Puno ng luha ang aking mukha habang nakatayo at nakagapos ang kamay ko paitaas, habang nakasandal ako sa isang pader. Pagising ko ay agad na bumungad sa akin ang isang warehouse na tila naging tambakan ng mga gamit. At may ilang lalake na armado kasama ang lalakeng siyang dumukot sa akin. Nang maalala ko ang lahat ay napaiyak ako dahil na-kidnap ako. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. "Ikaw! Gusto mo bang manood ng isang palabas?" tanong ng lalakeng dumukot sa akin. Nagtawanan ang apat pa niyang kasama tila ba may nakakatawa sa sinabi ng lalake. Umungol lang ako dahil may pasak sa bibig ko na isang tela. Kahit anong pilit kong kumawala ay hindi ko magawa, dahil maging ang paa ko ay hindi ko rin magawang matanggal sa pagkakadena. Nag-iinuman sila at tumayo ang

