Mula ng mag-hiwalay kami wala na akong balita sa kanya bumalik ako sa dati kong ginagawa kasama ang mga kaibigan ko. "Win, umalis na si Light sa school nag-pokus na siya as singer sabi ng mga estudyante napag-tanungan ko at kina Dino nagtanong din ako." sambit ni Mat hindi ko siya pinapansin dahil gumagawa ako ng project namin. "Win?" narinig kong tawag ni Cute sa akin nag-kunwari akong walang narinig. "Ano? Sorry, tinatapos ko lang ang project na binigay sa atin ni professor, wala pa kayong ginagawa hindi ko kayo tutulungan." aniko sa mga kaibigan ko at umiwas na kaagad ako ng tingin sa kanila. "Wala ka na bang pakialam sa kanya at sa damdamin niya sa'yo?" tanong ni Thana sa akin dahilan para mabaling ang tingin ko. "Sa palagay mo, Thana hindi ko masusuklian ang pag-ibig na binigay n

