Naghihintay ako sa pag-text ni Win sa akin umupo ako sa maliit na sofa ko. Nakarinig ako nang pag-katok nagtaka naman ako dahil hindi pupunta ngayon ang dalawang mokong ngayon. Tumayo ako kaagad para malaman kung sino ang kumakatok nang buksan ko bumungad sa akin si Win na seryoso ang mukha. "Ako na ang nagpunta sa'yo." aniya hindi naman ako naka-imik sinabi niyang mag-text siya kaya nakaka-bigla. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa bago siya magsalita hindi kaagad ako umimik. "Aalis ka?" tanong niya sa akin umiling kaagad ako at pinapasok ko siya sa loob ng apartment ko. "Dederetsahan na kita, Light." wika naman niya sa akin kinakabahan ako sa sasabihin niya. Inalok ko siyang maupo sa sofa ko pero umiling na lang siya sa harapan ko. Bumuntong-hininga na lang ako at hindi ako

