I can say, Greyson is a good person.
Kahit naman para siyang devil king ay may bait naman siya kahit papaano. Niligtas niya ako sa kamatayan ko, kaya sobra rin ang pasasalamat ko sa kanya. Pero sobra naman ngayon ang pagkailang ko dahil tuwing maaalala ko ang halik na namagitan sa amin na umabot sa puntong kamuntikan ko ng ikabigay ay parang nais kong pukpukin ang sarili ko.
Wala akong lakas ng loob na makaharap siya at makasama ng solo. Kaya sobra ang ginagawa kong pag-iwas sa kanya dahil kapag nakikita ko siya ay pakiramdam ko ay pinanlalambutan ako ng tuhod.
"Hija, ako na rito, hindi mo gawain ito." pigil sa akin ni Mory sa pagtulong ko sa kanya.
"Hindi po, ayos lang, Mory."
Napahinga siya ng malalim at napangiti na lang kaya napangiti rin ako at pinagbutihan ang banlaw sa kumot na puti.
"Bilisan mo na lang d'yan at baka mamaya ay sumulpot si Master GM."
Napatingin ako sa kanya mula sa pagpilit sa kumot.
"Naku, hindi naman.. Saka, natutulog pa iyon."
Binanlawan ko naman ang pinakahuling kumot para naman masampay ko na ito.
"Anong hindi naman? Walang araw na hindi sumulpot iyon kada mawawala ka sa paningin niya. Saka, mag-ingat ka na 'wag pagselosin si Master GM..."
Pinulupot ko ang kumot ng mabanlawan ko na ito ng mabuti
"Bakit naman?" tanong ko.
Tumigil siya sa pagkusot ng puting damit at medyo lumapit siya sa akin habang malikot ang mata niya tila nagmamasid sa paligid.
"Ang mga Esteban ay matagal ko ng pinagsisilbihan. Galit sila kapag naaagawan. At nakikita ko kung paano nagagalit si Sir Gab kapag nagseselos oras lang na may nakakausap na lalake si Ma'am Maqi. Iyon nga minsan ang napag-aawayan nila, at dahil hindi kaya ni Ma'am Maqi si Sir Gab kaya sa huli ay ilang buwan nakukulong sa bahay si Ma'am dahil ayaw ni Sir na lalabas siya lalo na kapag hindi ito ang kasama... At delikadong pamilya ang mga Esteban, kaya humanda ka na dapat, dahil tingin ko ay hindi ka na pakakawalan ni Master GM."
Napalunok naman ako at natakot. Sa klase ng pagkakasabi ni Mory ay may pangamba siya.
"Bakit, ano ba talaga ang mga Esteban? Saka alam ko naman na pagkagusto lang ang tingin sa akin ni Greyson, hindi na aabot sa puntong ikukulong niya ako."
Natawa ako kahit na naapektuhan ako sa sinabi niya. Nagseryoso siya at mas lumapit pa.
"Ang mga Esteban ay isang organization at kilala ng mga high society bilang Mafia group. Lahat ng masasama ay nakakaharap na nila at kaya rin nilang pumatay ng tao basta ba nakikita nilang labag sa mata nila. At ikaw, kung hindi pa ba pagkukulong ang ginagawa sa 'yo ni Master GM: anong ginagawa mo ngayon rito? Ang pagpapakilala palang sa 'yo sa pamilya niya ay senyales na sigurado na siya sa 'yo. At nasaan ka ba ngayon? 'Di ba't narito ka sa lungga nila? Bahay at school, at umalis ka man ay nagagalit siya. Hindi mo pa nakikita ang totoong ugali niya na namana niya sa ama niya, kaya kung ako sa 'yo ay ihanda mo na ang sarili mo dahil mararanasan mo ang nararanasan ni Ma'am Maqi."
