Pasilip-silip si Aurora sa labas at hinihintay ang ama niya. Hindi gumagana ang orasang-pambisig niya sa lugar kaya hindi niya alam kung anong oras na. Ngayon ang tungo nilang mag-ama sa Tenebris Agro kung saan naroon ang ina n'ya ayon na rin sa salaysay ng ama niya. "Aurora!" Isang katok sa bintana ang kumuha ng atensyon niya. Dagli niyang tinungo ang bintana at sinilip ang kung sinomang nandoon. "Papa!" Her father gestured not to make a loud sound. "Aalis na tayo. Nakahanda ka na ba?" "Opo..." paanas niyang sagot dito. "Kung gayon ay tayo na." Tumalikod siya at kinuha ang bag na dadalhin sa pag-alis. Papunta na sana siya sa pinto nang sitsitan siya ng ama. "Huwag ka riyang dumaan. Dito ka na sa bintana. Bilisan mo!" Nagtataka man sa utos ng ama ay mas pinili niyang sundin na

