"MARUNONG ka bang magpatakbo nitong bangka?" tanong ni Aurora kay Arnold. Ilang dipa pa ang layo ng baka sa dagat kaya pinagtulungan nila itong buhatin na dalawa. Natatanaw na nila ang mga mangingisdang padaong galing sa dalampasigan mula sa pangingisda kagabi. "I was a fisherman before. My family were a fishermen too dahil sa isla kami nakatira kaya naman ay sisiw sa akin ang magpatakbo ng de-motor na bangka. Ilapag na natin dito at sumakay ka na dahil baka mabasa ang sapatos mo. Buti ako ay nakatsinelas lang kaya walang problema." Sumampa sa hindi kalakihang bangka at umupo sa tabla na ginawang upuan sa gitna. May tabo siyang nakita sa mismong bangka. Itinaas niya iyon. "What's the use of this?" "Gamitin mo iyan kapag may tubig riyan sa sahig ng bangka," sagot nito sa kanya at itinu

