CHAPTER 3

1688 Words
Nakatanaw si Aurora sa kawalan nang dumating si Gray na may dala na mansanas at ibinigay sa kanya. "Thanks dito. Nagsawa ka nang dalhan ako ng seafoods?" nakangiti n'yang tanong sa binata. Hindi pa ito pumalya sa pagdala ng pasalubong para sa kanya. Nginisan muna s'ya nito bago nagsalita. "An apple a day keeps the doctor away. My bad! Hindi mo na nga pala kailangan n'yan dahil 'di ka nga pala nilalapitan ni doc." Kinindatan pa s'ya nito. Sa inis niya ay hinampas n'ya ito ngunit tumawa lang ang binata nang malakas bago ulit nagsalita. "Kay Doc galing 'yan, pinapabigay sa iyo." "Bakit 'di s'ya ang nagbigay sa akin?" "Kasi po, wala po sya rito." "Akala ko pa naman ay nililigawan n'ya na ako." Tumawa s'ya kaya natawa rin ito. "Gutom lang 'yan kaya bumaba na tayo para kumain. Nasa baba na rin si Thor at Leron at kanina pa 'yon naghihintay. Mahirap pa naman gutumin ang dalawang iyon at naninipsip ng dugo." Binuntutan pa ng binata ng tawa ang sariling biro. Pagkatapos nilang kumain ay lumabas sila para mag-stargazing. Ang dalaga ang nakaisip ng ideyang iyon na sinang-ayunan naman ng tatlong kalalakihan. "Mga bituin ba talaga ang tinitingnan mo o may inaabangan kang iba?" tanong ni Leron sa kanya habang nag-uunat siya. "Mamaya pa uuwi si Fiel. Masyado siyang busy ngayon dahil sa dami ng pasyente na kailangan na asikasuhin," segunda naman ni Thor. Ngumisi lang si Gray. "Ewan ko sa inyong tatlo!" "Bakit nasali ako?" inosente na tanong sa kanya ni Gray pero nakangisi pa rin. "Obvious naman na ikaw ang nagsabi sa kanila na crush ko si doc, eh." "Inosente ako riyan." "Talaga lang, huh?" Itinaas ni Gray ang kanang kamay na animo'y nanunumpa kaya ngumiti siya. "So, crush mo nga si Fiel?" tanong uli ni Thor sa kanya. Tumango s'ya bilang sagot sa tanong nito. "'Wag niyong sasabihin, huh? Kukutusan ko kayo!" Ito ang unang pagkakataon na nakasama n'ya si Thor at Leron mula nang dumating s'ya, kadalasan kasi ay umaalis na ang mga ito bago pa siya magising. Si Doc Fiel naman ay hindi n'ya pa nakaka-bonding kahit isang beses. Obvious naman na iniiwasan siya ng binata na tila mat sakit na nakakahawa. Kinabukasan ay maaga s'yang nagising. Naisipan n'yang magluto ng agahan upang pasasalamat sa tatlo dahil sa pagsama sa kanya kagabi. Anong oras kaya dumating si Doc? Hindi n'ya na ito nahintay kagabi dahil nakaramdam na s'ya ng antok. Iwinaksi n'ya na muna si Fiel sa isipan at nagsimula nang magluto habang kumakanta kaya hindi n'ya namalayan na nasa likuran n'ya lang ang doktor. Patungo sana si Fiel sa kusina upang gumawa ng sandwich para sa dalaga nang maulinigan nya ang pagkanta ni Aurora; nasa kusina ito at may niluluto. They tried to romance me but you got that nasty and that's what I want So baby, baby, come and save me Don't need those other lovers when I've got my number one Last night, I laid in bed so blue 'Cause I realized the truth, they can't love me like you I tried to find somebody new Baby they ain't got a clue, they can't love me like you Hindi n'ya alam ang kanta subalit naaliw s'ya sa dalaga dahil habang kumakanta ito ay sinasabayan pa ng pag-indak. Maganda ang timbre ng boses nito kaya masarap sa tainga na pakinggan. Tatalikod na lang sana s'ya pero huli na dahil humarap na ito sa gawi nya. Mukhang nagulat din ito dahil bahagya pang nanlaki ang mga mata ng dalaga na sinabayan ng pamumula ng pisngi. "K-kanina ka pa riyan doc?" "Hindi naman, bakit?" pagkakaila n'ya sa dalaga. Ayaw niya nang gatungan dahil alam niyang nahihiya ito dahil sa sobrang pamumula ng pisngi nito. "Ano nga pala 'yang niluluto mo?" Halos mapangiti s'ya nang makita ang pagbuntong-hininga ng dalaga. Tila nakahinga ito nang maluwag dahil sa sinagot niya. "Bacon and hotdogs.  