"Kung 'yan ang desisyon mo huwag mo pagsisihan sa bandang huli," wika ni Drake at umalis na siya naghihintay sa akin ang kapatid ko at ang magulang namin. Nilampasan ko sila at hindi pinansin wala akong gana makipag-usap sa kanila lalo nang malaman ko sa kuya ko ang pag-tataksil ni Ging sa akin. "Win!" tawag ni Yumi huminto ako sa paglalakad pero hindi ako nakatingin sa dating kaibigan ni Ging. "Hindi mo ba ako gusto sa kuya mo?" tanong ni Yumi lumakad na lang ako palayo sa kanya. Kahit sabihin kong ayaw ko sa kanilang relasyon dahil halos ka-edad ko lang si Yumi wala akong magagawa dahil si kuya ang karelasyon kung totoo man na masaya ito dahil kay Yumi masaya na ako para sa kanilang dalawa. "Pa?" sambit ko nang mapansin kong bumungad sa may kwarto ko. "Pwede ba tayo mag-usap?" wika

