Hariette's POV Namangha ako sa aking nakita, hindi ko alam kung saang lugar ito pero napakaganda...para kaming nasa isang paraiso. Makikita mo mula rito ang mga puno na nasa kapaligiran. Nakakatuwa, ang sarap pagmasdan ng buong lugar na napapaligiran ng iba't-ibang mga bulaklak. "You like it?" sigaw ni Kean na medyo malayo siya sa akin dahil nandoon siya sa may gitna ng mga bulaklak. Tumango lang ako bilang tugon, hindi ako makapaniwalang may ganitong lugar doon. Umikot ako para makita pa ang buong lugar, ang ganda, sobrang ganda. "Tara dito para makita mo ng buo ang lugar," sigaw niya sa akin kaya agad naman akong pumunta sa kinaroroonan niya, hindi ko matanggal ang ngiti ko sa saya. "Ang ganda dito, napakaganda..." manghang-mangha kong inilibot ang mga mata ko sa mga bulaklak. "Naka

