Hariette's POV Hinatid ako ni Kean sa bahay, bago ako pumasok sa gate ay napansin kong malalim ang iniisip niya kaya naman na-curious ako at tinanong siya. "Bakit parang may iniisip ka ata? Is something wrong?" nagtataka akong humarap sa kanya. Sinalubong naman niya ang mga tingin ko at saka ngumiti, "Nothing's wrong when I'm with you," sagot niya lang sabay lapit sa akin at inangat ang kamay niya at hinawakan ang pisngi ko pero agad naman akong napaiwas. "K-kean naman!" sabi ko sabay alis ng kamay niya sa pisngi ko. Ewan ko ba kung bakit? Naa-awkward ako. "Bakit? Don't tell me naiilang ka sa akin?" tumingin siya sa akin no'n pero yumuko lang ako. "Don't worry, wala lang 'yong sinabi ko. I just...I just realize na magkamukhang-magkamukha pala kayong dalawa. Hindi nga sa mukha but...

