KNIGHT's POV Ilang linggo na ang nakakalipas nung nailibing si tita Sarah, okay naman si Daisy pero hindi na siya sing saya nung dating siya. Tahimik siya minsan at parang ang lalim ng iniisip laging tulala at malungkot. Napapabayaan niya na din ang katawan niya kaya lalo siyang namayat at ang grades niya bumaksak na. “Daisy.” tawag ko sa kaniya kasi tulala na naman siya at nakatingin sa mga tanim kong halaman. “Ah sorry Knight kailangan mo ba ng tulong?” Umiling ako. “Amm may sinasabi ka bang hindi ko naririnig? Sorry ah, hahaha.” tumayo ako at lumapit sa kaniya, tumabi ako sa pagkakaupo niya at hinubad ang mga gloves ko. “Daisy.” nangangatog ako pero ginawa ko pa din, niyakap ko siya ng mahigpit at kinulong sa bisig ko. “Ki-knight? Ba-bakit?” hindi ako nagsalita at hinayaan ko