Nakaramdam ako ng pangamba habang paulit ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga payo ni Mory. Pakiramdam ko ay dapat nga akong mangamba lalo't patunay lang na ang pagiging possessive sa akin ni Greyson na wala sa lugar ay nagpapakita ng ilang senyales.
"S-sige, sampay ko lang 'to."
Tumayo ako at binitbit ang plastic basket na pinaglalagyan ng mga nilabhan na kumot. Napabuga ako ng hangin dahil palala ng palala ang kabog ng dibdib ko.
Piniga, pinagpag, at sinampay ko na ang isang kumot habang lutang ang isip ko sa kakaisip ng sinabi ni Mory.
Kung aabot man sa puntong gano'n ay talagang kailangan kong gawin ang lahat para makalayo oras na makatapos ako ng pag-aaral. Ayoko ng gano'n. Ayoko ng ikukulong ako para lang 'wag lang siyang magselos.
Kinuha ko ang isang kumot at pinagpag. Humarap ako sa bakal na sampayan ng manlaki ang mata ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko ng angkinin ang labi ko ni Greyson na hindi ko namalayan na nasa likod ko pala habang nakahawak sa bakal na sampayan kung saan ko sinampay ang isang kumot.
Napaatras ako kung kaya napalayo ako sa labi niya. Nanlalaki ang mata ko habang hindi makapaniwala. Ngumisi siya at hinapit ako sa baywang.
"Anong ginagawa mo? Bakit ikaw ang gumagawa n'yan?" tanong niya. Kinuha niya ang hawak kong kumot pero hindi ko binigay at pinilit kong kumawala sa pagkakahapit niya.
"G-gusto kong gawin ito, saka bitawan mo nga ako."
"Tsk." asik niya at malakas na kinuha sa akin ang kumot bago niya padarag na hinagis sa basket iyon.
Gulat na nakatingin ako sa kanya, tumingin siya sa mata ko at hinawi ang buhok na tumatakip sa mukha ko.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Iniiwasan mo ako at dahil d'yan kaya ka nakakahanap ng dahilan." aniya.
"H-hindi naman..." tanggi ko pero totoo naman.
"Talaga? Hindi mo ako iniiwasan? Are you sure?" seryoso niyang tanong at tumingin sa akin ng matalim kaya napayuko ako habang hindi makagalaw sa pagkakahapit niya sa baywang ko palapit sa katawan niya.
Hinawakan niya ang baba ko kaya napaangat ako ng tingin at napatingin sa kanya.
"Kung ang nangyari sa penthouse ang kinaiilang mo, dapat na masanay ka na dahil bilang girlfriend ay obligasyon mo naman iyon. At ayokong iiwasan mo ako, dahil kapag gano'n ay pakiramdam ko hindi mo ako gusto."
Tumango ako kaya napangiti siya. Napapikit ako ng sakupin niya ang labi ko. Umiwas ako at napasubsob sa balikat niya para hindi na niya ako halikan.
"Okay, I understand you, baby." humalakhak syay at hinawakan ako sa kamay bago hinila.
Napatingin ako kay Mory na napailing sa akin tila ba tama syya sa sinasabi niya. Ngayon ay naniniwala na talaga ako. Dapat nga ay ihanda ko ang sarili ko, pero hindi ko na papaabutin sa gano'n. Ayoko.
Dahil weekend ngayon at sa makalawa na ang pasko kaya busy sa pagbabalot ng gift ang pamilya ni Greyson.
"Oh, baby.."
Naiilang na kinuha ko ang inabot na toys ni Greyson upang ibalot ko. Lalo akong nailang ng mapatingin sa amin sila Ma'am Maqi at Cienti na may mapanuksong tingin dahil sa tinawag sa aking endearment ni Greyson. Tapos nakaupo pa sa sahig si Greyson habang ako ay nakaupo sa sofa at nakasandal ang likod niya sa mga binti ko.
