"Ano? Payag kang mag-date tayo ngayon?" untag ni Fiel sa dalaga nang matahimik ito. "Gusto ko sana kaso kailangan na nating magpahinga dahil may kailangan pa tayong kunin riyan bukas ng gabi," paliwanag ni Aurora sabay turo sa may talon. Napatawa si Aurora sa reaksyon ng binata. Nagmistula itong bata na kakamot-kamot sa ulo. Cute! "After nating makuha ang espada sa may talon, mag-dedate tayo. Siguraduhin mo lang na sa magandang lugar mo ako dadalhin dahil kung hindi ay malilintikan ka talaga sa akin." "Pinangarap ko talagang magkaroon ng matapang na asawa. Pa-kiss nga ako." "Kapal nito. Nakakarami ka na." "Sige na, kahit isa lang. Bahala ka, ikaw rin, hindi ka makakatulog nang maayos kapag 'di mo natikman ang halik ko bago ka matulog. Baka katukin mo ako mamaya para manghingi ng kis

