Nang tingnan ni Arnold ang relong-pambisig ay nakita niyang alas tres pa lang ng madaling-araw. Minabuti niyang layuan si Aurora kaninang hating-gabi dahil nagugutom siya at ang imortal na katulad ni Aurora ay isang pasakit para sa kanya sapagkat kumakalam nang husto ang sikmura niya. What he said was true about not eating a human dahil sinanay na siya roon mula pagkabata pero kapag may kaharap siyang imortal ay pinapahirapan siya ng sumpa ng pagkatao niya bilang aswang at iyon ang pagkatakam sa laman. Nagkataon lang talaga na kaya niyang kontrolin ang sarili niya kaya hindi niya kailanman sinubukang kalimutan ang nakagawian niya. Dahil nga tabing dagat ay presko ang hangin at magandang pakinggang ang tunog ng alon na humahampas sa dalampasigan. Ang ganitong uri ng lugar ang nagpapaala