"Kuya, bakit nga pala tumutulong ka na magbalot? Dati ay hindi mo naman kami tinutulungan, kundi palagi ka lang kasama ng barkada mo." Tanong ni Cienti.
"What's the problem if I help you guys? Is it a crime?"
"Hindi naman, kasi kung hindi siguro dahil kay Ate Juliet ay hindi ka tutulong.. Alam mo, Ate, pakitang tao lang 'yang si Kuya, pero tamad 'yan."
Binato ni Greyson ng nakabilot pang gift wrapper si Cienti.
"Mommy, oh!"
Natawa na lang si Ma'am Maqi habang nagbabalot din.
"Tigilan niyo na nga ang asaran. At ikaw, anak, puntahan mo si Gil at Avo, baka nagising na ang mga iyon."
"Mom!" reklamo ni Greyson tila ayaw sumunod.
Nilapag ko ang nabalot kong regalo at tumingin kay Ma'am Maqi.
"Ah, ako na lang po ang titingin sa kanila."
Napaharap si Greyson sa akin at tinignan ako na nakunot ang noo.
"Naku, Hija, 'wag ka na. Greyson anak, dali na." Pigil ni Ma'am Maqi.
"Tsk, okay." napipilitan pa si Greyson, tila ba labag sa loob na tignan ang mga kapatid niya.
Umalis na ito kaya napailing si Ma'am Maqi at si Cienti.
"Mabuti naman at sumunod iyon. Ayaw na ayaw kasi no'n ang nag-aalaga ng bata dahil mainitin ang ulo gaya ni Gab. Himala nga at talagang napasama sa amin mag-ina na magbalot ng regalo."
"Dahil nga iyon kay Ate Juliet, Mom." sabat ni Cienti at ngumiti sa akin kaya nahihiya at tipid akong ngumiti.
"Tama ka.." sagot ni Ma'am Maqi kay Cienti bago bumaling sa akin, "Dahil nga sa 'yo kaya nagbabago ang anak ko, Juliet."
"Naku, hindi naman po. Baka gusto niya lang na tulungan tayo ngayon..."
Umiling sila pareho kaya natigil ako sa sinasabi ko.
"Hindi tutulong iyon dahil tama si Cienti, mas sasamahan no'n ang barkada no'n kesa magbalot ng regalo. Gustong-gusto ka talaga ng anak ko kaya siya hindi umaalis sa tabi mo."
Napayuko naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin doon. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nararamdaman ko ngayon kay Greyson, pero natatakot ako na baka sa huli ay matulad ako kung paano itrato ni Sir Gab si Ma'am Maqi. Pero nakikita ko naman na masaya si Ma'am Maqi. At sa araw-araw na kasama ko sila ay sweet at maalaga si Sir kay Ma'am. Palagi pa itong may uwing bulaklak kay Ma'am.
Pagkatapos namin magbalot ay umakyat na ako sa taas. Pero napatingin ako sa kwarto kung saan natutulog ang dalawang maliit na kapatid na lalake ni Greyson. Lumapit ako roon at nakita kong nakasiwang ng kaunti ang pinto kaya marahan kong itinulak iyon. Pagsilip ko ay bumungad sa akin ang asul na asul na kulay ng kwarto habang may iba't-ibang robot at anime toys sa paligid.
Napatingin ako sa kama at nakita ko doon na nakahiga si Greyson habang nakahiga sa ibabaw niya ang dalawang kapatid niya at nakayakap sa kanya. Napangiti ako dahil kita ko na nakatulugan na ni Greyson ang pangungulit ng dalawa niyang kapatid.
Umatras ako at lumabas habang maingat kong sinara ang pinto. Napahinga ako ng malalim at tinungo ang kwarto ko.
Mabuting nakakatandang kapatid rin pala siya at tingin ko ay ngayon ko palang talaga siya nakikilala ng husto.
