"Saan ba ang punta natin ngayon? Sigurado ka ba talagang sa Garantiara ang tuloy natin?" pag-uusisa ni Aurora sa kaibigan. Nagbubulungan lang naman sila ni Leora para hindi sila marinig ng mag-amang nasa unahan lang ng sasakyan. Naglagay rin si Leora ng barrier sa pagitan nila kaya malabo talaga silang marinig ng dalawang mortal. "Sa Luneta Park." "Letse ka! Hindi naman ako nakikipagbiruan sa iyo, eh." Kulang na lang ay batukan niya ito dahil sa kagagahan. Kanina pa sila nag-uusap tungkol sa lugar na una nilang pupuntahan which is according to her battle-loving friend ay una nilang pupuntahan ang Garantiara. Mayamaya naman ay sinabi nitong sa Disyerto ng Ternakob at ngayon nga ay sa Luneta Park na naman. "Ako rin naman, eh. Bakit kaya hindi ka na lang matulog, no?" Tumingin ako sa lab

