Hariette's POV Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit gano'n? Bakit ganito kabilis ang t***k ng puso ko? Sa titig pa lang niya at sa paglapit pa lang niya ay nanginginig na ako. He makes me feel so weak and I can’t hide the fact that I’m attracted to him. Attracted in a way na hindi ko alam kung bakit. “K-kean…” pagtawag ko sa kanya sabay ang paglunok ko. Ang lapit kasi ng mukha niya sa akin. Hindi kaya magkapalit kami ng mukha nito sa ginagawa niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagkakaganito ako ng dahil sa kanya. Dahil nararamdaman ko lang naman ito kapag nasa tabi ko si Mr. Tocson, pero bakit? Bakit sa kanya rin? Ano bang puso mayroon ako? “Huhulaan ko kung sino ang pinagseselos mo. Siya ba?” sabay ang pagtingin niya sa bandang kanan namin. Sinundan ko ang tingin niya at naki

