CHAPTER 2

1174 Words
Naririnig ni Fiel na humihikbi si Aurora sa loob ng clinic. Ilang araw na rin ang nakakaraan mula noong gabing iligtas nila ang sambahayan nito sa mga kawatan. Buti at walang masyadong nasaktan sa nangyari. Ligtas naman ang ama nito na kasama sa kasalukuyan ang pinag-aral nitong pulis. Kinausap sila ng ama ng dalaga na hangga't maari ay sa kanila na muna ang dalaga at kahit nagtataka ay hindi na rin sila nag-usisa pa. Sa ilang araw na inilagi ng dalaga sa pangangalaga nila ay may kakaiba s'yang pakiramdam dito na hindi n'ya matukoy. Nalulunod siya sa amoy nito kaya 'di siya masyadong naglalalapit sa dalaga. Pumasok na siya sa silid upang makita si Aurora at alamin ang kalagayan nito. Siya rin kasi ang personal na nag-aalaga sa dalaga kaya madalas niya itong naririnig na umiiyak katulad na lang ng nagyayari ngayon. Pero minsan naman ay si Gray ang nagbabantay rito kapag walang ginagawa ang kaibigan. Pinagmasdan n'yang maigi ang hitsura nito—may makitid na matangos na ilong; maninipis at natural na mga mapupulang mga labi; makinis at mapupulang mga pisngi; perpektong kilay na animo'y nililok pa ni Michael Angelo; lahat ng mga katangiang iyon ay pinagsama sa hugis pusong mukha ng dalaga. Every inch is a lady. Nasa ganoon siyang ayos nang maramdaman n'ya ang presensya ni Gray. "It's not polite to stare a sleeping beauty, Fiel, you know," mapanukso nitong sabi sa kanya. "Kumusta siya?" "Balisa pa rin hanggang ngayon. Katulad ng una natin siyang dalhin dito ay umiiyak pa rin kahit natutulog." "It's not easy for her lalo na't dahil nakita n'ya ang ama n'yang sinasaktan. Bakit 'di mo gamitan ng—" "Illusion?" putol n'ya sa sasabihin sana nito. "Sinubukan ko ngunit hindi tumatalab sa kanya." Nakita n'ya ang pagkagulat sa mata ni Gray, kahit s'ya rin ay nagulat nang unang matuklasan ito. First time n'yang makakilala ng taong 'di tinatablan ng kakayahan niya. "Ano s'ya, Shield?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. "Imposible, dahil kung Normal New Born siya ay kaya n'yang tapusin ang mga lalaking 'yon at isa pa, dapat naramdaman na natin 'yon doon pa lang sa airport." Tumango-tango si Gray bilang pagsang-ayon sa sinabi n'ya. Naging malaking palaisipan tuloy sa kanila ang dalaga. "Dad!" biglang sigaw ni Aurora. Sabay pa silang napatakbo ni Gray sa gawi ng dalaga dahil sa biglaang pagsigaw ng babae. Katulad ng mga nagdaang araw ay umiiyak na naman ito. "Sinaktan nila ang daddy ko ng walang kalaban-laban. Ang sakit sa akin na makita s'yang masaktan para lang maprotektahan ako." Humahagulhol na ito ngayon. "Hush! Don't worry, everything is ok now. Maayos ang kalagayan ng daddy mo. Ang kailangan mong gawin ngayon ay magpagaling," pag-aalo ni Gray sa dalaga. Tumango-tango ito subalit umiiyak pa rin. Napabuntong-hininga na lang si Fiel sa kawalang magawa. Alam n'yang hindi madali ang pinagdaanan nito kaya ganoon na lang ang pag-iyak nito. Normal na yata sa mortal ang maging mahina at ang pagiging maramdamin. After how many days ay maayos na ang kalagayan ng dalaga lalo na nang makausap ni Aurora ang daddy nya. "Diyan ka na muna sa kanila, hija, pasensya na kung hindi na ako nakapagpaalam sa iyo. Something just really came up. 