Hariette's POV "A-anong s-sabi mo?" tanong ko habang nakanganga akong nakatitig sa kanya ng matagal. "Will you keep your mouth close?" kunot noo siyang tumingin sa akin. Sino ba kasing babae ang hindi mapapanganga sa sinabi niya? Lalo na at hindi ako sigurado kung totoo ba o panaginip lang nangyayaring iyon. Ano bang imahinasyon ito, Hariette? Am I freakin' hopeless? Ipinikit ko ang mga mata ko, huminga ako ng malalim at saka ko kinurot ang braso ko. "Ouch!" reklamo ko ng makaramdam ako ng sakit, pagbukas ng mga mata ko ay nandoon pa rin siya na nakatayo sa harapan ko habang umiiling-iling. "Stop acting like an idiot! You're not dreaming!" inis niyang sigaw. Heto na naman siya, sinisigawan na naman niya ako so, meaning this is real. "So, kung hindi ako nananaginip, ulitin mo nga ulit

