MASKULADANG PROMDE
DISCLAIMER
This story is a work of fiction. Any resemblance to actual characters, person, living or dead, place, or actual events is purely coincidental. And for the stupid adult humor contain was created strictly for comedy purposes.
No offense is intended toward any products or individuals featured in this story. ?
Note: This is my first story guys. Hindi ako perfectionist na manunulat hindi maiiwasan na makaka encounter kayo ng mga typographical errors, wrong spellings and wrong grammar. correct me if I'm wrong (sa comments section) willing naman ako matuto guys. Sana magustuhan n'yo. Sa lahat ng may mga dinaramdam d'yan pagkasawi man yan, pagkabigo, kawalan ng pag-asa. you must read this guy's. Hindi lang ito kwentong pag- ibig. Kwento din ito ng pagbangon ng mga taong nawawalan na ng pag- asa sa buhay. Sana magustuhan at makatulong sa inyo . Keep safe everyone!
*****
CHAPTER 1
Sibal's POV
"Ate!!" Sigaw ng bunso kong kapatid na si Pretty. Pretty pero mukhang bakulaw hahaha.
"Ano? ke aga aga iyang bunganga mo abot na sa kabilang bundok!" Singhal ko sa kanya
"Ano kasi.."
"Ano?" tanong ko sa kanya
"E, ano kasi ate.."
"Anak ka ng ita, Pretty! Ano ka ng ano diyan di mo pa sabihin. Aanohin kita diyan e!" iritable kong sabi sa kanya.
" Hehe.. E, an-- Aray naman ate! ano ba!?" Hindi na n'ya natuloy sasabihin n'ya at pinukol ko na s'ya ng tsenelas sa mukha
"Ewan ko sa'yo! ano ka kasi ng ano. para kang tanga!" inis ko na saad sabay alis ko sa harapan n'ya upang maghanda ng kakainin namin ngayong umaga.
"Kainis naman tong si ate e." rinig ko pang reklamo ng kapatid ko.
"ATE! KINUHA AKONG MUSE SA SCHOOL KO. ILALABAN DAW AKO SA IBA'T IBANG ESKWELAHAN SA DARATING NA BUWAN!!" mula sa kwarto namin ay rinig na rinig ko ang sigaw n'ya. Punyeta talagang bata to e. Nalaglag na ata ang turnilyo sa utak kaka cheer dance.
"Siraulo ka ba! sisigaw sigaw ka pa e nandyan lang ako sa kusina. akala mo naman nasa magka bilang bundok tayo."
"Si ate umagang umaga highblood e ."
"Sinong hindi e. nakaka bwusit yang boses mo. Daig mo pa yong naiipit sa pinto. E, ano namang naisipan ng mga guro mo? "
"Sinabi ko naman sa kanila ate na wala tayong pera para matustusan yong mga kailangan ko don. Ang sabi naman ng punong guro doon ay sila na bahala."
"Aba ay dapat lang dahil yong kinikita ko sa pagkakargador ay kulang pa sa pambili ng napkin mo!"
"Ate naman..." reklamo n'ya.
"Ay naku ka, Pretty . Maghanda ka na diyan at ma le late ka na naman. Tatawid ka pa ng ilog." Sabi ko at pinagpatuloy na lang ang pagluluto. nag prito lang ako ng itlog na fresh from the nest at saka talong na pinuti ko mula sa munti kong hardin.
Pagkalipas ng kalahating oras ay okay na ang niluluto ko. hinanda ko iyon sa munti naming lamesa ni, Pretty.
"Hoy, pangit! kakain na!" pang aasar ko sa kapatid ko. Maya maya naman ay lumabas na sya ng kwarto na naka busangot suot ang kupas n'yang yuniporme. Napa buntong hininga na lang ako. Apat na taon na rin ang palda n'ya at ang blusa naman n'yang puti ay naninilaw na ang kulay.
"Sahod ko sa linggo. sumama ka sa akin sa bayan ah. Para sakto yong bibilhin ko na uniform sa iyo." Nanglaki naman ang mata n'ya sa sinabi ko at sandaling napatigil pa sa pagkain.
"T-talaga, Ate?" tanong n'ya na nangingislap ang mata.
"Oo naman." simpleng sagot ko.
"Thank you, Ate." Sabi n'ya sa akin at ngumiti bago ipinagpatuloy mula Ang pagkain.
