SEAN'S POV Naalala ko ang sinabi ni Crystal na nagseselos daw ako kila Hariette. Bakit naman ako magseselos? Napatawa ko. Imposible. Sumagot lang naman ako ng oo kanina para manahimik na si Crystal at matapos na ang pag-uusap namin tungkol kay Hariette. Naiinis lang ako pero hindi ako nagseselos. I’m sure. Nabaling ulit ang tingin ko sa kanila, hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito. Bakit siya bumalik, anong gusto niya at nandito siya? Anong binabalak niya? Ano nga ba, Kean? Napakunot ang noo ko. Geez! Ngayon naman ay nakahilig na si Hariette sa kanya. Napailing ako, I can’t believe this. Bakit siya nagpapauto sa lalaking iyon? Bakit siya pumapayag na yakap-yakapin siya ng gano'n? Napabuntong hininga na lang ako, sabay tayo sa kinauupuan ko. Hariette’s POV Nakatatlong songs

