NANG ihatid ni Yfraim si Iris sa lagusan at makita ang dalawang mapagkakatiwalaang kasamaan ay saka lang nakampante ang loob niya. Kapag iniisip niyang kamuntikan na na gumulong ang ulo niya ay kinikilabutan pa rin siya. Ang tanging katanungan na nangingibabaw sa isipan niya ay kung bakit hindi siya nagising nang may nahangas na pumasok sa meeting hall? Ilang daang taon niyang sinanay na tumalas ang pakiramdam kapag may kalaban pero kanina ay pumalya ang kakayahan niyang iyon at kung hindi pa dahil sa lobong isinumpa ay mawawalan ng hari ang bundok. Ang ibang katanungan pang gumugulo sa isipan niya ay kung bakit nakapasok ang mga bampirang iyon sa silid ng pagpupulong gayong may barrier din na inilagay si Sapiro sa silid? At bakit nakapasok ang mga kalabang bampira sa bundok kung may h

