"Jahe talaga ang magkapatid na iyon!" sigaw ni Leora dahil naisahan siya ng mga ito. Kung may gusto man siyang madagdagan sa ability niya—na imposible naman na mangyari—iyong pagbasa ng isip ng ibang nilalang. Sa tingin niya ay lahat ng laban ay maipapanalo niya kapag nalaman niya kung paano susugod ang mga ito at higit sa lahat ay hindi siya maiisahan ng dalawang magkapatid na kwatog. "May araw din kayo sa akin!" pagmamaktol niya at nag-teleport papunta sa Alabaskar. Nang mawala ang dalaga ay saka nagpakita ang anino sa isang puno. Isang ngisi ang pinakawalan niya sa mukha nito. "Kung nakuhang makaligtas ng hari niyo, pwes, hindi ang matandang mortal dahil ngayong gabi ay tatapusin ko na ang buhay niya!" Naglakad siya papunta sa tinutuluyan ng matanda at nagmasid. Nasa bintana ito at

