"What?" Nagulat ang dalaga sa sinabi ni Arnold. Ang ibig ba nitong sabihin ay halos lahat ng populasyon sa islang ito ay naubos ng isang gabi lang? Halos lahat dahil may isang survivor at si Arnold nga iyon. Kahit sino naman ay magugulat sa sinabi ng katabi niya dahil kung Engineer ka at magaling sa sukatan ay matatantiya mo kung gaano kalawak at kalaki ang islang kinaroroonan nila ngayon. Ibig sabihin ay kung gaano kalaki at kalapad ng dalampasigan na inaabot ng low tide ay hanggang doon din ang mga buto ng kasamahan ni Arnold dati at ang iba ay pamilya pa nito! In this island is where he lived before and if she'll be the one to choose the metaphor to make a sentence—this island is where Arnold died a long time ago. Kahit nga siya noong mamatay ang mommy niya ay tila namatay na rin an

