Hariette's POV “Makinig ka nga muna sa akin! 'Wag mo ako talikuran, kinakausap pa kita, Hariette!” sigaw ni Mr. Tocson habang sinusundan niya ako pero nanatili lang ako sa paglalakad. “Pinapatunayan mo talaga 'yang pagiging spoiled brat mo! Ikaw na nga itong pinapayuhan, ikaw pa itong galit. I know him, he will not take you seriously so don’t take him seriously as well.” Patuloy pa rin siya sa pagsasalita kahit hindi ko na siya pinapansin. “Hey, Hariette! I’m talking to you! H-A-R-I-E-T-T-E!” sigaw niya ng todo sa pangalan ko kaya naman napatigil ako. “Ano ba kasing problema mo?” tanong ko. “Ang problema 'yang paglapit-lapit mo sa Kean na 'yan, stay away from him!” kung kasi inaamin na lang niya na nagseselos siya dahil gusto niya ako, wala na kaming pinagtatalunan pa ngayon. “Bakit