Pabagsak na nahiga ako sa kama at pumikit upang matulog na lang dahil wala naman akong gagawin ngayon araw. Kung dati ay maghapon akong pagod, ngayon naman ay kain, tulog, at pasok sa school na lang ang ginagawa ko. Sa trabaho ay na-postpone pa dahil nga holidays, kaya next year na ang balik ko.
Napadilat ako ng may dumagan sa akin. Nanlaki ang mata ko ng sumalubong ang mukha ni Greyson habang nakangisi ang kanyang labi.
"G-Greyson.."
Lalo siyang ngumisi at tumitig sa labi ko, kaya napaiwas ako ng mukha ng ambang hahalikan niya ako. Hinawakan ko syya sa dibdib upang itulak pero masyado siyang mabigat.
"Ang bango mo.." bulong niya at hinalikan ang likod ng tenga ko kaya napapikit ako ng mata habang pilit kong iniiwas ang mukha ko.
"A-ano ka ba, tumigil ka nga..."
Hindi ko siya maitulak dahil hinawakan niya ang mga kamay ko at mahigpit na pinangko sa magkabilang gilid ng mukha ko.
"I hate you!" sigaw ko ng bababa na sana ang halik niya sa leeg ko kaya natigilan siya.
"W-what?"
Napadilat ako at nakita ko ang hindi niya makapaniwalang mukha habang nakatingin sa akin.
Umiwas ako ng tingin at binawi ko ang kamay ko mula sa kanya.
"What did you say?" tanong niya pero hindi ako tumingin sa kanya at sumagot, "You hate me?"
Hinawakan niya ang panga ko at sapilitan na pinaharap ako sa kanya. Napatingin ako sa mata nya at nakita ko ang seryoso niyang tingin na nagpakaba sa akin.
"Answer. Me." madiin nyayng utos.
"Ah, kasi..." umiwas muli ako ng tingin sa kanya at hindi ko masabi ang dahilan kung bakit kinamumuhian ko siya.
"Hate word is a big deal for me. Don't say it again or else, You. Are. f*****g. Dead... Understand?"
Napatango ako at napatingin sa kanya ng pisilin niya ang ilong ko. Pinigilan ko ang mga kamay niya habang walang tigil sa pagkabog sa kaba ng dibdib ko.
Ngumiti siya at hinaplos ang mukha ko kaya napapikit ako. Hinalikan niya ang noo ko, maging ang mga mata ko ay masuyo niyang hinalikan. Ang ilong ko rin at magkabilang pisngi.
"Open your eyes. I want you to look at me straight."
Dumilat ako at napatingin sa mga mata niya na may saya. Lalo siyang napangiti at tumingin sa labi ko kaya pakiramdam ko ay nanginginig ang labi ko.
Nais kong mapapikit ng sakupin niya ang labi ko. Siniil ng malagkit na animo'y sabik na sabik. Napahawak ako sa dibdib niya upang itulak siya pero hinawakan niya ang mukha ko kaya napakapit ako sa suot niyang t-shirt. Napabuka ako ng bibig ng gigil niyang kagatin ang ibabang labi ko.
Gusto kong mahiya sa lumabas na halinghing sa bibig ko ng maramdaman ko ang dila niya sa bibig ko. Bumibigat na rin ang paghinga ko at ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ni Greyson na siyang nadadama ko.
Bumitaw ako ng halik dahil hindi na ako makahinga.
"Damn." bulong niya at hinabol ang labi ko. Kinuha niya ang mga kamay ko at pinayakap sa leeg niya. Napakapit ako ng mahigpit sa leeg niya dahil tila na ako tinatangay ng nakakangilo niyang mga halik.
"Kuya, what are you doing?"
Napadilat ako at naitulak ko si Greyson ng makarinig ng maliit na boses.
"f**k s**t!" mura ni Greyson at naupo bago tinignan ang nagsalita.
Napaupo na rin ako at tinignan ang ikatlong kapatid ni Greyson na si Avo.
