Maruem "Gising na! Pupunta na tayo sa mismong bayan! Magsisimula na ang ating paglalakbay!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa paglagabog ni Salome sa aking pinto. Ikinalma ko naman ang aking sarili sa tangkang pagsiklab ng galit ko. Walang kahit sinong pwedeng bumulabog sa tulog ko, kahit sa aking pamilya. Alam nila kung gaano kainit ang ulo ko kapag kulang sa pahinga. Hindi ko naman pinansin si Salome at muling pumikit. Makalipas ang limang minuto ay narinig ko na naman ang sigaw niya mula sa ibaba. "Maruem gising na–" Sa inis ko ay isinuntok ko ang aking kamay sa sahig. Napakaliit ng kama at lampasan ako. Ni hindi pa nga ako makakuha ng magandang pwesto. Dahil tumagos ang aking kamay sa kahoy na sahig ay binunot ko ang kalahati ng sahig at ibinato sa baba. Sira ang kalahati ng ak