Kami na lang kasing dalawa ang magkaramay sa buhay. Ulila na kami sa ama't ina. Bagaman at may mga kaanak pa kami ay wala din naman itong pakialam sa amin. Bata pa lamang kami nong aksidenteng nabangga ang tricycle ni tatay na ginagamit sa pagdi deliver nila ni nanay ng gulay sa bayan. Limang taong gulang noon si Pretty at ako naman ay sampong taon lamang. Dahil nga ay salat kami sa ano mang bagay at hirap ng buhay ay sanay na ako sa mabibigat na gawain. Hindi naging madali ang nangyari noon dahil kina ilangan kong huminto sa pag aaral para maalagaan ko noon ang Limang taon na batang si Pretty. Mahirap man ay nakaya kong buhayin mag isa si Pretty.
"Ate, aalis na po ako " pagpapaalam ni Pretty
"Sige, mag iingat ka sa pagtawid mo sa ilog." paalala ko pa.
"Opo, Ate." rinig ko pang sagot n'ya at maya maya ay rinig ko na ang mga hakbang n'yang papalayo.
Malayo kami sa kabayanan. Wala din kaming kapit bahay na malapit. Sa tuktuk kasi kami ng bundok nakatira at ang malapit lang na kapit bahay namin dito ay si Mang Pedring na nasa paanan ng bundok nakatira. kung kaya't lahat ng kakailanganin sa pagluluto ay meron akong tanim gaya na lamang ng sibuyas, bawang at iba pang pangunahing sangkap pati na rin paminta ay meron din. Bumibili na lang ako ng supot supot ba asin at bitsin sa bayan dahil hindi naman na itatanim yon. May mga alaga din kaming mga hayop ni Pretty. Isa din iyong dahilan kung bakit hindi ko maihatid si Pretty. Meron akong alagang kalabaw na si Max dahil kung mag trabaho ito sa bukid ay bigay todo. May aso din kaming si Betchay, at pusa na purong itim na si Akii. Karamihan sa alaga kong hayop ay manok, kambing at baboy. may kanya kanyang kulungan ang mga ito dahil hindi pwedeng hindi ikukulong ang mga baboy at kambing dahil may mga tanim akong mais na bago pa lang tubo saka isa pa baka makasira iyon ng pananim ni Mang Pedring mabuti na ang nag iingat. Naipundar ko ang mga yon dahil pinaglalaanan ko ay ang pang kolehiyo ni Pretty. 1sang taon na lang ay ga graduate na sya ng senior high.
Teka, ako nga pala si Percival "Sibal" Illustre dalawang po at limang (25) taong gulang. Napakilala ko na ang mga hayop ko. Sarili ko pala ay hindi pa.
Pagtapos kong abyarin lahat ng mga hayop ay saka naman ako naligo para bumaba ng bayan. Isa akong all around kargador sa palengke at pag minsan naman ay may kumukuha sa akin sa bodega. Madalas din akong mag labor sa construction site sa bayan.
Pagka tapos ko maligo ay nagsuot lang ako ng pantaloon ko at isang malaking t-shirt na pinanlooban ko ng sando at mamaya ay huhubadin ko ang t-shirt ko. Nagdala na din ako ng towel. Nang masigurado kong okay na ang lahat ay napag desisyonan ko na ang bumaba ng bundok.
Makalipas ang 15 minuto ay narating ko din ang bayan. Nagtungo na agad ako sa palengke at tamang tama lang ang dating ko at bago pa lang nagbababa ng pangarga ang truck ni Ma'am Sara
"Oy! Sibal! Nandyan ka na pala?" bati ni Sir Justine sa akin
"Good morning, Sir. Opo. kadarating ko lang din po." Magalang kong sagot bago buhatin ang isang sakong repolyo.
"Kumain ka na?" tanong ng matanda. Wala naman akong masabi sa ugali nitong mag Asawa na ito. sobrang bait nila sa akin na halos sila na din ang tumutulong sa akin.
"Opo, Itang."
"Mabuti naman. Pero kung nagugutom ka ay pumasok ka na lang dito sa kusina." Saad nitong muli bago pumasok sa malaki nilang tindahan.
"Anak! naku itong batang ito talaga.. bakit ba iyang mabibigat ang binubuhat mo?" Napa lingon ako pagkababa ko ng isang sakong repolyo sa sumigaw. Si inang lang pala. Itang at inang Ang tawag ko sa mag asawang ito dahil para ko na silang magulang.
"Hindi naman iyon mabigat, inang." Sabi ko at lumapit sa kanya upang mag mano.
"Kaya hindi ka nagkaka nobyong bata ka e. Paano ka bang aakyatan ng ligaw ng mga kalalakihan dito sa atin e lahat ata sila takot sa'yo sa laki ba naman ng braso mo."