Gumawa rin ako ng sandwiches para makakain muna kayo bago umalis." Tumango-tango sya. Oo, kumakain sila—lalo na si Thor at Leron ngunit bukod sa pagkain ng pagkain ng mga mortal, umiinom din sila ng dugo. "Halika na, sabay na tayong kumain." S'ya na mismo ang kumuha ng plato at kubyertos para sa kanilang dalawa. "Sila Gray, Doc?" "Kanina pa nakaalis. Ako na muna ang kasama mo rito sa bahay ngayon." Nakita n'ya na ngumiti ito kaya agad uli syang nagsalita. "Ayoko ng makulit, Aurora, kung kaya mong ikulong ang sarili mo sa kwarto mo gawin mo para hindi kita maitapon sa labas." "Doc? Bakit ang sungit mo?" "Hindi ako masungit, ayoko lang ng makulit." "Hindi naman ako makulit.  Paano naman kita kukulitin, eh, 'di nga kita malapitan. Para kang mangangagat sa t'wing papalapit pa lang ako sa iyo. Salubong pa parati ang kilay mo na akala mo ay may kaaway parati," sabi ng dalaga sa pagitan ng pagnguya. Akala niya ay tatahimik na ito nang 'di na siya umimik ngunit nagkamali s'ya. "Doc?" Hindi niya ito sinagot sa pag-aakalang hindi na siya kukulitin ng dalaga pero, "Doc..." Hindi pa rin s'ya nag-aksayang sumagot. "Doc naman, eh, para na ako nitong baliw, salita nang salita pero 'di ka naman sumasagot. Bakit ba kasi napakaseryoso mo?" "Gusto mo bang sumakit ang tiyan mo dahil hindi ka natunawan dahil sa kadadaldal mo? Kumain ka nang kumain at nguyain mo nang maiigi ang pagkain na isinusubo mo." "Oo na, ikaw na ang doctor pero kasi, Doc..." "Aurora!" Nakita ng binata ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Aurora. "Yes, Doc?" "Pwede bang tumahimik ka na? Ako ang napapagod sa trabaho mo." "Grabe ka, Doc, ang hard mo naman sa akin pero sige, tatahimik na ako. Mami-miss mo rin ako pag-alis ko rito." Sa ilang araw na pamamalagi sa kanila ni Aurora ay wala pa rin silang ideya kung bakit 'di nila mabasa ang isip nito subalit wala siyang makitang kakaiba sa dalaga bukod roon. Si Gray ang kadalasan nitong kasama dahil may inaasikaso sila nila Thor at Leron. Nalaman nila na nasa Pilipinas din si Uerwan at nakikipagsabwatan sa hindi pa nila matukoy na kung anong nilalang. Hindi sila pwedeng magkamali ng kilos lalo na at may mortal silang kasama sa bahay. Si Thor ang naatasan n'yang kumalap ng impormasyon tungkol sa kinaroonan ni Uerwan dahil ito ang tanging may alam ng pasikot-sikot sa Pilipinas. Isa pang problema nila ay ang hindi pa natatagpuan na ipinapahanap ni Ezral. "You need to find them as soon as possible before the other vampires figure it out. We are running out of time, that's why I don't want to waste even a single minute. It's my only hope." Ito ang sinabi ni Ezral sa kanila bago sila umalis papuntang Pilipinas. Hindi n'ya alam kung bakit malungkot ang abuelo nang sabihin ang pinag-uutos sa kanila. Ito ang unang pagkakataon na nakita n'ya ito na tila walang magawa. Hindi rin nito magawang iwan ang konseho dahil may inaasikaso rin itong importanteng bagay. Sa totoo lang ay wala silang ideya kung ano o sino ang hinahanap nila, ang tanging mayroon sila ay ang kwintas na ibinigay sa kanya ni Ezral bago umalis. Maghapon na nasa kwartro lang si Fiel nang