REIN's POV Namadali akong ligpitin ang mga gamit ko para makauwi na agad. “Chill Daisy, nasa gate lang ang romeo mo.” napatingin ako kay Maine na nakapamewang pa. “Oy hindi ah.” maikling sabi ko, at sinukbit na ang bag ko at binitbit ang mga libro ko. “Okay kana?” Tanong niya at kinuha na din ang bag niya. “Medyo okay na ko, kaya ko ‘to,” sabi ko at ngumiti sa kaniya, aaminin ko hindi talaga mawala sa utak ko na wala na si mama. Akala ko mauuna pa ko sa kaniya nung nasa panahon na nasa hospital ako pero ‘yun pala inunahan niya na ko. “Una na ko sa bahay ah, may date pa ata kayo.” mapangasar niyang sabi kaya namula ako sabay hampas sa balikat niya. “Aww! Tsk, okay kana nga talaga,” sabi niya at sabay hampas din sa’kin, at niyakap niya ko. “I’m glad okay kana, please Daisy wag ka

