Leus Naglalakad lamang ako habang sinusundan ang naririnig kong boses. Maganda ito, nakakaakit, ngunit hindi ko alam kung bakit nababahiran iyon ng lungkot. Napansin ko rin na hindi ako nagagawang akitin ng boses. Sinusundan ko lamang ito dahil interesado ako. Kung bakit may bahid ito ng lungkot at para itong nagiging garalgal. Habang papalapit ako nang papalapit ay mas lumalakas at nagiging klaro ang boses. Napahawak ako sa dingding. Magaspang ang mga bato at kulong kami rito sa ilalim. "Shalaaa mele lele. Hami hami hmm..." "Toahhh..." Kakaiba ang paraan ng kaniyang pagkanta. Paniguradong may sariling lenggwahe ang mga sirenang ito, ang kanilang lahi. Ganoon naman kahit saan kami pumunta, may mga sari-sariling lenggwahe na ginagamit. Sa bawat kaharian naman sa aming mundo ay may iba'

