Sean’s POV Hindi ko na siya sinundan pa ng tumakbo na siya palayo. Bakit pa? Nagsimula na akong maglakad pabalik, paulit-ulit kong iniisip ang kaninang pag-uusap namin ni Hariette. Parang may mali…hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit ba iniisip ko pa ang spoiled brat na 'yon? Bakit pakiramdam ko may hindi tama? Nakarating na ako sa bahay ng hindi ko namamalayan kakaisip kay Hariette. Nandoon pa rin si Kean at mukhang hinihintay niya talaga ako. “Umuwi ka na, Kean,” utos ko. “Hindi pa tayo nakakapag-usap,” tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa. “Ano ba ang dapat nating pag-usapan? Hindi ba’t pinapaalis na kita?” lumapit siya sa akin. “Ano bang ginagawa mo?” tanong niya. “Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” balik kong tanong sa kanya. “Alam mo kung bakit ako nandito...” mat

