Hariette's POV Hindi ko alam kung bakit excited ako pumasok kinabukasan, ngayon ko na lang ulit naramdaman 'yung ganitong feeling. 'Yung feeling na excited ka ulit makita siya, makausap siya, makasama siya. Napangiti ako. Is this the time I’ve been waiting for? Maaga akong gumising, at nagpunta pa ko sa salon namin para magpaayos at magpabago ng hairstyle. Nagpunta din ako sa isang mall na medyo malapit sa amin para bumili ng damit, buti nalang at bukas na sila ng ganoong kaaga kaya nakabili ako ng magandang dress. Napag isip isip ko, bakit nga ba kailangan ko pang magbago ng dahil lang sa kanya? Kung pwede namang ipagpatuloy ko na lang ang plano ko, di ba? Nararamdaman ko na malapit na, malapit na siyang mainlove sa akin ng tuluyan. Hindi ba't parang sign na nga 'yung kahapon. Nagu

