Maruem Nakakapagtakang lutang pa rin si Leus kahit ilang beses na kaming nagpapabalik-balik sa mga daan. Naligaw kami, parang nagbabago ang mga daan. Maayos sana kaming tatlo na makakapag-usap at makakapagtulungan ngunit parang wala sa sarili itong si Leus. Hindi sana ako makikialam sa pagkuha sa kaniya ni Salome ng atensyon ngunit naiirita na ako. "Leus, nasa pagsubok tayo at Compact Initiation pa rin ito. Kung napaibig ka man o kung ano man ang pinoproblema mo ngayon, saka mo na damdamin pagkatapos natin na kuhanin ang ating ipinunta. Nakakalimutan mo na ba ang tungkol sa espada na nakatirik dito sa gitna ng Poseratos?" tanong ko kay Leus. Napaawang ang kaniyang labi at agad rin na naitikom. Napabuntong hininga siya. Si Salome naman ay napakamot sa kaniyang batok. "Tama ka, pasensya

