Sinuklay ko ang buhok ni Greyson habang nakaunan ang ulo niya sa hita ko. Napapangiti ako dahil hindi ko akalain na agad din kaming magkakabalikan. Masaya ako dahil kitang-kita ko ang excitement at tuwa sa kanya ng malaman niyang magkakaanak na kami. Kaya nga kinabukasan palang ay gusto niya akong dalhin sa hospital ng Lolo niya para daw ipatingin ako. Sinabi ko naman sa kanya na nagpatingin na ako. At agad na naman siyang sinumpong ng selos ng malaman na sinamahan ako ni Stephen at ito pa daw ang unang nakaalam na buntis ako kesa sa kanya. Kung hindi ko lang pinagbigyan muli ay baka sinusumpong pa ito. Mahal na mahal ko na talaga siya, kaya kahit anong sumpong nyya ay ayos na sa akin, ang mahalaga ay tanggap niya na magkakaanak na kami. Nagpa-drive siya sa bodyguard niya dahil wala daw

