Maruem Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa espada. Bigla naman akong napatigil nang yumanig ang lupa. Mahina akong napamura dahil gumalaw ang halimaw na nasa dulo. Hindi siya pwedeng magising, naisip ko na maaari ko pa rin naman na makuha ang espada nang hindi siya nagigising. Iyon nga lang, kailangan ko pa rin siyang patayin dahil hindi naman niya ako hahayaan na kuhanin ang espada oras na magising siya. Nakakaramdam na rin ako ng pagod at gutom, hindi ko alam ngunit parang mas mabilis na tumatakbo rito ang oras. Nang humakbang ako paabante ay bigla akong natapilok. Agad naman akong napailing at nahampas ang aking noo. Hindi ba at umaatras ako kanina? Ano ang nangyayari? Bakit ako paabante? "Tss..." "Eisai cynics, xenos. Eisai enas kremasmenos enorcos gia nha progress parapera. Ei