'Wag mo akong alalahanin dahil kasama ko naman si Jethro. Panatag akong kasama mo sila." Naaalala n'ya pang sabi ng daddy noong huling pag-uusap nila. Masaya s'ya na ligtas sila kahit hindi niya na maalala ang nangyari ng gabing looban sila. Ayaw n'ya ring isipin ang nakaraan dahil nalulungkot s'ya at aminin man niya sa sarili o hindi ay nakakarandam pa rin siya ng takot kapag naaalala ang nangyari. Kamuntikan nang mapahamak ng daddy niya dahil lang sa kasakiman. Nagpakawala siya ng mahabang buntong-hininga upang matanggal ang bara sa dibdib nya. "Kumusta ka na, ganda?" bati ni Leron sa kanya. Halos mapalundag siya sa gulat dahil hindi n'ya man lang namalayan ang pagdating ng apat na lalaki. Matatangkad ang mga ito at duda siya kung walang mga matitigas na masel sa katawan ng bawat isa kaya imposible na maging magaan ang bawat paghakbang ng mga ito. "Okay na ako at dahil 'yon sa inyo. Maraming salamat talaga," nakangiti n'yang sagot sa binata. Pinagmasdan n'ya nang maigi ang apat. Aakalain mong mga Diyos ng Olympus dahil sa angking kagwapohan ng bawat isa. Iba't-iba ang katangian ng mga ito. Si Leron at Thor, bagaman at minsan n'ya lang makasama ang mga ito, para sa kanya ay may pagkamisteryoso ang dalawa. Thor has his golden brown eyes while Leron has his own green eyes. Si Gray naman para sa kanya ay napakagaan ng aura dahil parati itong nakangiti. Sa tingin niya ay sobrang puti nito kaysa sa tatlo, may kahabaan rin ang ginto nitong buhok. Gray has amber eyes. Si Fiel naman, para sa kanya ito ang pinakagwapo sa lahat, crush n'ya ito sa totoo lang. Clean cut ang parating naka-ayos nitong buhok. Kulay blue ang mga mata nito, gwapo, seryoso at kahit isang beses ay hindi n'ya pa 'to nakikitang ngumiti ngunit 'di rin naman s'ya sinusungitan. May mga pagkakataon na kinakausap siya nito, ayon nga lang, kinakausap lang siya nito tungkol sa kalusugan niya. Parating nakasuot ng laboratory coat at—gloves? Ito rin ang napansin n'ya sa tatlo, bukod sa gloves ay naka-coat din ang mga ito na parang si Vin Diesel sa The Last Witch Hunter. Baka takot umitim, bigla s'yang natawa sa kalokohang naisip n'ya. Bigla s'yang nakaramdam ng hiya nang tumikhim si Leron. "Sorry." Naipanalangin n'ya na sana bumuka ang lupa at lamunin na lang s'ya dahil sa kahihiyan at kalokohang ginawa. Ngumisi naman si Gray sa kanya na nakasanayan na yata nitong gawin. Samantalang si Fiel ay blangko naman ang hitsura. "Nasabi na ba sa iyo ng daddy mo na rito ka na muna sa amin habang nasa ibang bansa pa s'ya?" mayamaya pa ay tanong sa kanya ni Thor. "Yup, okay lang ba talaga sa inyo? Pwede naman akong umuwi sa bahay at kumuha na lang ng private army para magbantay sa akin." "Don't worry, okay lang sa amin 'yon. Masaya nga kami na may tiwala kayo sa amin, lalo na ang daddy mo," sagot naman ni Leron. Tumango na lang si Aurora at ngumiti sa mga ito dahil sa kakulangan ng sasabihin. Sa apat naman ay pabor ang pagtira ni Aurora sa kanila lalo na at hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanila ang abilidad ng dalaga. Napagkasunduan na nilang apat ang tungkol sa bagay na iyon. Hindi lang si Fiel ang nagtataka sa katauhan ng dalaga kundi ang tatlo n'ya pang mga kasama. Mabuti na nga lang at ang ama nito ang kusang nakiusap na kung maaari ay nasa kanila na muna ang dalaga hangga't inaasikaso pa nito ang nangyari ng gabi ng insidente. Bagama't hindi n'ya masyadong kinikibo ang dalaga, inaamin n'ya ang pagnanakaw n'ya ng tingin dito minsan lalo kapag tulog si Aurora. Hindi ito katulad ng ibang babae na nagpapakita ng motibo subalit 'di rin naman lingid sa kaalaman n'ya ang minsang pagtitig nito sa kanya kapag may ginagawa s'ya. Mas malapit ito kay Gray kaysa sa kanilang tatlo dahil nakakakulitan ng kaibigan minsan ang dalaga kaya alam n'ya na hindi ito masyadong maninibago kapag dinala na ito sa tirahan nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD