NANG makaalis si Aurora ay saka lang kumalma ang mukha ni Leora. Sa totoo lang ay naiintindihan niya ang kaibigan. Mahirap mamili sa dalawang taong mahalaga sa iyo and maybe the best thing to do is to choose what is right. Ang totoo niyan ay naguguluhan din siya. May mga katanungan sa isipan niya na mahirap bigyang kasagutan katulad na lang kung sino talaga ang umatake kay Aurora gayong kasama niya ang katipan nang buong magdamag? Kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa mga kabatang lobo? At kung sino ang nakalaban ni Sapiro na sinasabi nitong umatake sa lalaki? Kahit anong piga ang gawin niya sa isipan ay hindi siya makakuha ng kahit kaunting kasagutan. Hindi kaya may nakapasok na kalaban sa bundok nila? Pero imposible rin ang naisip niya dahil ang tanging daanan na lagusan ay par

