Maruem "Sinabing hindi nga!" "Hindi ko naman sasabihin kay Leus, parang tanga naman ito eh!" "Tigilan mo na ako, Salome. Doon ka na sa upuan mo. Nabubulabog na ako sa iyong kakulitan. Kaunti na lamang at papaliparin na kita paalis ng barkong ito." Ngingi-ngisi na naman si Salome na sumipol at umalis sa harap ko. Ang hayop na iyon. Kinukulit ako sa nangyari kanina lamang dahil sa pagkahimatay ko. Takot daw ako sa babae, tsk. Sadyang nagulat lang ako makakita ng hubad na babae. Isa pa, hindi ko inaasahang mahihimatay ako! Nang magising ako kanina mula sa pagkahimatay ay ang nakangising si Salome ang bumungad sa akin. Si Leus ay inaasikaso ang kaniyang nobya na si Letosa. Sinakmal daw ni Letosa si Leus base sa pagkukwento niya sa akin. Mabuti na lamang at hindi kami nadamay. Normal laman