"You." gigil na sabi ni Greyson tila nais na sakmalin ang kapatid niya. Bumaba syya ng kama at nilapitan si Avo. Binuhat niya ito na animo'y pinadapa at mahinang pinalo sa pang-upo, "You should know what's the right timing, Avo."
"Susumbong kita kay Mommy!"
"Geez!"
Tumingin sa akin si Greyson kaya napababa ako ng tingin habang nakaupo ako. Tumikhim siya at narinig ko ang paglayo ng yapak nyya bago sumara ang pinto.
Ngayon ay sobrang nag-iinit ang pisngi ko at hindi ako makapaniwala na bumigay na naman ako sa halik niya. Napakagat ako ng labi at napasabunot sa buhok ko dahil ako rin ang nagluluklok sa sarili ko sa bumabagang apoy.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya patitigilin. Mas lalo ko siyang inudyok at dahil doon ay lalo niya akong kinulong.
-
"Merry christmas." bati ko sa batang inabutan ko ng regalo.
Pasko, at pakiramdaman ko ay ngayon ko nararamdaman ang araw na iyon. Tinatrato kasi ako ng mga Esteban na parang pamilya na nila. At nalaman ko na hindi sila madamot na pamilya sa ibang tao. Lahat pala ng regalong binalot namin ay ipapamahagi sa isang ampunan at eskwelahan sa bulacan na matagal ng tinutulungan ng pamilyang Esteban.
"Salamat po." nangingiting tugon nito at kita ko ang saya sa mukha niya ng mahawakan ang malaking nakabalot na laruan.
Napatingin ako sa tabi ko ng may tumabi, at nakita ko si Greyson iyon. Umiwas ako ng tingin at kukunin ko sana sa box ang susunod kong ipamimigay ng unahan niya ako.
"Here." aniya ng ilahad niya sa akin ang regalo. Kaya inabot ko naman iyon sa susunod na bibigyan ko.
Bakit ba siya narito? Nandoon siya kanina sa isang line ng mga bata. Anong akala niya hindi ko kayang abutin ang regalo sa box?
"Bakit mo iniwan iyong hilera ng mga bata?" tanong ko at napahinga ng malalim.
"Nandoon naman sila Mommy." sagot niya kaya napailing ako.
"Ang tamad mo.." sabi ko kaya kita ko ang bigla niyang paglingon.
"What? I'm not.."
Hindi ko na siya sinagot dahil kahit magkaila siya ay kita naman. Napatingin ako sa kanya ng asikan nyya ako at umalis siya. Napangiti ako ng bumalik siya sa line niya.
"Ate.."
Napatingin ako sa batang naghihintay ng regalo kaya agad akong kumuha pa muli.
"Oh, sorry. Heto ang para sa 'yo."
"Salamat po."
Lalo naman akong napangiti. Tumingin ako sa pamilyang Esteban at hindi ko talaga akalain na meron silang programang ganito. Kaya naman pala sila yumayaman dahil binabahagi rin nila sa iba ang blessings na natatanggap nila.
"Maluwag na ibinibigay namin ang check na ito para sa the angel's foundation para sa mga batang naririto, at sa mga nangangalaga ng mga bata. At para rin madagdagan pa ang mga kwarto, school rooms, at para mapaayos ang ibang nasira. Hinihiling lang sana namin na hindi na ito lumabas sa publiko upang hindi mapahamak ang buong foundation."
Nasa stage sila Ma'am Maqi at Sir Gab na nagbibigay ng donation sa foundation. Kung iba siguro iyan ay tiyak na nais nilang malaman ang na-donate nila sa foundation, pero itong sila Ma'am ay gustong ilihim.
Nakaupo ako sa plastic chair habang nakikinig sa sinasabi ng mag-asawa. Napatingin ako kay Greyson na nasa stage rin at nakatingin sa akin.
God. Hindi ba siya nahihiya? Pati sa stage kung saan nagsasalita ang parents niya ay nagawa pa niyang tumingin sa akin na parang ako lang ang nakikita niya.