maisipan n'yang bumaba at tingnan ang dalaga. Hindi n'ya ito mahanap sa loob ng mansyon kaya napagpasyahan n'yang silipin ito sa sarili nitong silid. Nang lumingon ito sa gawi n'ya ay nagulat s'ya dahil umiiyak ito. Hindi niya inaasahan na makikita n'ya itong umiiyak dahil sa pagiging masayahin nito. Ano kayang dahilan ng pag-iyak niya? Dinamdam ba nito ang sinabi ko sa kanya? Pumasok sya at kaagad na lumapit dito. "Auro—" Hindi pa s'ya tapos makapagsalita ay sumenyas na itong 'wag s'yang maingay. Nakaharap ito sa laptop at may pinapanuod—Teenage Mutant Ninja Turtles? Bahagya pang nagsalubong ang kilay n'ya at bumuntong-hininga nang marinig ang isang linya sa palabas. "You should have seen the looks in their faces... It wasn't just fear, it was actually hate..." "It will be alright, my son. People fear what they do not understand." Hindi n'ya man sinasadya ay nakaramdam siya ng lungkot sa narinig. Totoo ang nasa palabas—kakatakutan at kakamunghian sila ng mga tao kapag nalaman ang lihim nila. Hindi sila maiintindihan ng mga tao... Kahit kailan. Wala sa sariling napatingin si Fiel sa dalaga. Sa totoo lang ay may kakaibang damdaming hindi n'ya kayang pangalanan ang umuusbong sa puso n'ya na akala n'ya ay matagal nang namahinga. Tatanungin n'ya sana ang dalaga kung bakit ito umiiyak gayong hindi naman nakakaiyak ang palabas nang mabigla s'ya nang yumakap ito sa kanya habang humahagulhol ng iyak. Sa lakas ng t***k ng puso niya ay halos mahirapan na s'yang huminga—na agad rin namang napalitan ng kapayapaan ng loob. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam s'ya ng kapayapan sa kanyang puso. Aurora is like a mirage that cast up of his troubled mind. Iniiwasan n'ya ito dahil ayaw n'yang mapalapit sa dalaga, dahil para sa kanya—ang kahinaan ng puso ay ang magiging sagabal sa misyon nila. Hindi n'ya ito kauri kaya alam n'yang walang maipapangako ang bukas para sa kanilang dalawa. Subalit iba ang nararamdaman n'ya sa mga oras na iyon, hindi kahinaan ng puso niya ang natuklasan niya—kundi ang kapayapaan na ilang siglo na n'yang inaasam... Dito, sa mismong lugar kung saan ay magkayakap sila ni Aurora. "Okay ka na?" tanong n'ya rito nang kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya. "Yes, Doc... H-hmm... S-sorry pala." "Sorry? Para saan?" "Sa pagyakap ko sa iyo, baka iniisip mo na tsumatsansing ako sa iyo." Natawa s'ya sa sinabi ng dalaga na tila ikinagulat naman nito dahil nanlaki ang mga mata nito. Hindi n'ya man aminin ay naaliw sya sa hitsura ng dalaga na sa kabila ng pagkagulat ay maganda pa ring tingnan. "Marunong kang tumawa, Doc?" tila ay gulat na gulat na tanong nito sa kanya. "Oo naman, ano'ng tingin mo sa akin?" "Ice water ang nananalaytay sa ugat?" salubong ang mga kilay nitong sagot sa tanong niya. Hindi n'ya naintindihan ang sinabi ng dalaga kaya bahagya pang napaawang ang labi niya. "Ang cold mo kasi  kaya ganoon," dugtong pa nito na nahalata yata na hindi n'ya naintindihan ang isinagot nito. Estranghero ang mga damdamin na nabubuhay ngayon sa kanya. Sa ilang siglong nabuhay silang apat ay pilit silang gumawa ng harang sa ibang nilalang—but here in this moment, hindi nya pinagsisihan ang pagwasak sa pader na ipinagitan n'ya sa kanilang dalawa ni Aurora... And yes! Finally, Fiel is free. Malaya na sa tila yelong nakabalot sa katauhan niya sa simula pa lang noong magkaisip siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD