"Woah!" sigaw ng dalaga. "I can't believe na natalo kita sa paligsahang ikaw mismo ang nakaisip." Dinunggol niya pa si Arnold na pasan ang dalawang malalaking usa sa balikat. Naglalakad na sila pababa sa paanan ng bundok. They only took twenty minutes for them to hunt. Hindi gaanong maiilap ang mga hayop sa isla at ang dami pa kaya nakahuli agad sila. Ang totoo niyan ay sabay lang silang nakahuli ng hapunan, nagkataon nga lang na malaki ang nahuli niya kaya siya ang panalo. "Oo na, natalo mo na ako. Ano ang gusto mong luto sa usang 'to, mahal na prinsesa?" "Para ka namang may kaldero kung makapgtanong ka. Natural na sa inihaw lang ang bagsak ng lahat ng karne ma iyan." "Nakalimutan mo na bang tirahan ang islang 'to dati at kumakain ng mg lutong karne ang mga aswang na nakatira dito?"

