Napasinghap ang dalaga dahil sa sinabi ng ama niya. "Please, papa, huwag po kayong magsalita nang ganyan. We will get through this. Ang kailangan lang nating ay labanan si Morgana." "You're the most precious in our life, Aurora. "Magpahinga ka na at bukas ay mag-usap ulit tayo." "Sige po, papa." Nang tumalikod na ang ama ay saka lang ng dalaga isinirado ang pinto at nagbabalak na sanang humiga nang may maalala. Patakbo niyang binuksan ang pinto subalit tumambad sa harapan niya ang si Gray na may dugo pa ang puting damit. "Anong nangyar—What the h-he—" Hindi niya na natapos ang sasabihin dahil nawalan na siya ng malay. Nang magising si Aurora kinabukasan ay nagkakagulo ang mga kalahi niya. "Ano'ng nangyari?" tanong niya sa isang babae na tumatakbo palabas ng kubol na kinaroroona

