Hindi mawala sa isip ko ang inamin niya sa amin noong nag-camping kami at bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing naalala ko 'yon. Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya dahil parehas kami lalaki at may babae akong hinihintay. Nasa bahay ngayon ang kapatid ko kasama ang kaibigan ni Ging na si Yumi. "Bakit kayo magkasama, kuya?" tanong ko sa kanilang dalawa nagtataka ako dahil hindi naman sila close talaga. Bumungad sa amin ang magulang namin na may kakaibang ngiti sa kanilang labi. "Hindi ba nabanggit sa'yo nina Jirah at Yumi?" tanong ni Mama sa akin wala akong alam sa sinasabi niya. "Hindi ko nga sila nakakausap, Ma paano ko malalaman ang tinutukoy mo?" sambit ko na lang hindi ako bago sa ganitong senaryo ayoko lang mag-isip. "Win, may relasyon na kami ni kuya—ni Jirah ngayon, ilang bu

