"So, saan ang unang punta natin nito?" tanong ni Leora sa kaibigan. "Shhh..." saway ni Aurora at sinuyod ng tingin ang kakahuyan. "Bakit?" "May naramdaman akong nagmamasid sa atin. Sa bandang iyon!" Inginuso ng dalaga ang kasukalan. Nagtanguan sila at sabay na nawala sa kinaroroonan subalit wala na silang naabutan sa lugar kung saan naramdaman ni Aurora ang presensya. "Wala naman, ah. Wala rin akong maamoy na kakaiba rito." "Weird," bulong na lang ni Aurora sa sarili. Sigurado siyang may ibang nilalang bukod sa kanilang dalawa ni Aurora sa lugar. Ang pinagtataka niya ay kung bakit wala man lang naiwang bakas sa lugar na tinapakan ng kung sino man na nagmamanman sa kanila. "Tara na. Baka hayop lang iyong kaluskos na narinig mo at nang maramdaman na papalapit tayo ay tumakbo palayo

