Sean's POV Maya-maya ay tinanggal na niya ang headset niya at tumayo sa kinauupuan niya. "I am so bored, nakakasira ng araw 'yang pagtuturo mo! Paano ako matututo kung nakakatamad kang pakinggan?" sabay talikod niya. "Ha--Ms. Joey!" pigil ko sa kanya. "We're not done yet." "Nagugutom na ko, magdiscuss ka dyan mag isa, isipin mo na lang nandyan ako o kaya umuwi ka na lang. Tutal, wala din namang kwenta kung papakinggan pa kita. Don't worry, may bayad ka pa din naman." mataray niyang sabi tsaka naglakad palabas ng pinto. Para naman akong napako sa kinatatayuan ko, araw-araw ata ay lumalala ang mga sinasabi niya. Lumabas ako at sinundan siya, sabay hila sa kamay niya. "Ano ba?" sigaw niya. "Nagugutom ka di ba? Kakain tayo, then we will proceed to our discussion." hinila ko siya palabas

