit ka umalis ng walang paalam, dahil oras na magsinungaling ka, sisiguraduhin kong patay ka sa akin."
Napadilat ako at napatingin kay Greyson na siyang nakubabawan ko. Agad akong umalis sa ibabaw niya at naupo. Napayuko ako ng maupo siya habang nakatingin sa akin ng masama.
"Tsk."
Gusto kong magpasalamat sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin dahil sa takot sa mala-dragon niyang galit sa pag-alis ko ng walang paalam. Kaya ang ginawa ko ay niyakap ko siya kaya natigilan siya.
"I'm sorry." sabi ko at napaiyak ako dahil kung nakinig ako sa kanya hindi aabot sa ganito. Muntik na akong mamatay at napahamak ko pa siya.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa ulo ko, "Tsk. You really know how to tame me." Sabi niya kaya natawa ako habang nanatiling nakayakap sa kanya.
Umuwi kami ngunit sa pent house niya ako dinala. Gusto kong tanungin kung bakit rito pero nahihiya akong magtanong.
Tinulak niya ako paupo sa kama at umalis siya kaya napakutkot ako sa kuko sa pagkailang, lalo na ng maalala ang pagyakap ko sa kanya. Bumalik siya at nakita ko ang paglapag niya ng isang medicine kit sa tabi ko. Naupo siya kaya napahawak ako sa leeg ko dahil tila nais niyang gamutin ako.
"Ano na? Gamutin mo ang sugat ko." aniya at hinubad ang jacket niya at hinagis niya lang kung saan.
Akala ko ay ako ang gagamutin niya, pero nang mapatingin ako sa braso niya ay napasinghap ako dahil dumudugo iyon gawa ng hiwa.
Tumingin ako sa mukha niya at nakita ko na may dugo sa gilid ng labi niya. Napayuko naman ako agad dahil hindi ko kaya ang titig niya sa akin. Kinuha ko ang bulak at alcohol. Nanginginig pa ang kamay ko habang pinapatakan ang bulak ng alcohol. Tumingin ako sa braso niya at dinampian ko ito.
Kumakabog ang dibdib ko dahil naiilang talaga ako sa kanya. Pakiramdam ko ay sobrang sikip ng kama na ito para sa amin.
Dumaing siya ng pahiran ko ang sugat niya kaya mas lalong nanginig ang kamay ko sa kaba.
"Relax.." aniya at hinawakan ang kamay kong may bulak. Napatango ako habang hindi makatingin sa kanya. Binitawan niya ang kamay ko kaya lihim na napahinga ako ng malalim bago nag-concentrate sa paglinis sa sugat niya.
Nang makita ko na maliit na daplis lang na hiwa iyon ay lihim akong nagpasalamat. Tinakpan ko ng bulak na may betadine at gasa ang sugat niya upang hindi na magpatuloy ang pagdurugo. Nang ayos na ay napaangat ako ng tingin at napalunok naman ako ng makita ang malalim niyang tingin.
"Paano ang labi ko?" tanong niya. Kaya kumuha rin ako ng bulak pero pinigil niya ang mga kamay ko. Napaangat ako ng tingin at halos mailang ako sa titig niya, "Mas may mabisang gamot kesa d'yan." aniya kaya napayuko ako pero hinawakan niya ang baba ko.
Nagkasalubong ang mata namin at napalunok ako habang tila nag-iinit ang mga pisngi ko sa klase ng tingin niya. Lumapit ang mukha niya at napapikit ako ng dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko.
Dumilat ako ng bitawan niya rin ang labi ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at dahil iyon sa presensya ni Greyson. Kakaiba ang kabog nito at halos hindi ako makagalaw at makahinga ng maayos dahil sa kanya.
Isang pulgad lang ang layo ng labi namin habang magkadikit ang ilong namin at nakatitig siya sa akin ng malalim.
"I like you very much... I love you so much..." sabi niya habang titig na titig tila ba may nais na makuhang sagot sa akin, "Baby, say it back too." dagdag niya pero hindi ako makasagot.
Napaiwas ako ng tingin at napababa konti ang mukha ko ng ilapit niya pa ang mukha sa akin. Napapisil ako sa daliri ko at napapikit muli ng mata ng dumampi muli ang labi niya.
Para akong nakalutang at tanging nararamdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko habang dinadama ang pagsiil niya ng halik sa akin.
Gusto kong hanapin ang pagkaayaw ko, pagkainis, at pagkatakot ko sa kanya. Pero hindi ko mahanap iyon dahil iba ang sinasabi ng puso ko.
Gusto ko rin ba siya? Mahal ko na rin ba siya?