"Diyan ka lang muna, dok, kukunin ko lang ang espada upang makauwi na tayo," paalam ni Aurora sa binata. Akmang tututol pa sana si Fiel subalit iniwan niya na agad ito. This is too much! himutok ni Fiel sa sarili dahil imbes na makatulong ay naging pabigat pa siya sa dalaga. Si Aurora naman ay walang inaksayang oras, sinuntok at pinagtatadyakan ng dlaga nang ubod lakas ang bato hanggang sa magkaroon ito ng bitak. Sinubukan n'ya uli ng ilang beses. Napangiti na lang s'ya nang humiwalay na ang espada sa mismong bato. Humanga s'ya sa ganda ng espada. Alam n'yang napakatalas nito kung gagamitin. Hindi pa s'ya tapos sa pagsuri sa sandata nang sumigaw ang binata. "Mahal ko, kailangan na nating umalis dito baka masama tayo sa paglubog ng kwebang ito!" Pagtingin ng dalaga sa may bungad ng k

