Nagkaroon ako ng medical examination para malaman ko kung talagang nagalaw ako ni Lincoln. At sobra-sobra ang pasasalamat ko ng lumabas ang result na hindi niya ako ginalaw. Pero ang mas nagpagimbal sa akin ay ang malaman kong dalawang linggo na pala akong nagdadalang tao. Tama ang hula sa akin ni Lola, pero hindi pa ako naniwala. Mabuti na lang at walang nangyari sa baby ko. Masaya ako dahil magkaka-baby ako, pero nalulungkot ako dahil ang ama nito ay sinaktan ako. Balak kong magturo sa malayong lugar na hindi na muli magtatagpo ang landas namin ni Greyson o sino pa man. At nagpapasalamat ako kay Stephen na tinulungan ako. Siya ang nagbayad lahat ng medical examination ko, maging ng check-up ko. At sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya ng sabihin niyang may alam siyang lugar na malayo