"Ate, titser ka po ba?"
Napatingin ako sa batang katabi ko at ngumiti ako sa kanya.
"Hindi pa, nag-aaral palang si Ate. Bakit mo natanong?"
Hinaplos ko ang buhok ng batang babae na nakilala ko na si Mandy. Naalala ko tuloy sila Kring-kring, Potpot, Chichay, Tolits.
Kumusta na kaya sila? Nagtitinda pa rin kaya sila ng sampaguita? Sana naman ay makapag-aral na rin ang mga batang iyon.
"Gusto ko po kayong maging titser. Ang bait niyo po."
Napangiti naman ako at pinisil ang matambok niyang pisngi.
"Hayaan mo, kapag naka-graduate at nakapasa ako sa board exam ay dito ako magtuturo para naman sa inyo ko unang magagamit ang natutunan ko."
Napangiti siya ng malaki at napayakap sa akin kaya natuwa ako habang hinahaplos ang buhok niya.
"Tila naging ka-close mo agad ang mga bata, Ate Juliet."
Napatingin ako kay Cienti na nasa unahang upuan ng van kung saan kami nakasakay. As usual, katabi ko si Greyson pero nakahiga at nakapatong ang ulo niya sa hita ko. Kaya hindi ako komportable sa kinauupuan ko dahil sa kanya.
"Bakit mo naman natanong?"
Pauwi na kami matapos ang maghapong pagpapasaya sa mga bata sa foundation.
"Wala lang, napansin ko lang na mahilig ka sa mga bata... Hmmm, paano kaya 'yan, ang isa d'yan ay inis at hate na hate ang mga bata?"
"Who said that I hate kids?"
Nagulat ako ng magsalita si Greyson. Akala ko ba tulog na 'to?
Naupo siya kaya lihim kong pinasasalamat na umalis siya sa pagkakaunan sa hita ko.
"Wala akong sinasabi na pangalan, Kuya." lumingon si Cienti at kumindat sa akin tila plano talaga niyang asarin si Greyson.
"Tsk." asik rito ni Greyson at umakbay sa akin bago isandal ang ulo sa balikat ko.
"Clingy." sabi ni Cienti at umayos na ng upo.
Hindi pinansin ni Greyson ang sinabi ni Cienti at napalunok naman ako ng singhutin niya ang leeg ko kaya medyo umilag ako.
"I have a gift for you." bulong niya at nakita ko na may kinuha siya sa bulsa ng jacket niya, "This is the sign that you are mine." aniya at nakita ko ang isang silver anklet na hugis kadena at maraming nakasabit. At ang mga nakasabit ay isang maliit na heart shape at may nakaukit na she's mine, may padlock rin na silver, at may silver na maliit na hugis bilog habang may nakaukit na GM.
Gulat ako dahil sa klase ng anklet ay tiyak akong mahal iyon. Yumuko siya kaya naalis din ang pagkakaakbay niya sa akin. Inabot niya ang paa ko at naramdaman kong isinuot nyya sa bukung-bukong ko ang anklet.
"Hinding-hindi mo ito mahuhubad dahil nasa akin ang susi.." aniya.
Umayos siya ng upo ng maikabit ang anklet at muli akong inakbayan kaya napayuko ako habang nakatingin sa sinuot niyang anklet.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang suot nyyang kwintas na ang nakalagay ay 'yung susi na sinasabi niya.
"See.." ngumisi siya at tumitig sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko nga ay hindi ko maalis iyon dahil sa padlock na maliit at ang anklet ay mukhang matibay na nanunuot ang lamig sa paa ko.
"You know the song 'All I want for christmas is you'." bulong niya at napahalakhak siya sa tenga ko kaya iniwas ko ang tenga ko sa kanya dahil nakiliti ako sa hangin na nagmumula sa bibig niya.